Prologue

80 1 0
                                    

"Maaayos pa natin 'to... Please Cel" umiiyak na kaming parehas ng minamahal ko. Nakayakap pa rin siya sa akin.

"Hindi mo ba ako maintindihan ha? Ayoko na! Itigil na natin 'to!" Mahal na mahal ko siya. Pero kailangan kong gawin 'to para sa kanya... Para sa amin.

"Ayaw mo na ba talaga? O may iba ka na?" Napatigil ako. "May iba? Nagdududa ka sa pagmamahal ko sayo? Alam mo na mahal na mahal kita. Ikaw lang. Sa pagsasama natin, sasabihin mo sa akin na may iba? Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi mo ba ako maintindihan? Ayoko na. Please pakawalan mo na ako."

Tumalikod siya sa akin, tinakpan niya yung mukha niya ng kamay niya at dun siya umiyak ng umiyak.

Hindi ko naman siya hihiwalayan na lang ng walang dahilan. Kailangan ko gawin to.

"May pakiusap ako Cel" nakaharap na siya sa akin.

"Ano yun?"

"Pwede bang maghiwalay na lang tayo bukas? Akala ko ako na yung forever na hinahanap mo. Akala ko ikaw na. Akala ko ako yung first and last love mo. Akala ko lang pala yun" pinipilit niyang ngumiti pero naiiyak pa rin siya. Nasasaktan ako na nasasaktan siya. Ang hirap. Sobrang hirap.

"Sige" sagot ko.

Hinatid niya pa rin ako sa bahay namin. Hindi kami nag-usap. Hindi kami nagtabi.

"Bakit hindi mo siya kasama saka," pinagmasdan ako ni mama. "Bakit namamaga yang mata mo?" sana lahat kapag may problema ka masasabi mo sa magulang mo.

Ngumiti ako, "umuwi na po siya. Kumain na po pala ka-- ako. Tulog na po ako."

Naghilamos ako. Nagbihis ako. Inayos yung kwarto. Tapos umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon