Lumipas ang mga araw at unti unti na akong nasasanay sa ganoong set up namin ni Grecko.
Tuwing weekends lang kami nagkakaroon ng chance magkita, actually every sunday nga lang eh. Kapag kasi Sabado nagpapahinga muna sya, kumbaga parang restday nya. Tapos kapag linggo naman doon kami sa condo nya nagi-stay. Para narin malinis namin yon kahit papaano.
"Nagugutom kaba?" tanong ni Grecko sakin.
Katatapos lang namin maglinis ng buong Condo nya.
Nagpapahinga ako ngayon sa couch nya samantalang sya ay nakatayo sa harapan ko.
"Hmmm? Sige magpadeliver ka nalang Pizza, nagkecrave nako dun eh!" pagrerequest ko dito.
"Okay" mabilis naman nitong tugon.
Agad naman na syang tumawag para umorder nito.
"Eh ako? Anong kakainin ko?" bigla nitong tanong sakin matapos nyang tumawag.
Naguluhan naman ako sa tinanong nya.
"Huh? Eh diba yun na nga, yung Pizza? Di ko naman kayang ubusin yun! Syempre hati na tayo don ano?" paglilinaw ko sa kanya.
Umiling naman sya dito.
"Huh? Bakit ayaw mo ba ng Pizza? Sana umorder ka nalang din kung ano yung gusto mo?" pagtataka ko sa kanya.
Nagpigil naman sya ng ngiti sa sinabi ko.
Unti unti syang lumapit sakin at umupo sa tabi ko.
Umakbay sya sakin at inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko.
"Ayokong umorder, wala naman dun yung gusto kong kainin eh!" pagmamaktol nito.
Huh? Jusko parang tanga tong si Grecko. Ayaw pakong diretsuhin kung anong gusto nyang kainin!
"Ano ba kasing gusto mong kainin? Ayaw mo namang magpadeliver! Gusto mo ba ipagluto pa kita?" paniniguro ko sa kanya.
Humarap lang sya sakin at tiningnan ako sa mata.
"Hindi na" sagot nito sakin.
Ano daw? Ang gulo ah? Ayaw magpadeliver, ayaw rin magpaluto? Eh anong gusto nito!
"Eh anong gusto mong kainin kung ganon?" nagtataka kong tanong dito.
Nagpigil naman ito ng ngiti at hinawakan ako sa aking mga braso.
"Ikaw!" diretso nitong sabi sakin.
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito.
Hanudaw??"Ano?" paguulit ko.
Tumawa lang sya at kinagat ang ibabang labi nya.
"Tsssss arte pa eh' nadinig naman" pang aasar na sabi nito.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nyang iyon.
"Anong sabi mopp--"
Labi ni Grecko ang sumalubong sakin bago ko pa matapos ang sasabihin ko.Medyo napataas naman ang balikat ko sa pagkagulat dahil sa bigla bigla nitong paghalik sa akin.
Shet! Ang sarap ng halik na'to sobrang miss ko na!
Gumanti narin ako ng halik dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Unti unting gumalaw ang mga kamay ni Grecko at marahang humaplos sa aking likod.
Kasabay ng bawat paghagod nya ay ang paggalaw ng mga labi namin sa isa't isa.
Ibang init ang nararamdaman ko dahil sa sarap ng halik na iyon.Unti unti akong tumayo pero di ko pinuputol ang halikan namin ni Grecko.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
RomanceTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...