(28) Q & A PORTION

43 5 0
                                    

ARIN'S POV
"CAPRICORN -The Passionate Lover. (December 22 to January 19) Love to bust. Nice. Sassy. Intelligent. Sexy. Grouchy at times and annoying to some. Lazy and love to take it easy, but when they find a job or something they like to do they put all their all into it. Proud, understanding and sweet. Irresistible. Loves being in long relationships. Great talker. Always gets what he or she want. Cool. Loves to win against other signs in sports, especially Gemini's. Likes to cook but would rather go out to eat at good restaurants. Extremely fun. Loves to joke. Smart."

Nasa living room kaming lahat at nasa tabing upuan ko lang si Luxurios na nakikipaglaro kay City at Luxe, habang nagtatype ako ng panibagong kabanata ng ginagawa kong kwento ko.

"Capricorn?" ani Auxtine mula sa likuran ko.

At sabay kami ni Luxurios napatingin kay Auxtine.

"Diba Capricorn ang zodiac sign mo, Arin?" tanong ni Akhane.

Tumango naman ako.

"Bakit kailan ba birthday mo?" kaswal na tanong ni Yuhan.

"January 16." sagot ni Chloe.

"Three weeks from now?" patanong na komento ni Raven.

Tumango naman sila para sa akin.

"Big celebration ba iyan?" ani Auxtine.

"Of course! Siya ang paborito ih!" masayang komento nila Akhane at Chloe.

"Ano na nga ulit ang buong name mo?" biglang tanong ni Primson.

"Khezille Arin Clifynstone Miña?" patanong kong sagot.

"Saan galing ang pangalan mo?" dagdag tanong niya.

"Combination name ng parents ko." simpleng sagot ko.

Nakikita ko sa mukha niya na naguguluhan siya.

"Nakuha ang Khezille sa Khendall at Arin sa Jun Arin, kaya naging Khezille Arin ang pangalan ko." simpleng paliwanag ko.

"Ahh? Ganun ba iyon?" patanong niyang tugon sa akin.

"Hay naku Primson! Ang slow mo talaga! Haha! Ang dali daling intindihin ang pangalan niya tapos kailangan pang ipaliwanag sa'yo." natatawang pang aasar ni Auxtine at Raven.

"Wala ba tayong training ngayon?" pagtatanong ni Benjamin.

"Wala. Dahil wala sila Kuya Khent at kuya Kambal. Saka umuulan sa labas." sagot ko habang napatingin sa labas ng bahay.

"Boring! Walang magawa!" Primson, Raven, Auxtine at Yuan.

"What if i hot seat natin sila Arin at Luxurios ngayon?" biglang suhestyon ni Primson.

Nagkibit balikat lang ako sa suhestyon niya pero sinamaan ng tingin naman ni Luxurios si Primson.

"Mukhang okay lang kay Arin babes pero ayaw ni Luxurios." komento ni Chloe.

Napalingon naman si Luxurios sa akin. "Okay lang sa'yong i hot seat nila tayo?" mahinang bulong niya sa akin.

Tumango ako.

"Haist! Fine" iritang tugon niya at napakamot sa kanyang ulo.

"First question?" nakangiting sambit ko sa kanila.

"First impression niyo sa isa't isa? At bakit?" panimula ni Auxtine.

Luxurios: Misteryosa. Mahirap siyang basahin lalo na sa mga sasabihin at galaw niya.

Me: Masungit? Kasi ayaw ko sa kanya noon.

"Like at dislikes sa isa't isa?" Raven

Luxurios: Like? Lahat. Dislikes? Wala.

THE LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now