Love Lies 8

4.8K 146 8
                                    

Friday ngayon at hindi ako makapag concentrate dito sa mga school works na ginagawa namin.

Naiisip ko yung nangyari kahapon sa library, yung tingin ni Grecko sa akin, yung guilt na naramdaman ko nung sandaling yumuko sya at nilagpasan ako.

Syempre at the same time kinakabahan rin ako. Kinalaban ko ba naman si Camille tsssss' at mas lalo pakong kinakabahan kay Grecko? paano kung gumanti sya saken? paano kung bugbugin nya ko? paano nako? tangina! ngayon nagsisisi nako kung bakit ko paba kasi sila sinumbong.

Kahapon ang tapang tapang ko then ngayon duwag pala ako. Jusko ano ba tong pinasok ko!

Alam ni Irish yung nangyari kahapon sa Library kinuwento ko naman kasi sa kanya yung ginawa ko. Hindi kona dinetalye yung kwento pero binanggit kong si Camille yung babae na sinumbong ko.

Di naman na sya nagulat dahil alam din naman nya yung chismis about kay Camille. Medyo nagulat lang sya kung paano at bakit ko ba ginawa iyon. Kasi dapat daw pinabayaan ko nalang daw yung malanding yun 'Ano naman daw ang pakielam ko kung may lalaking kahalikan si Camille?' ayan tuloy for sure daw na galit saken yun or worst baka gumanti pa.

Nakuha ko yung point nya eh.

Ano naman nga sakin kung may lalaking kahalikan si Camille. Bakit ganon? kung ibang lalaki ba yung kahalikan ni Camille papalampasin ko lang naman yun at hahayaan nalang sila doon pero kasi si Grecko yung guy eh! kaya nainis ako. Fuck! nagseselos ba ko? tangina yuckkkk ano ba to? erase! erase!

Galing kaming cafeteria ni Irish. Nag-aya si Warren na kumain tutal breaktime nya rin naman daw.

Ngayon ko lang din nakita yung gagong yun. Masyado kasi raw syang naging busy sa Thesis nila 'gumagawa daw sila ng bagong system at program. Sinabi ko narin yung balak na party kuno slash inuman kay Warren para pumunta sya. Game na game naman si gago at good news daw yun para sa kanya dahil talaga naman daw balak nyang magbar at uminom this weekend pangrelieve sa stress nya sa school.

Nakapag paalam narin ako kay Madam Fely nung isang araw pa. May paparty kako yung mga friends ko sa unit ko. Okay lang naman daw kay Madam Fely basta invited sya. Natawa naman ako pero joke lang daw yun. Wag lang daw kaming masyadong maging magulo at mag-ingay.

Busy si Irish sa pagkalikot sa phone nya. Ako naman ay kanina parin nag-iisip at di mapakali.

Nagulat ako ng bigla nalang may humablot sakin at tinakpan ang bibig ko. Jusko takot na takot ako tangina naman eto naba yun? fuck!

Di ako makalingon dito sa taong humila sakin dahil sa lakas nito. Di na nga ako makahinga sa diin nung hawak nya sa bibig ko eh. Kabang kaba nako 'ano na kaya ang mangyayari saakin?

Dinala ko ng taong humila saken sa locker room. Pero di ako familiar dito. Mukhang mga players lang ang nakakapasok dito. Locker room kaya ito ng ano?

Doon sinandal ako sa pader nitong... Si Grecko?!

Fuck shit! Tangina katapusan ko naba?

Ang sama ng tingin nya saken. Tagos yung mga titig nya sa loob ko. Di ako makapagsalita 'magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko.

Wala akong magawa o masabi sa kanya. Siya naman ay hinuli ang mga tingin ko at para namang nakulong din ang mga mata ko sa pagtingin sa kanya, hindi ko na ito magawang ibaling pa sa iba. Hindi ko alam pero yung tangina lang! nalulunod ako sa mga tingin na yun.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon