(36) SHE'S PREGNANT

58 4 0
                                    

YUHAN'S POV
ACADEMIA LA MHORFELLE: GARDEN.
"PWEDE BA YUHAN?! AYOKO NA! SAWANG SAWA NA KO SA IYO! LAGING MO NA LANG AKONG SINASAKTAN! AYOKO NA SA RELASYON 'TO!? NAKAKASAWA NA?! (sob sob sob)  ...please, maghiwalay na tayo."

"Please babe, huwag naman ganito. Mahal na mahal kita. I'm sorry kung nasasaktan na lang kita lagi. I'm sorry, babe. Alam kong nasaktan kita pero please, huwag naman ganito. Pag-usapan naman natin 'to ng maayos. Please?" At hinawakan ko ang mga kamay niya habang siyang nakayuko't umiiyak sa aking harapan.

"Bigyan mo ako ng magandang rason para hindi na kita hihiwalayan."

"Mahal na mahal kita."

Umiling siya sa akin at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Hindi iyan ang gusto kong sagot-"

Pinutol ko ang komento niya.

"Alam kong hindi ako perpekto tulad ng iba dahil nagagawa kitang saktan nang hindi ko sinasadya pero gagawin ko ang lahat para hindi mo ako hihiwalayan. Kung kinakailangang ligawan ulit kita araw-araw hanggang maging okay ulit tayo. Please? May chance ba akong gawin iyon?" seryosong pakiusap ko sa kanya.

"Hmm? Pag-iisipan ko. Later na lang iyong sagot ko."

Napanguso naman ako sa naging tugon niya. "Olivia naman."

"Haha (tsup) Oo na po. Ikaw talaga masyadong mainipin hahaha bakit nga ba kita sinagot?"

Niyakap ko siya. "Salamat."

"Welcome? Hahaha huwag ka na ulit mangako hmm gusto ko gagawin mo talaga or else ih makikipaghiwalay talaga ako sa iyo sa ayaw o gusto mo. Maliwanag?"

"Opo babe. Tara sa cafeteria."

F a s t f o r w a r d . . .
"Mukhang bati na ulit ang lovers!" pambungad nila Raven at Auxtine.

"Oh? Akala ko ba makikipagbreak ka kay Yuhan, Chloe?" nangising tanong ni Primson.

"Oo nga Chloe, siguro may ipinainom ka kay Chloe kaya di ka niya brineak no? Hahaha." Isa pa 'tong si Akhane.

"Mga sira! Mag-oorder lang muna kami hmm teka, nasaan sila Venice at Benjamin, Arin at Luxurios?" sambit ni Olivia.

Nagkibit-balikat lang sila sa kanya.

"Okay. Order lang kami. Tara babe, nagugutom na din ang baby worm ko." anyaya niya sa akin.

BENJAMIN'S POV
Nakarating kami sa Leisure Room at napadpad sa isang kwarto doon.

"Hon," pang-aagaw pansin ko sa kanya.

Seryoso siyang nakatingin sa akin habang kagat-kagat ang ibabang labi niya.

"Ano bang pag-uusapan natin at nagpunta pa tayo dito? May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Benj, (sob)"

"Hey," at inalo ko siya dahil biglang pag iyak sa harapan ko.

"I need you. (sob)"

"Nandito lang ako para sa iyo, Venice."

"...tatlong buwang buntis na ako."

"A-Ano? B-buntis k-ka?" sunod-sunod at gulat kong tanong sa kanya.

"Ikaw ang ama at sigurado ako doon." mangiyak-ngiyak niyang tugon sa akin.

"Huh?" Totoo ba 'to o nanaginip lang ako? Buntis ang girlfriend ko at ako ang ama? Pero,

"Hindi mo ba natatandaan na may nangyari sa atin?"

"Kailan?" May nangyari sa amin?

"Noong nagbakasyon tayong lahat sa resthouse nila Luxurios sa Cebu, (sob)"

Seryoso akong napatingin sa kanyang mga matang lumuluha ngayon.

