Chapter 30A Painter
The afternoon breeze was ruthlessly blowing my hair. But the only thing that matters was the setting sun in the horizon, the gentle wind, the tamed sea, my sketch pad and the different paints in my hand.
May tumabi sa inuupuan ko. Hinihipan ng hangin ang buhok ko nang lingunin ko siya at nahuling nakatingin siya sa aking sketch pad.
"Hi, Arvie! Arvie, let's paint?" I said with childish but amusing tone.
Doon ko lang napansing may dala-dala rin pala siyang sketch pad. Nalaman kung mahilig din pala siya sa mga paintings pero hindi siya gaano kagaling sa pagpipinta. He doesn't really like to draw pero doon siya mas magaling.
Simula noong unang pagkikita namin, nasundan pa iyon ng napakaraming beses. I am not sure if it's just a coincidence or what pero sa tuwing lumalabas ako para magpinta o magpahangin, palagi kaming nagkikita. Luckily, hindi kami nahirapang kilalanin ang isa't isa dahil halos pareho kami ng mga hilig.
He knows a lot about arts. Iyon ang palagi naming topic kapag nagkakausap hanggang sa naging magkaibigan kami.
"What are you painting?" tanong niya.
"The sunset. The sea. Maganda sa banda roon. Ayaw mo ba ako samahang magpinta?"
He only smiled.
"Kunin mo na ang paints mo! Sabayan mo na ako."
"I drew something..." He bit his lower lip.
"Ano?"
"Uhm..." Huminga siya nang malalim, tiningnan ako ngunit nag-iwas din agad. "Nevermind."
"Pakita ako!"
"Sketch lang. Hindi naman maganda."
"Patingin muna!"
Bago niya pa mapaghandaan ay inagaw ko na sa kanya ang sketch pad niya. Tiningnan ko 'yon at nagulat nang makita ang sobrang pamilyar na babae roon. Hindi pa man ako nakabawi ay agad na niyang inagaw ang sketch pad niya sa akin.
"Tss! I told you, it's nothing! Ang kulit naman."
Nanatili akong windang. He looked away. Hinipan ng kaunting hangin ang pages ng kanyang sketch pad kaya nakita kong pare-pareho ang lahat ng imahe na naroon na ikinagulat ko pa lalo.
It's me! The girl he drawn was me!
"Don't think about this so much. Bored lang ako kaya ikaw ang iginuhit ko," pagpapalusot pa niya.
Ilang sandali pa akong tulala hanggang sa unti-unting pumorma ang ngiti sa labi ko. I bit my lower lip and teasingly glanced at him.
"Bakit? Sino ba 'yong iginuhit mo? Hindi ko naman kilala," tukso ko, nakangiti.
"Don't play with me. I know you saw it."
"Sino siya? Crush mo 'no? Ba't ang ganda?"
He glared at me.
"Kilala mo ba 'yon? Sino? Ba't puro siya ang iginuhit mo? Nagandahan ka ba?"
"Yes," he said at agad akong nagulat! "She is. She's very beautiful. She gave colors to my painting. Happy?"
Hinuli niya ang mga mata ko. It's amazing how mezmering his eyes are even when it's dark and hooded. The reflection of the sunset looks clear on his iris— it made him looks expressive.
Malakas ang hampas sa puso ko. I swallowed hard and cleared my throat.
"Uhm, pwede ko bang makita ang iba?"
BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
RomanceAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...