Chapter 35So Desperate
Kinaumagahan ding iyon ay pinilit ko ang doktor na kaya ko ng umuwi. It was just my natural reaction due to head injury. Everytime my doctor would ask me to stay, that was my reason. Nagpumilit akong umalis at nangatarungang mas lalo akong lalala kapag nanatili pa roon. Atat na atat akong umuwi kaya sa huli'y sumakit ang ulo niya sa akin at pinakawalan na rin ako.
That was my reason, though. But the truth is... I didn't went home and didn't even attended my duty in the hub. After confining out from the hospital, bumyahe agad ako palabas ng Manila.
No one knows about it. Nobody knows about my plan of leaving. I didn't contact Elvira or even Arvie. I didn't saw him until now. Pumikit ako nang maisip ang pangalan niya. Until now, my thoughts stuck to what really happened between us before. That's why I promise to go today... to the place where everything between us started.
Nakarating ako ng Iloilo pagkatapos ng ilang byahe. Yes. I am so desperate now to remember everything. Kung gaano ako ilang taong naging duwag na maalala ang lahat ng memorya ko, ganito naman ako katapang na harapin ang mga iyon ngayon.
My memories stopped when I met Arvie's brother. Nagbabasakali akong baka bumalik at magpatuloy ang ala-ala ko kapag binalikan ko ang lugar. I want to know deeper. I want to know why Arvie violated me, what happened to my parents... why I didn't see them and why after all these years, they didn't find me.
Iloilo breezes blew my hair. Sumasayaw ang dress na suot ko sa nag-uunahang hangin. Hot liquid pooled in my eyes when suddenly, my heart ached for no reason. Sakit sa lahat-lahat ng mga pinagdadaanan at sakripisyong ginawa ko para makausad sa buhay. Namuhay akong punong-puno ng takot sa lahat, at nahihirapang magtiwala sa mga tao.
Mahirap umusad ng mag-isa. Mahirap mag-isip kung maraming gumugulo sa isip mo. At mas lalong mahirap kapag matagumpay ka ngang nakausad araw-araw, pero hindi mo alam kung para saan. Because you have no one besides you and you didn't even know who you are.
We're living for something or someone. That's a fact. Living without aiming is simply means living without essense at all.
"Ano pong kailangan ninyo, Ma'am?" tanong sa akin nang isang matandang babaeng nagwawalis sa bahay na kanina ko pa tinatanaw.
Nanunubig ang mga mata ko. I am now watching at the familiar house in my memory... in our vacation house before. Ang laki na ng pinagbago nito ngayon. Maliban sa nangangalawang na ang ilang bahagi, naglalakihan na rin ang mga tuyong-tuyong puno at damo sa bakuran. May nakatira na rin pero mukhang nakakaligtaang alagaan.
It was just a simple house but I remember how it looks new and neat. Ngayon, hindi ko na halos maipaliwanag nang maayos. Maraming taon na ang nakalipas at siguro, iyon ang dahilan ng pagbabago nito. Gayunpaman, ang inaasahan ko ay mas lalo pa itong gaganda. Hindi itong parang pinapabayaan na lamang.
"Ma'am?" tawag ulit sa akin ng aleng nagwawalis.
Pumikit ako at napasinghap. Dahan-dahan kong ibinagsak ang tingin sa kanya. I smiled sadly.
"K-Kayo po ba ang nakatira rito?" I asked.
Kumunot ang noo ng matanda ngunit sinagot din naman ako.
"Ang anak ko ang nakatira. Bakit?"
Umiling ako at muling pumikit. I think my memories wouldn't come back here. Our house is far more different now from before. Masasabi ko mang may ibang bagay na hindi nagbago rito sa Iloilo pagkalipas ng ilang taon ngayon, hindi pa rin sapat iyon para kalabitin ang ala-ala ko.
"S-Saan po nabili ng anak ninyo ang bahay na 'to, Lola?"
"Ito? Matagal na panahon na silang nakatira rito. Hindi ako sigurado, pero nabili nila ito pagkatapos mamatay noon ng mag-asawang nagmamay-ari ng bahay."
BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
RomanceAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...