(6) THE NEW RULES

88 9 0
                                    

AKHANE'S POV
"So, how about the rules, Miss Miña?" ani Primson.

"May parusa ba kapag di sumunod sa rules and regulation mo?" dagdag ni Auxtine.

"Bakit namin kailangan ng training?" singit ni Raven.

"GUYS! ISA ISA LANG, MAHINA ANG KALABAN! MAG ISA LANG NI ARIN OH?!" sigaw ko sa kanilang tatlo.

Mahinang tumikhim si Arin para makuha ang atensyon namin.

"Rule #1. Keep my identity as a secret of yours. Ayaw kong may makakaalam na iba patungkol sa kung sino ako sa mundong ginagalawan niyo ngayon. May tamang panahon para doon." panimula niya.

"Noted." ani Primson. At nagsitanguan naman ang iba.

"Rule #2. Do not talk about our training when you are outside of this house. Pwede niyo lang pag usapan ang training at connection ko sa inyo ngayon, dito lang sa loob ng mansion."

Tahimik lang silang nakatingin kay Arin.

"Rule #3. Private information about me and my family is not allowed to talk to others. Ayokong magkaroon issue patungkol sa akin at sa family ko. I want a peace."

Sumang ayon naman sila para doon.

"Rule #4. Give a privacy, be aware and keep in touch to each others."

"What do you mean by that?" ani Yuhan kay Arin.

"Ang ibig sabihin niya doon ay dapat may privacy pa din tayo sa isa't isa at kailangan alam natin ang limits natin. At syempre, inform na natin ang isa't isa kung may ayaw at gusto tayo." paliwanag ni Venice.

Napatango naman si Yuhan.

Nagkibit balikat si Arin at nagpatuloy sa pagsasaad ng mga rules. "And lastly, Rule #5. L O V E. Do not fall in love to someone because of their external beauty but to fall in love with someone for their inner beauty."

Medyo na confused naman kaming lahat sa last rules at walang nakapagtanong tungkol doon dahil nagdeclare na siya ng mag uumpisa na ang aming training.

After three hours ....
"Nakakapagod! Pahinga! Water break! Please~" reklamo ko.

"Pahinga muna tayo, babes. Ubos na energy ko hmm I mean, namin sa training." hingal na saad ni Chloe.

"Miss Manang, pahinga naman! Pagod na kami!" pagod na sambit ni Raven at Auxtine.

Napatigil naman siya at napatingin sa amin.

"Okay. Pahinga muna." saad niya at pumasok sa loob ng bahay.

"Phew! Akala ko di na tayo titigil sa training na 'to, huhu nabigla ata ang katawan ko." reklamo ko.

At lumapit kila Venice at Chloe na nakatanaw sa bahay kung saan pumasok si Arin.

"Wala ka bang napansing kakaiba kay Arin ngayon, Akhane?" pagtatanong ni Venice sa akin habang nakatanaw pa din sa bahay.

"Wala naman. Bakit??" takang tanong ko habang pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa bahay.

"Parang bad mood ata si babes ngayon." sabat ni Chloe.

"Paano namang maba bad mood yon? Wala naman akong maalalang naging problema o kinakainisan niya kanina." komento ko habang umiinom ng tubig.

"Mabuti pang hintayin na lang natin siyang mag open sa atin kung may problema o wala, kesa naman naghuhulaan tayo dito kung bakit siya bad mood ngayon." saad ni Venice sa amin.

Sabay sabay kaming napatingin naman doon sa mga boys, na nakasalampak sa sahig ng court na halatang pagod sa training.

Napansin ko namang nakatingin si Luxurios sa loob ng bahay habang umiinom ng bottled water.

THE LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now