Darkness 40

107 4 0
                                    


Chapter 40

Physical Pain

Isang mahabang pagtatalo at pag-aaway ang naganap sa pagitan namin ni Tita Janny pagkatapos kong itanong iyon sa kanya. He encouraged me so hard not to join anything with it again to the point that he went too depress on me. But I'm already so determined to do it again. I want to be obsess back to my old hobby again, the intensified vehicle racings.

Ilang araw na nagdaan simula noong umalis si Sheen. And I could say, in between that days, I'm still flying and unusual. I tried joining car racings in substitute to my boxing and MMA hobby sometimes, pero dahil hindi naman extensive na racings iyon, nabobored ako. Gayunpaman, sumasali pa rin palagi. Walang palya kapag may paligsahan. Kahit mula pa sa trabaho't shooting, diretso na agad sa karera. Wala ng pahinga.

My parents still didn't know. I don't want them to know because I'm sure, Mama would be furious. I don't want her to be angry that's why I asked Tita Janny to keep it a secret for me even in a while. I know sooner too, my parents would still found out. I want to find it with their own other than telling them myself.

Gulo ang halos naidulot ko sa mga nagdaang araw. If I'm not creating mess in racing field, sa shooting area naman ako gumagawa. I'm very serious while doing my actions but I feel like it was just a mess. Parang normal ko lang na nagagawa. Parang wala lang kapag ginagasgas ko talaga ng totohanan ang katawan ko sa lupa at pader.

I just want this feeling to be over with. It's not helping me. Hindi ako nakakausad sa lahat.

"Fuck! Arvie!"

Everybody shrieked in fear when I immediately jumped in the building, without hesitation and without fear. Ang eksena'y tatalon ako mula sa third floor para makipagbarilan sa ibaba. Kaso, hindi pa man naisabit sa akin ang harness at hindi pa man nakahanda ng cushion sa ibaba, tumalon na ako.

I landed with pose and standing though, pero isang sapak ulit mula kay Tita ang natanggap ko.

"Arvie, you idiot! The director isn't directing yet. Ano ka ba?! Magpapakamatay ka?"

Some staffs immediately went to me. I shook my head and resist their assistance. Muli akong hinampas ni Tita sa braso nang hindi ko siya sinagot.

"Arvie!"

"I'm fine, Tita." sabi ko na parang walang nangyari.

"Anong ayos ka lang?! Nahihibang ka na! Bakit ka ba tumalon doon? Ang taas ng floor, Arvie! My gosh! Pinaghanda ka pa lang doon at wala pang harness na nakakabit sa'yo! The camera isn't rolling yet! Ano ka ba?!"

"I just practice."

"Practice? You practice the fuck up?! Tinalon mo ang floor na 'yan nang walang kahit anong proteksyon sa'yo tapos sasabihin mong practice?! Anong pinag-eensayuhan mo?! Ang pagpapakamatay?!"

Hindi na ako sumagot at seryosong nagpagpag na lang ng damit.

Nasapo niya ang noo at napapikit. I could almost hear and feel his frustrations to me. Lumapit din sa akin si Elaine, my leading lady, at si Elvira na noo'y halos natulala pa sa ginawa kong pagtalon. My eyes stick on her coldly before I diverted away.

"Ark, are you okay?" tanong sa akin ni Elaine.

Tumango lamang ako at tinalikuran sila. Sumalubong naman sa akin si Elvira na gulantang pa rin at halos hindi makapaniwalang nagawa ko 'yon.

"Arvie..." She blinked and swallowed hard.

Nag-angat ako ng seryosong tingin sa kanya at hindi na umimik. I just wanna take my work seriously. Ayoko siyang kausapin sa lahat dahil pakiramdam ko, wala rin naman akong mapapala kundi pagkainis lang. I don't wanna asked her if she has updates to Sheen too. Pakiramdam ko, magkakautang na loob ako. I have my men working on it and I prefer trusting them than trusting her.

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon