"Aray! Dahan dahan lang baby, masakit" daing ni Grecko sakin.
Nandito na kami ngayon sa kwarto nya dito sa bahay nila. Ginagamot ko ang mga sugat ni Grecko sa mukha. Medyo na puruhan sya nung kuya nya eh. Pano ba naman ang tagal din kaya nilang nagsuntukan bago sila naawat.
"Ayan kasi, nagkipagbuno kapa sa kuya mo! Tapos ngayon umaaray ka jan!" panenermon ko sa kanya.
"Eh' gago sya eh! Pinikon nya ko!" pangangatwiran pa nya.
"Tssss kahit na. Tingnan mo tuloy nangyari sayo, ayan! Nagalusan ka tuloy, putok pa yang labi mo! Ayoko namang nasasaktan ka ng ganyan" pagaalala ko sa kanya.
Hinila ako ni Grecko at kinandong sa mga binti nya.
"Sorry na baby, wag ka nang magalit okay?" paglalambing naman ni Grecko.
Tumingin lang ako sa mga mata nya.
Kahit may konting galos sa mukha si Grecko ay nangingibabaw pa din ang kagwapuhan nito.
Ngumiti nalang ako sa kanya.
Hinawakan naman nya yung pisngi ko at hinimas ito.
"Wala akong pakielam sa sasabihin ni kuya or ni mommy satin. Basta mahal kita at mahalaga ka sakin, tandaan mo yan Timothy" sincere nyang sabi sa akin.
Para namang hinaplos ang puso ko sa mga binitiwan nyang salita. Mahal talaga ko ni Grecko, kitang kita ko iyon sa mga nangungusap nyang mata.
Napangiti nalang ako at bigla ko syang hinalikan.
Lumapat ang mainit nyang labi sa akin.
Gumanti rin sya ng halik.Ang sarap talaga sa pakiramdam ng mga labi ni Grecko. Para akong dinuduyan sa himpapawid dahil sa init at lambot nito.
"Aaaray! Ah!" pagrereact ni Grecko.
Nakagat ko ata yung part kung saan nasuntok ng kuya nya.
"Ay! Sorry hehe" paghingi ko ng paumanhin.
Natawa naman sya at ganun din ako.
Kanina pagkarating namin dito sa kwarto ay gulong gulo ako sa lahat ng nangyari.
Ayoko mang tanungin si Grecko pero gusto ko ding makakuha ng sagot mula sa nangyaring kaganapan. At hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong kay Grecko kahit alam kong fresh pa ang nangyaring away.
Sumagot naman sakin si Grecko at ikinuwento ang pinagmulan ng hindi nila pagkakasundo ng kuya Gustav nya.
Apat na taon ang tanda ni Gustav kay Grecko. Lumaki naman daw silang magkasama at close sa isa't isa noong mga bata pa sila. Ganun din kahit nung pagdating nila sa highschool mas parang naging magbarkada lang sila.
Pero nagsimula ang di nila pagkakaintindihan nung magcollege sila.
First year college noon si Grecko sa course nya ngayong Engineering. Katulad nga nung kinuwento ng mommy ni Grecko, silang mag-asawa daw ay parehong Inhinyero.
Samantalang ang kuya naman ni Grecko na si Gustav ay nasa fourth year college na nuon sa kursong Architecture. Nagalit daw ito dahil bakit daw si Grecko ay pinayagan maging Engineer samantalang gusto nya rin naman daw ito dahil gusto nyang sundan ang mga yapak ng kanilang magulang pero hindi sya napagbigyan dito.
Magmula noon ay nagkaroon nang iringan sa pamilya nila. Nawala ang dating closeness nilang mag-kuya. Di narin sila nag-uusap or nagpapansinan.
Nakagraduate si Gustav at piniling magtrabaho sa ibang firm. Hindi nya ginustong magtrabaho sa Engineering firm ng kanilang sariling pamilya. Doon mas nagkaroon ng lamat ang relasyon nila ng daddy nila.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
RomansaTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...