THIRD PERSON'S POV
Nagdesisyong umalis sila Arin at ang mga kaibigan niya sa opisina ni Madame AC. Sinabi na lang nila kay Madame AC na bukas na lang sila ng hapon na magpapakilala sa grupo ni Luxurios at kung sino sa kanila ang babantayan nila sa loob at labas ng paaralan.Nang makaalis ang grupo nila ay siyang pagdating naman ng grupo nila Luxurios kasama ang sekretariya ni Madame AC. At nang maihatid ito ay kusa naman niyang iniwan sila sa loob kasama si Madame AC na nakaupo sa kanyang kabisera.
"Good morning po, Madame AC." magalang nila bati rito.
"Good morning. Have a seat." malumanay na tugon niya.
"Bakit mo po kami ipinatawag, madame?" lakas loob na tanong ni Benjamin.
Napatingin na muna siya kay Benjamin hanggang kay Luxurios.
"I want you all to be the guard of my niece, Miss K.A.C. Miña. She's in danger now. She's been threatened by someone with the initials of B.O.R.N. A week ago, her father recieved a message that threaten his daugther's safety and a black note earlier, and nobody knows who he/she is." mahabang panimula niya.
Inilapag ni Madame AC ang black note na natanggap ni Arin kanina sa center table na siyang kinuha naman ni Luxurios.
At inilapag niya ulit ito sa center table. Nagkatinginan silang anim sa isa't isa bago magtanong kay madame AC.
"So, what are we gonna do now, madame?" takang tanong ni Yuhan.
"So, we decided to have this plan, she wants you as her guard inside or out of the academy. But her personal bodyguards will guard her also. I want you all to lived with my niece, my nephew, my twins and her girlfriends at the mansion that I owned." dagdag tugon niya.
"Kailan naman po kami tutuloy doon?" tanong ni Raven.
"After your last class for tomorrow in the afternoon." sambit niya.
Natahimik naman silang lahat doon.
"So, you better packs your things tonight and transfer it to the mansion. I already informed your parents about the invitation from us. And by the way, she trusts you all, that is why she choose you to be her guards." seryosong sambit niya.
Nakatinginan sila ulit bago tumango kay Madame AC.
"She knew us?" curious na tanong ni Auxtine.
"Yes. She is the Supreme Student Government President. She knew everything from the simplest profile to the darkest things of all the students here." simpleng tugon niya.
"Bukod po sa position niya dito sa school, what is her real identity? Is she extraordinary? Or maybe, a princess?" sambit ni Primson.
"You will find it so soon." tugon niya.
Wala namang naging reaksyon si Luxurios kahit na madami siyang gustong itanong at malaman tungkol kay Miss K.A.C. Miña. Ngunit nanahimik lang siya roon.
Bago sila umalis sa opisina ni Madame AC ay ibinigay niya ang address ng mansion na siyang tutuluyan nila.
K I N A B U K A S A N . . .
ARIN'S POV
Hindi na ako pumasok ng afternoon classes ko dahil sa nauna na akong dumating sa mansion, kasama ko na din sila City at Luxe, pati na din ang ilan sa personal bodyguard ko na siyang nagbabantay sa akin ngayon.Chineck ko na din ang mga magiging kwarto nila. Maayos naman pati ang kanilang mga gamit. Inakyat ko na din ang magiging kwarto ko, maganda at maayos tulad ng nakikita ko noong bata pala ako.
Narito na din sila Nanay Mildred at Tatay Juan. Sila naman ang titira sa Secret House.
Hapon na at hinihintay ko na lang ang magiging kasama ko dito. Pero si Kuya Khent at sila Kuya Kambal ay sa susunod pang buwan na pupunta dito.
Nakatabi ko ngayon sa sofa sila City na nakahiga sa aking hita at Luxe naman na nasa paanan ko habang nagbabasa ako ng libro.
Narinig ko naman ang pagdating ng mga sasakyan nila na siyang papasok sa basketball court.
Pumunta naman sa balikat ko si City at si Luxe na nasa tabi ko. Kasama ko silang naglalakad patungo sa basketball court.
