LUXURIOS' POV
* ring-ring-ring *
"Hello? Khezille?" seryosong sagot ko sa tawag niya."Tulungan mo ko, Lux." hinang hinang sambit niya.
"Huh? Wait lang." Napalingon ako sa mga kasama ko at wala siya roon. Kaya naging seryoso akong nakatingin sa kanila.
"Nasaan si Khezille?"
"Restroom lang daw siya." Chloe
"Sh!t! Bakit hindi niyo sinamahan?!"
"Bakit?" Akhane
"Anong nangyari sa kanya?" Yuhan
"Sino iyang kausap mo sa phone?" Raven
"Si Khezille at humihingi ng tulong sa akin." seryosong sambit ko sa kanila.
"Bakit siya humihingi ng tulong ih nasa restroom lang naman siya?" Auxtine
Hindi na ako sumagot sa mga katanungan nila at ipinagpatuloy ang pakikipag usap kay Kheziell. Nilouderspeaker ko din para marinig nila.
"Nasaan ka? May nakikita ka ba dyan?"
"Nothing. May blindfold ang mga mata ko. Natatakot na ako. Tulungan niyo ako. Please."
Naging seryoso ang mga kasama ko habang nakikinig sa amin.
"Sa tingin mo ba, nasa loob ka pa ng Mhorfelle?"
"Maybe. Basta nararamdaman kong may mga alikabok na kwarto ito na parang may mga nakapatong-patong na karton sa likuran ko. Please Luxurios, tulungan mo ko. Alisin mo ako dito."
"Huwag mong ibaba at susubukan ka naming hanapin."
"Baka nasa stockroom siya." komento ni Benjamin.
"TARA! PUNTAHAN NA NATIN!"
ARIN'S POV
Sa kasamaang-palad ay nakatali ang mga kamay ko pero mabuti na lang ay laging nakasuot ang bluetooth earphone ko at nakaspeed-dial ang number ni Luxurios kaya natawagan ko siya agad. Narinig ako naman ang mga yabag na papalapit sa akin kung kaya't mabilis kong itinago sa aking likuran ang phone ko upang hindi makita ng kung sinong taong kasama ko dito."Gising na pala ang prinsesa ko!"
...SINO KA?!
"Kamusta ang tulog mo?"
...ANONG KAILANGAN MO SA AKIN?!
"Wala naman prinsesa ko."
...BAKIT MO AKO DINALA DITO?!
"Gusto ko lang namang makipaglaro sa mga kaibigan mo lalo na sa Mhorfelle Gang."
...ANO BA TALAGANG KAILANGAN MO SA AKIN?!
"Well, I know that you are important to them and that's why, I planned to caught you off guard and drag you here. Maybe, they notice it now that you're not with them and I felt like they soooo worried about you. And I felt satisfied with that."
...SINO KA BA?! BAKIT MO GINAGAWA SA AKIN 'TO?! ANO BANG KASALANAN KO SA'YO?! ANO?! SUMAGOT KA!
"AKO LANG NAMAN ANG TAONG LUBUSANG NASASAKTAN PARA SA PINSAN KO DAHIL SA KAGAGAWAN NI LUXURIOS AT MGA BARKADA NIYA! DAHIL ALAM KONG IKAW ANG KAHINAAN NILA! SALOT KA SA MHORFELLE! MANG-AAGAW KA! KUNG HINDI KA SANA NAPALAPIT SA KANILA AY HINDI MASASAKTAN ANG PINSAN KO AT KAMUNTIKAN NA SIYANG SUICIDE DAHIL SA PAGMAMAHAL NIYA KAY RAVEN!"
WHAT THE HELL! AKALA KO NAMAN KAY LUXURIOS! PHEW! NAKAHINGA AKO DOON! PERO... paano naman ako makakaalis sa pagkakatali sa kung ano mang kinalalagyan ko ngayon? Mukhang nasa stockroom lang ako ng Mhorfelle. Hayst! Sana dumating na sila bago pa niya magawa ang balak niya sa akin. Teka nga, kaya ko namang makaalis sa pagkakagapos. Bahala na nga! Gawin ko na lang habang nagdradrama itong dumukot sa akin.
...1 ...2 ...3 ...4 ...5 ...TADAH! at naalis ko ang pagkakabuhol ng tali sa kamay ko!
Dahan-dahan kong inilapag ang tali sa maruming sahig pati ang piring ko sa mata, pinulot at nilagay sa bulsa ang phone ko at saka nakita kong nakatalikod siya sa akin mula sa kinauupuan ko ngayon na patuloy na nagdradrama patungkol sa pinsan niya.
Hindi niya napansing nakatayo na ko sa kanyang likuran. Kinilabit ko siya sa balikat at halos napaatras siya ng makita niya ako.
