(37) F L A S H B A C K

44 5 0
                                    

ARIN'S POV
Mansion: LIVING ROOM.
"Do you still remembered when Caroline kissed your King, Arin?" nakangising tanong ni Raven.

"Tssk." At napangiwi sa tugon ko sa kanya.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Luxurios sa kanya ko kaya napalingon ako sa kanyang nakangiting mukha.

"Maalala ko nga pala, Arin, Luxurios, saan kayo nagpunta noon kasi hindi na namin kayo nakita?" pagtatanong ni Venice habang nakaakbay si Benjamin sa kanya.

"Anong nangyari noon sa inyo at naging okay din kayo noong umuwi sa mansion?" singit ng nakangising si Chloe.

Napatingin naman ako kay Luxurios at napailing habang inaalala ang nangyari noon.

F l a s h b a c k . . .
Matapos kong magwalk out sa labas ng classroom nila Luxurios ay napadpad ako sa Music Room at alam ko ding nakasunod siya sa akin.

"Argggh! Bakit ba ang masyadong apektado?! Ano bang nangyayari sa iyo, Khezille Arin?! Nababaliw na yata ako (sob) ..ano bang ginawa mo sa akin? Bakit ako (sob) nakakaramdaman nito?! BAKIT?!" bulalas ko sa kawalan at alam kong narinig niya iyon.

"Khezille," at naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

Napasimangot lang ako sa kanya habang hawak ang baba ko.

Napatingin lang ako sa labi niya tapos bigla kong kinuha ang panyo ko sa skirt ko at marahas kong pinunasan ang labi niya. Matapos iyon ay sumilay ang ngiti sa labi niya, niyakap ako, napayakap lang din ako sa kanya at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

I pouted.

"I'm sorry for what she have done earlier." he said while hugging me so tight.

"Bakit ka nagsosorry? Hindi naman ikaw ang humalik sa kanya." depensa ko para sa kanya.

He shrugged. "Huwag kang magseselos doon, okay?"

Napatango lang ako ng hindi ko alam kung bakit.

"..kasi sa iyo sa lang ako at akin ka lang, Khezille."

F l a s h b a c k  e n d e d . . .

"Ano nga, Arin? Share mo naman." pangungulit ni Akhane at Primson.

Hindi ako sumagot sa kanila.

"Hey Lil'sis," pagtatawag-pansin ni Kuya Khent.

"Why?"

"Any update to Harvey Anderson and Mikael Wellborn?" seryosong tanong niya.

"Wala pa akong nakuhang evidence na magtuturo sa koneksyon nila o kung si Mikael Wellborn talaga ang nagbabanta sa akin."

Tumango naman siya sa akin.

"May nakuha kaming panibagong info na nagtuturo na may ugnayan si Veyra Wellborn kay Mikael at bakit naging obsessed siya sa'yo." ani Kuya Eukezie.

"Ano naman iyon, Kuya?" tugon ni Benjamin.

"Na bukod sa pamangkin siya nito ay nalaman namin na obsession ka din ng Tita niya at siya ang nagpakilala kay Mikael sa totoong ikaw at pagdidisguise mo sa school." sagot ni Kuya Blake.

Napatingin lang ako sa kanya.

"Iyong pagiging model sa Boutique at ibang clothing line kasama ang mga artista at co-model ay doon ka unang nakita ni Veyra Wellborn at humanga  siya sa kagandahan mo." dagdag ni Kuya Khent.

"Doon sila naobsessed sa iyo. Somehow, nakatanggap din kami ng masamang balita mula kay Daddy na may gustong kumidnap sa iyo at gagawin kang human tester sa isang chemical." ani kuya Eukezie.

"Ayaw magsink-in sa akin ang mga sinasabi niyo about sa kanila." komento nila Akhane at Chloe.

"Anong klaseng kemikal iyang tinutukoy mo?" pagtatanong ni Yuan.

"Pampaparalyzed ng body system. Kaso nalaman namin na lahat ng naunang human tester ay namatay dahil hindi nila kinaya ang high dozen ng kemikal." tugon ni kuya Blake.

