Darkness 33

97 3 0
                                    


Chapter 33

My Confession

Akala ko hindi ako makatulog sa gabing iyon. Mabuti na lang at sa tulong ng pagod at panlulumong nararamdaman ko, agad akong hinila ng antok pagkatapos ng ilang oras na pag-iisip.

Matamlay ang pakiramdam ko kinaumagahan. Agad ding nawala iyon nang makita ko si Arvie sa aming sala, disenteng nakaupo roon at tila kanina pa naghihintay.

My lips parted widely. Hindi ko alam kung bakit siya nandito gayong ang aga-aga pa! At paano siya sa nakapasok?

"Arvie..." Gulantang kong sabi.

Napahinto ako sa pagbaba sa hagdan. Mabilis siyang napatayo nang makita akong bumababa. He went closer to me. My eyes widen and stepped back. Gulong-gulo pa ang buhok ko and I'm still so freaking messy kaya agad akong napatalikod at akma ng tatakbo pabalik sa kwarto only to bounce back again when he pulled my arms closer to him.

Bumangga ako sa kanyang dibdib. I almost lost my balance kaya napakapit ako sa kanya. I tried to step back but he held me tighter in place.

"Arvie!"

"Where do you think you're going?" halos pagalit niyang tanong.

Nawindang ako. Inaalala ko pa kung anong possibleng dahilan para magpunta siya rito at sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi. Kumusta kaya? Anong nangyari sa kanila ni Winslet pagkatapos no'n?

I sighed bitterly and stepped back. Agad niyang kinuha ang braso ko pero hindi na rin hinila.

"Paano ka nakapasok?" I asked coldly.

"Your parents welcomed me in. Umalis din agad sila pagkapasok ko at ibinilin lang na hintayin ka."

"Anong oras ka ba nandito?"

He tilted his head and licked his lower lip. "Six or thirty... Not sure."

What the hell? Ganoon ka aga? Bakit?! It's already eight! Anong sadya niya rito?

"Bakit ka nandito kung ganoon? Wala akong naalalang may usapan tayo ngayong araw!" sabi ko, medyo iritado.

He tilted his head and his eyes trailed my whole body. His eyebrows furrowed a bit. Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. I know how I'm so messed up tapos kung makatitig siya ngayon, para bang hindi siya nandidiring ang kalat-kalat ko pa!

"Why did you left last night?" He asked slowly.

Umikot ang mga mata ko. Sinong hindi uuwi kung hindi mo nga ako halos kinausap kagabi?

Gusto ko sanang sabihin 'yon pero huwag na lang. Nagmumukha lang akong demanding at hahaba pa lalo ang usapan.

"Inaantok na kasi ako."

"Without saying goodbye to me?"

Tss! Sino pa bang gustong magpaalam sa lagay na 'yon!

"Inaantok na nga kasi ako. Hindi na ako nakapagpaalam."

"How come? Kahit pagtawag lang sa akin sandali, hindi mo nagawa?"

"Issue pa ba natin 'to ngayon, Arvie? Tapos na 'yon! Nakauwi naman ako ng ligtas at nakapag-enjoy ka naman ng sobra kay Winslet kaya ayos na! Umalis ka na dahil maliligo pa ako!"

Umirap ako't tinalikuran na siya para makaalis pero muli niya akong hinigit. Pabagsak nabangga ang likod ko sa kanyang dibdib. Sa inis ko'y hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. Pumungay ang mga mata niya at naninimbang ang titig sa akin.

"Ano na naman?! Hindi mo ba ako paliliguin?"

"Are you angry?"

Umirap ulit ako. Hindi, Arvie! Galit lang!

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon