(1) THIS IS ME

167 6 0
                                    

ARIN'S POV
"Good morning, mommy (beso), daddy (beso)." bati ko sa parents ko na nasa dining area.

"..and kuya Khent." At dagdag ko nang makita ko siya sa kabisera niya na nakaupo.

"How's your sleep, dear?" pagtatanong ni Mommy.

"Fine." tamad kong sambit habang paupo sa aking kabisera.

"Bad mood, lil'sis?" nakangising tanong ni Kuya Khent sa akin.

Inirapan ko na lang siya at nag-umpisang kumuha ng makakain.

"Wala bang nabubully sa'yo sa school, dear?" malumanay na tanong ni Mommy.

Napalingon lang ako sa kanya at umiling na lang.

"Wala ba talaga?" paniniguro ni Kuya.

Tahimik lang na nakikinig si Daddy sa amin.

"Wala." simpleng sagot ko sa kanya.

"Ih, sino iyong Luxurios Zachary na naririnig na pinag uusapan niyo nila Venice?" taas-kilay na tanong ni Mommy.

"Oo nga, sino iyon, Lil'sis?" singit ni Kuya Khent.

"Leader ng Mhorfelle Gang." bored kong sambit habang kumakain ng bacon.

"Mhorfelle Gang?" curious na sambit ni Kuya Khent.

"Darling, diba ikaw ang dating leader ng Mhorfelle Gang noong halos kaedad mo si Khezille?" nakangiting pangungumpirma ni Mommy kay Daddy.

"Uh-huh. Ako ang tumatayong leader sa Mhorfelle Gang. Pero si Winter ang namili at bumuo sa amin noon dahil kinakailangan namin siyang protektahan sa gustong kumuha sa kanya." simpleng paliwanag ni Daddy kay Mommy.

"Cool! Naging gangster ka po pala, dad?!" manghang na tanong ni Kuya Khent.

Tumango lang si Daddy habang umiinom ng kapeng nasa harapan niya.

"Kahit naman si Tita Winter. Gangster din noong magkasing-edad kami. Hindi lang halata sa kanya." dagdag ko.

At naging tahimik ang hapag nang matapos ang usapan iyon.

"Hey Lil'sis,"

Napalingon naman ako sa kuya kong nagpapansin.

Taas-kilay ko lang siyang nilingunan at tinignan.

"Easy sis. Masyado kang hot. I just wanna asks you. Okay?"

"Then?"

"What's with that look? Hiding your identity as always?"

"So, What if I am? May magagawa ka ba?"

He pouted.

"Sungit. Magkaboyfriend ka sana, para hindi ka laging masungit sa akin."

Inirapan ko na siya habang umiiling sa suhestyon niya.

"Khent, tigilan mo na yan kapatid mo at baka bugbugin ka nyan." seryosong saad ni Mommy sa kanya.

Walang nakakaalam sa school na ako ang pamangkin ng may-ari ng school, maliban sa mga kaibigan ko. I cannot just declare to them who am I. Like this scenario, "Hoy! Ikaw! Pamangkin ako ng may-ari nitong school." I am very afraid to the people around me. They could threaten my own safety precaution and my family.

At tulad ni Tita Winter noon, nagkukubli din ako sa isang disguise tulad ng black and ash-gray wavy medium bob wig, fake snub-nose prosthetic, round glass, brown contact-lense, fake tanned skin, at parang boyish na manang school uniform. And black rubbershoes insteads of black high heel shoes.

THE LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now