"Pero bakit nila kikidnapin si Arin para sa kemikal na iyan?" tanong naman ni Benjamin.

"Tulad sa history ni Mommy, kinidnap din siya para naman sa isang machine na kumokontrol sa utak ng tao pero nabigo sila at ngayon si Khezille naman ang tinatarget ng taong nasa likod nito para sa isang chemical na pampaparalyzed ng body system, dahil ang Mafia Royalty lang, I mean, our family clan, ang may miyembro na may extraordinary things kaya sobra namin silang trinitreasure na parang diamond at gold." mahabang paliwanag ni Kuya Khent.

"May kakayahan kasi silang malampasan ang mga imposibleng bagay pero ang kapalit ay mahimbing na pagkakatulog na walang kasiguraduhan kung kailan sila magigising." dagdag ni Kuya Blake.

Napatingin lang silang lahat sa akin na puno ng pag-aalala sa narinig. Mahigpit namang hinawakan ni Luxurios ang kamay ko na kanina pang tahimik sa tabi ko at nararamdaman ko ang umuusbong na pag-aalala niya para sa akin.

"Mabuti pa siguro ay doblehin natin ang pag-iingat para hindi mangyari ang bagay na iyan." seryosong sambit ni Luxurios na siyang sinang-ayunan ng iba.

Napabuntong-hininga na lang ako at ngumiti sa kanila upang mabawasan ang pag-aalala nila para akin.

SOMEONE'S POV
"Young master,"

Napalingon lang ako sa aking butler at bumalik din sa pagbabasa ng news sa laptop.

"Anong balita sa kanya?"

"Okay lang naman siya, young master."

"Mabuti kung ganoon, basta ay lagi mo siyang babantayan at sabihan mo ako kung may masamang mangyayari dahil hindi mapapatawad ang sarili ko kung matuloy ang binabalak nila sa kanya."

"Masusunod, young master."

"Salamat at magmasid ka din sa paligid kung may umaaligid sa kanya na kahina-hinala ang kinikilos."

"Ano po palang gagawin ko sa pinsan mo? Kung siya ang magdala ng kapahamakan kay Miss."

"Gawin mo ang dapat mong gawin kahit pa pinsan ko siya."

"Young master," pagtatawag-pansin niya ulit sa akin.

Napalingon ulit ako sa kanya at nakikita ko ang may sasabihin siya na di niya maipahayag sa akin.

"Ano iyon?"

Napailing na lamang siya at napakamot ng batok.

"Wala po, young master. Aalis na po ako." paalam niya at tuluyang umalis.

"Weird." bulong ko sa aking sarili.

Naramdaman ko naman ang pagdating ng isang presensiya.

"What's up, brother? Anong pinag-usapan niyo ni manong?"

"None of your business, Mike. And what the hell are you doing here?"

"Chillax! (Hand-up) ..just checking you out."

Napataas naman ako ng kilay sa kanya at napangiwi sa mukhang niyang nakangisi.

"Hindi mo daw kasi sinasagot ang tawag ni Tita kaya pinapunta niya ako dito."

"Tssk. I am too preoccupied to answer her calls. I am busy person, that's why I needed to silent my phone and not to disturb my works."

"As you say so. By the way,"

Naramdaman ko naman ang paglilibot ng mga mata niya dito sa kwarto ko.

"Have you finally seen Miss K.A.C. Miña?"

I shrugged.

May nilapag siyang mga pictures nito sa aking lamesa. Mga iba't ibang stolen shots sa bawat sulok ng Academia La Mhorfelle, ang kasalukuyang pinapasukan kong paaralan.

Napataas lang ako ng kilay at hindi pinansin ang mga pictures na iyon.

"Gotta go now, bye brother~" paalam nito at tuluyang umalis ng aking kwarto.

Napailing na lang ako at isa-isang niligpit ang mga pictures na nakakalat sa lamesa ko.

TO BE CONTINUE . . .

THE LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now