Darkness 34

112 4 0
                                    


Chapter 34

His Brother

So far, despite of his sudden confession to me and my secret feelings to him that's still left unspoken, everything between us went well.

Akala ko nga ay magiging awkward iyon. Lalo na dahil inakala ni Arvie na one sided lang. Na siya lang ang may gusto sa akin at sa ako sa kanya'y hindi. But then, Arvie is too good to handle relationship like this. Even at this young.

Naisip ko tuloy na andami na sigurong babaeng dumaan sa kanya kaya siya nahahasa sa pagha-handle ng ganito. He's so good on making me feel so comfortable despite of that. O siguro, it's already innate to him. Natural na siyang kaswal at inborn na siyang magaling talagang makisama at pakipag-socialize. Magaan siyang kasama sa lahat ng pagkakataon. Para ngang walang aminan na nangyari dahil we still did the same as before. I didn't feel awkward because I don't feel a single negative changes between us.

At masaya ako. Naging kontento ako roon. Pakiramdam ko ay nasasabi ko na rin sa kanya ang nararamdaman ko kapag magkasama kaming masaya at close sa isa't isa.

Sa mga nagdaan na araw, palagi na akong namamalagi sa kanila. Not just because I like to be with him–and of course, it's one of the reason– but because I started to hate our home.

Palagi ko na kasing naabutan sina Mommy at Daddy na nag-aaway at nagsisigawan sa bahay.

"This is all what we can do! Kailangan nating lumayo dahil bulilyaso na tayo, Gier. Kung babalik pa tayo roon, gugulpihin nila tayo! I'm sure that would be all so freaking deadly!"

Sigaw iyon ni Mommy isang umaga habang nag-aayos ako para makaalis. May usapan kami ngayon ni Arvie na magpinta ulit. Maghihingi sana ako ng permiso sa kanila pero sa nadatnan ko, mukhang ayaw ko ng gawin.

"Your mind running all bunches of negativities, Cleia! Ano ka ba naman! I want us to come back in Manila so that we can settle any problems we've cause to the city officials there! Hindi natin ito matatakasan habang buhay! Kung magtatago tayo ng magtatago, mas lalo lang nating pinapalala ang problema!"

"Magiging ligtas tayo kapag magtatago muna. I didn't say we'll hide here forever! We can't stay Iloilo for long. Pwedeng magtago sa ibang lugar! Sa Cagayan! Sa Agusan del Sur if possible! O di kaya'y sa Norte! Total nasa kasulok-sulukan na 'yon ng Mindanao at mahihirapan na silang hanapin tayo–"

"Are you fucking of your mind, Cleia?! Seriously?! Ang lugar na pagtataguan talaga natin ang iniisip mo kaysa sa kung paano natin masulusyunan 'to? We know from the very beginning that we are at very fault! Tayo ang nagtraydor! Tayo ang mananagot dito! Tingin mo kapag nagtatago tayo, hindi pa rin nila tayo mahahanap, huh? Please be wise!"

"At anong gusto mong gawin natin, Gier?! Ang harapin sila't aminin ang kasalanan natin?! Nahihibang ka na ba? Ipapakulong nila tayo, kung hindi man papatayin!"

Bumaba ako sa hagdanan. They didn't notice me even if I remain standing there for a long while. Nanatili akong tahimik habang malamig silang pinagmamasdan. I am understanding at certain things pero isa ang bagay na ito sa hindi ko maintindihan. I can't understand what they are fighting for. Ang tanging naintindihan ko lang ay tungkol ito sa kung anong issue nila sa Manila.

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-away sila. This is actually the third time now. Siguro hindi lang sila tatlong beses na nag-aaway pero tatlong beses ko pa lang natyempuhan ng ganito. Iyong harap-harapan at kulang na lang ay saktan nila ang isa't isa.

This is so new. I didn't see them fighting like this way back in Manila. Siguro rin dahil pareho silang abala sa pagiging city officials at miminsan lang kung makasalimuha ko. Now that we're here in the Iloilo, hindi ko inaaasahang ang inakala kong tahimik at payapa na lugar ay magiging katumbas pala ng hindi magkakaunawan ng mga magulang ko.

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon