BENJAMIN'S POV
Matapos pumayag ni Arin sa pagpunta namin sa Deluxe Studio ngayon ay nagsiakyatan na kami sa kanya kanya naming kwarto habang sila ay naiwan sa dining area para magligpit ng pinagkainan namin.Hindi ko alam kung bakit parang hindi nagalit sila sa amin at pumayag nang walang pilitang nangyari sa kanila. Pero nakakapagtaka ang mga kaibigan niya na parang nagpapahiwatig na may pupuntahan sila at bakit parang wala kaming alam doon? Ni hindi man lang nagkwento ang mga nakakatanda sa amin kanina. Hindi kaya alam nila at kami lang ang walang alam doon.
DELUXE STUDIO.
Nakatambay kami sa nakalaang kwarto para sa grupo namin habang hinihintay ang hudyat ng pag uumpisa ng gabi ito."Sino kaya iyong Dark Knight? Ni minsan hindi pa natin nakikilala iyon, diba?" sambit ni Auxtine.
"Ni hindi nga natin alam kung lalaki o posibleng babae ang Dark Knight na iyon." dagdag ni Raven.
"Sana makilala natin siya. Siguro malakas iyon." kongklusyon ni Primson.
"Paano mo naman nasisisgurong malakas iyon? Baka naman mahina kamo kaya hindi siya lumalabas sa lungga niya at gumawa lang siya ng isang lugar na parang playground natin." bored na singit ni Yuhan.
"We already meet Dark Knight." seryosong sambit ni Luxurios.
"Weh? Impossible naman ata iyon ih ni hindi pa nga natin nakakasalamuha sa battle field siya kaya paano natin siya nakilala?" tugon ni Primson.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila habang nakapikit ang mata ngunit hindi tulog.
"Dark Knight help us one time, when we are in trouble with the Maximus Gang." sagot niya.
"Paano mo nalaman na siya iyon?" pagtatanong ni Yuhan.
"I heard her before she hits the leader, she say that she's Dark Knight." simpleng sagot niya.
"Her? Babae siya?" tanong naman ni Raven.
"Uh-huh. Lagi din siyang nanunuod sa tuwing Bloody Night." sagot niya ulit.
"Pinag aaralan niya ang bawat kilos at galaw ng mga miyembro ng mga gang na kalahok sa imbitasyon niya." singit ko sa usapan nila.
"She's amazing! I wish that I could meet her again!" Primson exclaimed.
"ATTENTION TO ALL GANGS! THE BLOODY NIGHT WILL BE START! COME TO THE BATTLE FIELD! AND REMEMBER THE ONLY RULE, DO NOT KILL ANYBODY OUTSIDE OF THE BATTLE FIELD OR ELSE, YOU GONNA BE PUNISHED!"
BATTLE FIELD.
Nag umpisa na nga ang madugong gabi para sa aming lahat. Kadalasan sa bloody night ay hindi literal na kailangan pumatay para makasurvive sa loob. Kailangan lang mapagod hanggang tuluyang sumuko sila o kaya ako para masabing nanalo ka sa laban ninyo. Sa bawat miyembrong maalis sa battle field ay katumbas ng magiging ranggo ng iyong kinabibilangang grupo.Ngunit sa gabi ito, nararamdaman ko ang kakaibang mangyayari dahil sa isang presensiya pero hindi ko mawari kung ito ba'y bagay o tao na naririto sa battle field.
Nangunguna pa din ang ranggo ng aming grupo. Wala kaming natamo na kahit na anong sugat o hiwa sa katawan.
"Mukhang grupo lamang ng Mhorfelle Gang ang nangunguna sa ranggo at ang kanilang leader na si Death (Luxurios) naman pagdating sa indibiduwal na ranggo sa bawat miyembro." anunsyon nila.
"Nice! Good job bro!" saad ni Hazardous (Auxtine)
Tumango lamang siya na hindi nababago ang emosyon ng kanyang mukhang seryoso na parang galit sa mundo.