Teka?! Isip. Isip. Isip. Sh!t! Kung tama ang pagkakatanda ko ay nalasing ako noon at siya ang naghatid sa akin sa kwarto na pawang lasing din na tulad ko, at . . bigla ko siyang hinalikan tapos . . . Oh! Shit! Anong ginawa ko?! Bakit kami umabot sa ganon?! Lagot ako sa parents ko at  sa mga girlfriend niya lalo na kay Arin.

Napayakap na lang ako sa kanyang humahagulgol sa balikat ko.

"I'm sorry, hon." mahinang bulong ko.

Totoo ba 'to? Magiging tatay na talaga ako? Pero papaano ang pag-aaral namin? Anong gagawin ko? Bakit ngayon pa? Paano ko na lang babantayan si Arin? Hindi ko naman pwedeng iwan ang mag-ina ko, lalo na si Venice. Hayst! Basta! Pananagutan ko siya.

Tanging hikbi at lungkot lang ang nakuha kong tugon sa kanya.

"Pananagutan kita, Venice. I promise. Handa akong harapin ang consequences sa nangyari sa atin. Hindi kita iiwan sa ere, hon. Mahal na mahal kita pati ang magiging anak natin." Hinalikan ko siya sa noo at malumanay na ngumiti sa kanya.

"I love you too, Benj." Venice, at yumakap ulit sa akin.

Napatahimik lang kami pero bigla siyang nasuka at dumiretso kami sa restroom.

Hinagod ko lang ang likod niya habang nagsusuka sa bowl.

Halos maawa ako sa kanya dahil iyak siya ng iyak habang nagsusuka.

"Okay ka lang ba, hon?" pagtatanong ko sa kanya.

Tumango lang siya habang pinupunasan ang bibig niya. Iniabot ko naman sa kanya ang panyo ko at inalalayan siyang tumayo upang makaalis doon. Nagtungo kami sa recieving area pero halos napaatras kami sa presensiya at seryosong tingin nila Luxurios at Arin sa aming harapan.

"A-Arin," nanginginig na pagtawag ni Venice sa kaibigan.

Ngunit tinulungan lang siya nitong maupo sa couch na malapit sa kanila.

"She's worried about you, Venice. Kaya napasunod kami dito at narinig namin lahat-lahat." malumanay na sambit ni Luxurios habang nakatayo sa likod ni Arin.

"I-I'm s-sorry." mahinang saad ni Venice kay Arin.

Niyakap lang siya nito.

"Don't be sorry about it, Venice, I understand you because I am your friend. Atleast you did not keep it by yourself, I know, Benjamin (napatingin sa akin) is good man and he will take his responsibility to you. He will take care and loves you both." nakangiting tugon niya kay Venice.

"A-Arin, natatakot ako sa sasabihin ng parents ko sa akin at alam kong magiging disappointed sila sa akin." malungkot na sambit ni Venice sa kanya.

Nginitian lang siya ni Arin habang mahigpit na hinawakan ang magkabilang kamay niya.

"Magiging okay din ang lahat, Venice. Hindi ka nag-iisa sa problema iyan dahil sasamahan ka ni Benj. Cheer up!" nakangiting sambit ni Luxurios.

Naupo ako sa likod ni Venice, lumingon siya sa akin at binigyan ko lang siya ng isang ngiti na kakayanin namin lahat ng sasabihin ng both parents namin.

"Venice,"

Napalingon kami sa bagong pasok na mga kaibigan namin.

She gave them a weak smile and an open-arms.

"Ang bata ko pa para maging ninang, Ven." marahan na biro nila Chloe at Akhane habang nakayakap sa kanya.

"Naku! Wala pa akong sariling trabaho pero may inaanak na agad ako, hahaha." ani Primson at Yuhan.

Tinapik nila ako sa balikat at nginitian.

"Thanks man." sambit ko sa kanilang anim.

"Kaya pala ang sweet minsan doon sa mansion kapag hindi kami nakatingin sa inyo ih kayo na pala! Nice one bro! And congrats din!" masayang saad ni Raven at Auxtine.

Nagtawanan na lang kami at naging magaan ang pakiramdam namin ni Venice habang magkahawak-kamay.

TO BE CONTINUE . . .

THE LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now