(21) THE ARCHER

42 3 0
                                    

ARIN'S POV
Academia La Mhorfelle: CLASSROOM
E A R L Y  D I S M I S S A L . . .
"OH MY GOSH! ANG MHORFELLE GANG PAPALAPIT SA CLASSROOM NATIN! KYAAHHH!" sigaw ng isang kaklase ko na siyang malapit sa pintuan.

Nagkagulo naman silang lahat maliban sa amin nila Akhane, Chloe, Venice at Romme. Na kahit nagkakagulo na sila ay patuloy lang ako sa pagtatype sa aking ginagawang...

"Works of My Imagination".

Napatigil na lang ako nang maramdaman ko ang presensiya ni Luxurios sa aking harapan. Samantalang pinagkakaguluhan ang mga kaibigan niya ng mga kaklase ko.

"What are you guys doing here?" pagtatanong ni Akhane.

"Sinamahan lang namin si Luxurios." natatawang sigaw ni Raven.

Dahil sa sagot ni Raven ay napatingin ako sa taong nasa harapan ko.

"What are you doing here?" seryosong tanong ko kay Luxurios.

"I am here to asks you on a date with me." kaswal niyang sagot sa akin.

Halos mapataas naman ako ng kilay sa kanya at narinig ko naman ang samu't saring komento at bulungan ng mga kaklase ko.

"Why are you asking her on a date, Mr. Zachary?" seryosong tanong ni Romme sa kanya.

Napatingin naman si Luxurios sa taong nasa gilid ko ngayon.

"None of your business, Mr. Del Monte." seryosong sagot ni Luxurios.

Napalingon naman ako sa pagkakalabit ni Akhane sa akin.

"Friend baka naman mag away ang dalawang iyan dito kapag di ka pa nagsalita." bulong niya sa akin.

Ngumiti lang ako kay Akhane habang nakatingin sa dalawang lalaki.

"Why are you asking me on a date for all of a sudden?" kaswal kong tanong kay Luxurios at naibaling sa akin ang atensyon niya.

Napaatras naman ako sa aking upuan nang yumuko siya sa harapan ko patungo sa tenga ko at ibinulong ang isang natatanging rason. "Because I want to, Khezille. So, better say yes to me. It is part of my commands to you because you lose our game before." Saka siya bumalik sa pagkakatayo sa aking harapan.

Nakipagtitigan muna ako sa kanya at sumagot na diretsong nakatingin sa mga mata niya. "Okay."

Napatingin naman ako kay Romme na umalis biglang sa tabi ko at diretsong lumabas ng classroom. Natahimik naman ang lahat sa nangyari pero kinalaunan ay para silang nagdiwang sa isang magandang balita.

Ngumiti lang si Luxurios sa akin at ipinakita sa aking ang phone niya na parang sinasabi niyang tignan ko ang phone ko.

Luxurios:
Our date will be on Saturday.

Napalingon naman ulit ako sa kanya at tumango na lang.

K I N A G A B I H A N . . .
Mansion: KITCHEN
Nalaman din nila kuya Khent at kuya Kambal ang pagyaya sa akin ni Luxurios sa isang kaswal date sa Sabado. Natawa lang ako nang halos pagbantaan nila si Luxurios kung may mangyaring masama sa akin.

Naiwan kami ni Luxurios dito dahil kaming dalawa ang nakaassign na maghuhugas.

"Why did you do that? Asking me on a date in front of my classmates, Luxurios?" simpleng tanong ko habang nagbabanlaw ng mga pinggan.

Hindi siya sumagot sa akin at tahimik lang na nagsasabon ng pinggan sa gilid ko.

"I won't be surprise if Caroline slaps me hard tomorrow." natatawang dagdag ko.

Naramdaman ko naman ang paglingon niya sa akin at seryosong nakatingin.

"She cannot do that." depensa niya.

Nagkibit balikat na lang ako sa kanya.

"Tapos na ba kayo?" singit ni Kuya Khent na nakatayo at nakacrossed arm sa hamba ng pinto ng kusina.

"Not yet. Why?" tugon ko habang patuloy sa pagbabanlaw.

"Okay. Good night." aniya. Lumapit sa akin at humalik sa noo saka umalis ng kusina.

Saktong pagkatapos naming maghugas ng pinagkainan ay nagulat naman kaming dalawa ng marinig namin ang tahol ni Luxe mula sa labas.

Saktong nasa kusina ang bow at arrows ko kaya kinuha ko ito. Tumawag muna ako ng security at inalarma ang aming mga kasama pero sinabihan kong huwag isindi ang ilaw at baka maalarma din ang nakapasok. Sabay kaming lumabas ni Luxurios.

Nagtago kami sa likod ng mga halaman at mula roon ay naramdaman ko ang isang mahinang presensiya ng taong nakapasok.

"Huwag muna kayong lumapit sa kanya dahil papatamaan ko muna siya ng arrow at kayo nang bahala sa kanya." utos ko mula sa kabilang linya.

"Yes Miss. We will wait for your signal." tugon nila.

"Okay."

Inasinta ko ang target at saka pinakawalan ang arrow mula sa aking bow. Tumama naman ito sa kanya balikat at kasabay nito ang pagtumba niya sa lupa. At doon na lumapit ang mga security sa kanya.

"Good job, Lil'sis!" ani Kuya Khent, pumalakpak habang papalapit sa amin.

Napairap naman ako sa kanya.

"Pakidala siya sa headquarter at alamin niyo lahat ng pakay niya dito." seryosong utos ni Kuya Eukezie sa head ng security.

"Yes Sir. Mauna na po kami." paalam nila.

"Tumawag na lang kayo dito kung anong information ang nakuha niyo sa kanya." utos ni Kuya Blake.

"Mabuti pa siguro ay magsibalikan na kayo sa inyong mga kwarto at kami na ang bahala dito." seryosong sambit ni Kuya Khent sa amin.

Nanguna naman ako sa pagpasok kasabay ang aking mga alaga.

"Good night." paalam ko at umakyat na sa taas.

Z  z  Z  z  Z  z  Z  z  Z  z  Z z Z . . .

Nagising naman ako ng madaling araw ngunit hindi na ulit nakatulog kaya naman nagbihis ako ng damit at nagtungo sa Hologram Area habang dala dala ang aking bow at arrows.

Nagset ako ng isang hologram na parang nasa isang gubat at may mga mababangis na hayop na naroon.

Habang patuloy ako sa pagpapana ay naramdaman ko ang isang kilalang presensiya ng isa sa aking mga kasama at napatingin naman ako sa wallclock.

Hmm, halos dalawang oras na din pala akong nag eensayo dito at umaga na pala.

"Good morning." bati ni Benjamin habang hawak ang isang mug.

Tumango lang ako at naupo sa gilid.

"Ang aga mo naman yatang nagising ngayon?" tanong niya.

"Hmm." tugon ko habang umiinom ng tubig.

"Pasensya na kung bigla akong pumasok dito. Nagtataka lang kasi sa kung anong meron dito sa loob, iyon pala ih nag eensayo ka." marahang sambit niya.

Hindi ko muna siya pinansin at kaya naman nagpaalam siyang mauuna sa labas.

Malaking tanong pa din sa akin kung sinong nag utos sa taong pumasok dito kagabi. Binabagabag ako sa tuwing sumasagi sa iyon sa aking isipan at pakiramdam ko ay kilala ko na ito dahil sa markang nakita ko sa leeg ng taong pumasok. Ang marka ng itim na ahas at rosas sa penderasyon ni B.O.R.N.

TO BE CONTINUE . . .

THE LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now