"Arin!" bungad ni Akhane ng makita niya ako.
Naroon din sila Luxurios na kasama ang kaibigan niya na medyo gulat nang makita nila akong lumabas.
"Babes!" bati din ni Chloe.
Tumango lang sa akin si Venice.
"Miss Nerdy Manang," nakangising sambit nila Raven at Auxtine.
"Miss Clifynstone," nakangiting bati ni Yuhan at Benjamin.
"Nasaan si Miss K.A.C. Miña? Bakit ikaw ang nandito? Kaibigan ka din ba niya? WAIT! Huwag mong sabihin na ikaw at siya ay iisa?" sunod sunod na tanong ni Primson sa akin na gulat na gulat sa sariling konklusyon kung sino at ano ba ako rito.
Habang seryoso at mapanuring tingin lang ang iginawad sa akin ni Luxurios na halos gustong makipaglabanan ng titigan sa akin.
"KYAAHHH! CITY! LUXE! OH MY G! YOU REALLY BROUGHT THEM HERE! KHEZILLE ARIN CLIFYNSTONE MIÑA! YOU'RE THE BEST!" tili ni Akhane at Chloe habang papalapit sa akin at sa mga kasama kong mga alaga.
Napailing na lang ako sa dalawa na ngayong hinihimas ang mga ulo nila City at Luxe.
"Mabuti pa siguro kung magsipasok na muna tayo sa loob." suhestyon ni Venice habang pabalik balik ang tingin sa amin.
Nagkibit balikat naman ako habang nanguna sa pagpasok sa loob at sumunod lang sila sa akin.
LIVING ROOM.
Tahimik lang silang nakamasid sa bawat isa at sinusuri din ang mga kagamitan ng bahay.Napatikhim ako para makuha ang atensyon nila, kaya naman sabay sabay silang napalingon sa akin.
"Welcome to the Great House of Miña. May designated na kayong mga kwarto dito at nakaayos na din ang mga gamit niyo sa magiging kwarto niyo. May mga pangalan ang bawat pinto na kwarto niyo kaya hindi kayo maliligaw pa-" naputol naman ang mga sinasabi ko nang magsalita si Luxurios.
"Who are you? What are you doing here?" at seryosong nakatingin sa akin.
Sabay namang napatikhim sila Akhane, Chloe, at Venice.
"I am Khezille Arin Clifynstone Miña. The daughter of Mr. Jun Arin and Mrs. Khendall Clifynstone-Miña. The niece of Principal Winter Aomi Coleen Miña-Velasquez. And the granddaughter of Madame Louisa and Master Daniel." simpleng sagot ko habang nakatitig ng diretso sa mata niya.
"Weh?? Paano naman mangyayari iyon ih sobrang ganda ni Miss K.A.C. Miña sa pictures na nakikita ko dati? Saka napakaimposibleng ikaw iyon?" singit ni Auxtine.
Seryosong nakatingin lang sa akin sila Luxurios at mga kaibigan niya. Samantalang, nakangiti lang sila Venice sa akin.
"Of course, you won't believe that this friend of mine is the same person as Miss K.A.C. Miña. Maybe, you will believe her if you guys see her with your bare eyes who really she is." nakangiting sambit ni Akhane.
"Then show us the real Miss K.A.C. Miña. Right here! Right now!" demand nila Auxtine at Raven.
Napakatikhim na lang ako sa tensyon nila tungkol sa akin at nakuha ko naman ulit ang atensyon nila.
"You may go to your respected room now. At sa susunod na lang ulit tayo mag uusap kung kailan kaya niyo ng pakisamahan ang ugali ng isa't isa, magpahinga muna kayo." maawtoridad kong utos sa kanila at tumayo na sa pagkakaupo.
TO BE CONTINUE . . .
YOU ARE READING
THE LOVE CONTRACT
FantasyT H E L O V E C O N T R A C T MHORFELLE GANG:The New Generation Marjee16 is signing in! Welcome aboard! S t a r t : 09.07.18 E n d : 06.19.19 New Generation. New Characters. New Journey. Same place but a different plot twisted and stories. What do...