(15) ONE ON ONE

55 5 0
                                    

S a t u r d a y  m o r n i n g . . .
LUXURIOS' POV
Mansion: BASKETBALL COURT
"I'm tired, Arin. Let's take a break first." reklamo ni Raven.

"Okay. Basta gustuhin mong mapahirapan mamaya? Why not diba?" nakangising sambit ni Khezille habang hawak hawak ang isang arnis.

"Ha? Di joke lang haha hindi pa naman ako pagod hehehe." pambabawi niya at napatingin na nakangising si Auxtine, "Tara Auxtine!" dagdag niya.

Natawa naman ang ibang kasama namin sa kanya. Napailing lang si Khezille at napatingin sa relo niya.

"Let's take a short break," anunsyon niya.

"YES!" sigaw ni Raven habang patakbong pumunta sa table kung nasaan ang galloon ng tubig at lumaklak.

Napailing muli siya at napatingin sa akin.

"..except you, Luxurios." seryosong dagdag niya.

Napatigil naman ang lahat dahil sa sinabi niya.

"Why?" simpleng tugon ko.

May pinulot siyang bola at mabilis na ipinasa sa akin.

Phew, buti na lang attentive ako at nasalo ko agad ang bola.

"Magaling. You are so attentive and fast. Not bad." marahang niyang komento.

Walang gana akong napatingin sa kanya at nagkakaroon ng ideya sa kung anong gusto niya mangyari ngayon.

"Are you playing basketball?" malumanay niyang tanong sa akin.

"Yeah." tamad kong tugon sa kanya.

"Good. A basketball game for the two of us, one on one? What do you think about it?" nakangiting niyang tanong.

At ipinasa sa kanya ang bola na siyang nasalo niya na di nawala ang ngiti sa labi.

"Are you playing basketball? I bet, marunong ka." balik tanong ko sa kanya.

Ipinasa niya ulit ang bola sa akin at nagkibit balikat bilang tugon sa akin.

"Magaling maglaro ng basketball si Arin at mahirap siyang talunin." nakangiting komento ni Chloe habang nakatingin kay Khezille.

"At mabilis niyang matutunan ang galaw ng kalaban niya." dagdag ni kuya Blake.

"I will give you a deal for you to motivate to win from me." nakangising saad niya at dahan dahang lumalapit sa akin.

"What is it for me, Khezille?" simpleng tanong ko sa kanya.

"A big opportunity for you, Luxurios." aniya.

"Well, what is the deal then?" tanong ko ulit sa kanya.

"If I will win from you, you will gonna do everything that I wanted you to do," pinutol ko ang sinabi niya at ako ang nagpatuloy nito.

"If you lose from me, hmm, same deal with you. That is fair for the two of us, right?" nakangising saad ko.

Ngumiti lang siya, "Fair enough. At ang magiging daloy ng laro natin ay ang paunahang makasampung shoot lang ng bola. Deal?"

"Deal."

"Let's start then!" deklara niya.

Sa bilis ng pangyayari ay nagchicheer ang mga girlfriends niya sa kanya,

"GO KHEZILLE ARIN!/ GO GO GO BABES!/ GO GO GO FRIEND!"

...audience at tagakantyaw ang mga kaibigan ko sa akin sa tuwing makakascore siya,

"ANG WEAK MO, BRO!"

..tagasulat ng mga scorer si Kuya Blake,

"ARIN-9 LUXURIOS-8"

...nagsilbing referee si kuya Khent,

"Free throw for Luxurios."

At na shoot ang bola sa ring.

...at announcer si Kuya Eukezie.

"9 all! Last shoot for the two of you and the winner will be announce later."

Hindi lang siya marunong magdala ng laro kundi magaling siyang maglaro. She's really an extraordinary girl.

Habang nagdridribble siya ng bola sa harap ko ay nagsasalita siya.

"Kapag naishoot ko ito, you lose, kapag hindi, you have a chance to win."

"Hindi ako papatalo sa iyo." nakangising tugon ko.

Napansin na lang ng fake jump siya ng makatalon ako at mabilis na umalis sa aking harapan ngunit ang swerte ay nakiayon sa akin, hindi niya naishoot ang bola.

"Steal! The ball is mine." nakangising sambit ko.

Nagkibit balikat siya at hinayaan akong makaposisyon sa pagshoot sa ring ngunit sa kasamang palad  ng maihagis ko ang bola sa ere ay nagulat ako nang sumulpot siya sa harapan ko.

Kasabay ng pagkashoot ng bola sa ring ay ang nakabig ko ang balikat niya sa pagkakatumba ko kaya kasama siya sa sahig. Nasa ibabaw ko siya at mabilisang napadampi ang labi sa aking labi.

Napakalambot ng labi niya. Bakit parang ang init yata biglang ng mukha ko? Dahil ba sa nahalikan ko siya? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Naririnig na niya siguro? Bakit ang lakas ng epekto niya sa akin?

Mabilis siyang umalis sa aking ibabaw at napaupo sa sahig.

"S-sorry." nauutal kong sambit habang di makatingin ng diretso sa kanyang mata at napaupo din ako sa kanyang harapan.

Narinig ko ang pagtikhim niya upang maging klaro ang pagsalita niya. "Congrats."

At doon ko narealize na nanalo pala ako laban sa kanya.

Nagulat naman ako noong mapatingin ako sa maputi niyang mukha na namumula niyang mukha na nagiging maputla at kasabay nito ang pagkatumba niya sa akin.

"Hey! Wake up! Hey Khezille!" Wake up!" bulalas ko.

Nagtakbuhan silang lahat sa amin.

Sa bilis ng pangyayari ay nasa loob na kami ng mansion at chinecheck siya ng mga doctor niya habang nakahiga sa pahabang sofa.

Bumalik na din ang dating kulay ng mukha niya.

"Okay naman ang kapatid mo, Khent. Siguro'y napagod lamang siya kaya kailangan niyang magpahinga at normal ang lahat ng vitals niya. Mauna na ko at may aasikasuhin pa ko. Tawagan mo na lang ako kapag may problema sa kapatid mo." pagpapaalam ng doctor.

Napatango naman si kuya Khent.

Umalis na din ang doctor na hinatid nila Venice at Yuhan sa labas.

"Nay Mildred, pakipalitan na lang po ng damit si Khezille." ani Kuya Khent kay Nay Mildred.

"At Luxurios, pakibuhat na lang siya patungo sa kwarto niya. May aasikasuhin pa kasi kami nila Eukezie at Blake. Salamat." dagdag niya.

Tumango ako at binuhat ang natutulog na si Khezille.

Bakit parang ang gaan naman niya ata? Parang papel lang ang buhat ko.

Kasama kong nagtungo si Nay Mildred sa kwarto niya.

"Pakilapag na siya sa kama, hijo."

Napatango na lang ako at inilapag ang mahimbing na natutulog na si Khezille sa kanyang malambot na kama.

"Salamat hijo."

Tumango ako at nagpaalam na aalis na.

Nagtungo naman ako sa aking kwarto at mamahinga saglit bago nagdesisyong maligo.

Sa aking pagligo ay naroon pa din ang mga katangunan tungkol sa mga nangyari kanina na di ko alam kung saan ko kukuhanin ang mga kasagutan.

Ano ba 'tong nararamdaman ko kay Khezille? Bakit ako naguguluhan sa kanya ngayon? Paano? Saan? At kailan ko ito naramdaman?

TO BE CONTINUE . . .

THE LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now