"Paa..no ka nakaalis sa pagkakatali?" gulat niya tanong sa akin.
"Hmm, so, ikaw pala ang pinsan ni Celestine Hilario. Pero teka, nakikilala kita, ikaw si Valentino Hilario."
"Huh? Paano nalaman kung sino ako pati ang pinsan ko. Hindi ko naman nabanggit sa iyo kanina."
"Kahit na sinabihan mo akong pangit kanina, well, thank you so much! Kilala kita dahil may access ako sa mga taong nag-aaral dito. Kahit hindi mo pa banggitin ang pangalan niyo. At kung may galit ka kay Raven, huwag ako ang gamitin mo para makaganti sa kanya kasi hindi uubra iyan at baka makagawa ka pa ng bagay na ikapapahamak mo hmm mabuti pa siguro ay kausapin mo na lang siya kasi papunta na sila dito para sa iyo."
"Huh? Papunta na sila rito? Paanong-"
"KHEZILLE!" Luxurios
"ARIN!" Boys & Venice
"Friend!" Akhane
"Babes!" Chloe
Napaatras naman siya nang makita sila.
"TEKA! KILALA KITA! DIBA IKAW ANG PINSAN NI CELESTINE HILARIO?!" gulat na tanong ni Primson.
Nakatikom ang bibig niyang tumango kay Primson.
"RAVEN?!" galit na tawag nila Luxurios at Akhane sa kanya.
"Chill." Raven, at dahan-dahang lumapit kay Valentino.
"Okay ka lang ba?" tanong nila Venice at Benjamin sa akin.
"Okay lang ako. (Lumingon ako kay Raven) Mabuti pa siguro ay mag-usap kayong dalawa patungkol sa pinsan niya, in private. By the way, Raven and boys, you should say sorry to them. Bye! Kita na lang tayo sa tagpuan." malumanay kong sambit sa kanila habang naglalakad palabas doon at kasama ang mga kaibigan ko.
RAVEN'S POV
Matapos makaalis ng mga girls ay sabay-sabay kaming napalingon kay Valentino. Na akala mo naging bato sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa amin."Sorry Val." Primson, Auxtine, at Yuhan
"Pasensiya na sa nagawa ni Raven kay Celestine." Benjamin
Tahimik lang si Luxurios na nakamasid sa aming dalawa.
"Pasensiya sa pagdukot sa kaibigan niyo. Nagawa ko lang naman iyon para maipaghiganti si Celestine sa pananakit sa kanya ni Raven, (Lumingon siya sa akin) pero maling mali palang gumamit ako ng ibang tao. Pasensiya, lalo na sa iyo, Luxurios. Sorry sa pagdukot sa kanya." Valentino, at nakayuko sa harapan namin.
Tahimik lang ako dahil alam ko sa sarili ko ang malaking kasalanan ko kung bakit niya nagawang dukutin si Arin at alam kong magagalit sa akin si Luxurios dahil sa nangyari kay Arin.
"Bakit hindi na pumapasok si Celestine?" biglang tanong ni Primson.
"Kamusta naman siya?" Auxtine
"Anong nangyari sa kanya?" Yuhan
"Dinala siya sa Davao ng parents niya dahil sa halos magpakamatay siya at mabaliw sa sakit na idinulot mo, Raven. Naaawa ako sa kanya, hindi na siya iyong pinsan kong nakasama ko ng ilang taon at nabago siya dahil sa kagagawan mo. Gusto din kitang suntukin ngayon pero wala akong karapatan dahil hindi naman ako ang sinaktan mo kundi si Celestine." mahabang paliwanag niya sa amin.
Mukhang kailangan ko talagang humingi ng tawad sa kanya, kay Celestine. Hindi ko naman talaga sinasadyang saktan siya at nagawa ko lang iyon para makuha ang taong minahal ko ng lubusan ngunit hindi ko makuha kasi may mahal siyang iba at kaibigan lamang ang turing niya sa akin. Sa totoo lang ay alam ko ang pagkakamaling gamitin ko si Celestine dahil wala din pala akong napala sa kanya kasi bilang kaibigan niya ay sobrang natuwa lang siya para sa amin at lalo na sa akin. Kaya dahil doon ay nakipagbreak ako kay Celestine at pinaglaruan ko ang damdamin ng mga babaeng nakikilala ko.
"I'm sorry for what I've done to her, Val." malungkot kong paghingi ng tawag sa kanya.
TO BE CONTINUE . . .
YOU ARE READING
THE LOVE CONTRACT
FantasyT H E L O V E C O N T R A C T MHORFELLE GANG:The New Generation Marjee16 is signing in! Welcome aboard! S t a r t : 09.07.18 E n d : 06.19.19 New Generation. New Characters. New Journey. Same place but a different plot twisted and stories. What do...