Isa pang rule ng imbitasyong ito ay hindi pwedeng gamitin sa battle field ang tunay na pangalan para sa proteksyon sa labas ng Deluxe Studio at kaya may kanya kanya kaming codename pagdating dito. At may kanya kanya din kaming porma na siyang iba sa katauhan namin sa labas, kumbaga ay costume kami base sa aming pagkakakilanlan.
Sa battle field ay ipinagbabawal ang paggamit ng kahit na anong armas o matutulis na bagay dahil awtomatikong diskuwalipikado ang kanilang grupong kinabibilangan.
LUXURIOS' POV
Hindi ko yata nararamdaman ang aking pagkapanalo at pagiging una sa ranggo dahil ang nararamdaman ko ay pagkatalo sa paparating na isang malakas na presensiya ng isang tao.Matapos ang huling pakikipaglaban namin ay nakita ko ang isang misteryosong babae na naglalakad mula sa gitna na mga natalong grupo. Kung siyang aking pagmamasdan ay parang siya ang presensiya na gagawad sa akin ng pagkatalo sa gabing ito.
Wala ni isang nakapagsalita mula sa mga madla maski kami. Tanging katahimikan lang aming naging tugon habang siya'y naglalakad papalapit sa amin sa battle field.
Base sa kanyang tindig at ayos ay nakikilala ko siya at ang tinaguriang "DARK KNIGHT" ng Deluxe Studio ngunit hindi siya ipinakilala ng announcer.
Seryoso lang siyang nakatingin sa amin. Halos mapaatras naman ako ng tumigil siya sa aking harapan at mas lalong naging tahimik ang kapaligiran.
"I want to play with you, can I?" malumanay niyang tanong sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ako napatango sa kanya nang hindi man lang nagdalawang isip.
"Great!" sambit niya at napatingin na muna sa ibang kasama namin. "Can you leave us alone here? I just wanted to play with him."
Tulad ko ay napatango na lang sila at walang imik na umalis sa battle field.
"Hmm? Can you see this black mask of mine?" nakangiting tanong niya.
"Yes." magalang kong tugon.
"Get my mask and you would know who am I." seryosong dagdag niya.
"What is it for me, Miss Dark Knight?" tanong ko.
"A reward? Haha. Let's start the game!" nakangiting sagot niya at sumenyas sa akin na lumapit dahil ako ang mauunang aatake sa kanya.
Tumango ako at sumugod sa kanya. Namangha ang lahat pati ako sa bilis ng kanyang paggalaw at pag iwas sa mga aking atake hanggang patuloy pa din ako sa pag atake sa kanya.
"You're good but that is not enough." malumanay niyang sambit habang umiiwas sa akin.
"Who are you?" I asked.
Pero nginitian niya lang ako.
Pagod na ko! Ang bilis niyang gumalaw at mahirap isipin ang susunod niyang galaw kaya mahirap siyang atakihin at makuha ang kanyang itim na maskara na bumabalot sa kanyang buong mukha.
"Are you tired, Death? We can stop this game if you want to." nakangiting tanong niya at nakatayo isang metro mula sa kinakatayuan ko.
"I am not yet tired." seryosong sagot ko.
"If I hits you once from here and you lose, game over. But if you get my mask from here and you win, I will give you a little present. Hmm, a token perhaps, as a sign that you defeats me." paliwanag niya.
Tumango ako at sumugod ngunit naunahan niya ako. Sa isang suntok niya sa sikmura ako ay natalo at namilipit ako sa sahig.
Sigawan at hiyawan na lang ang naririnig ko ngunit bago ako mawalan ng malay ay may lumapit sa akin ang isang kamukha ni Khezille at hinaplos ang aking mukha hanggang ako ay tuluyang pumikit.
Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Kamukha mo si Khezille, paanong nangyari iyon? Bakit?
TO BE CONTINUE . . .
YOU ARE READING
THE LOVE CONTRACT
FantasyT H E L O V E C O N T R A C T MHORFELLE GANG:The New Generation Marjee16 is signing in! Welcome aboard! S t a r t : 09.07.18 E n d : 06.19.19 New Generation. New Characters. New Journey. Same place but a different plot twisted and stories. What do...