(24) FIRST DATE V.2

43 4 0
                                    

LUXURIOS' POV
Naramdaman ko ang paghawak ni Khezille sa aking kaliwang braso at ang mga mapanghusgang tingin pati ang masasamang komento nila sa kanya ng mga nakakasalubong namin sa aming paglalakad.

"Huwag silang pakinggan kasi hindi sila ang pinuntahan natin dito dahil nandito tayo para mag enjoy at bumuo ng happy memories." mahinang bulong niya sa akin habang patuloy sa paglalakad.

Tumango ako bilang pagsang ayon sa kanya.

"Tara! Doon tayo unang sumakay!" masayang sambit niya habang itinuturo ang isang rides.

Horror Train at Horror House. Na halos walang thrill para sa kanya dahil halos sa kanya pa natatakot lahat ng mga staff na naroon.

Tsk! Akala ko naman matatakot ang isang 'to pero parang ako pa yata ang natatakot sa tuwing ginugulat niya ang mga staff doon na halos mapahawak sa dibdib.

Napadpad naman kami sa mga booths.

Darts. Na halos pumutok lahat ng balloons na tinatamaan niya.

Baril barilan. Na halos malaglag lahat ang mga lata doon sa tuwing bumabaril siya.

Bow and arrows. Na halos lumayo pa siya bago tumira sa gumagalaw na target at syempre ih natamaan niya.

Ring in Bottle. Na halos mashoot niya lahat ng rings sa mga boteng nakahilera doon.

Pero lahat ng mga prizes niya ay ipinamimigay niya sa mga bata na nanunuod sa paglalaro niya.

L U N C H T I M E . . .
Inabot kami ng tanghalian sa paglalaro namin sa mga booths kaya nagdesisyon kaming kumain sa isang convenient store na naririto sa loob ng amusement park.

Fruit chips, wheat biscuits at bottle water ang binili ko dahil alam kong hindi basta basta siyang napapakain ng mga pagkain dito sa labas.

"Thanks." masayang sambit niya at binuksan ang inabot kong bottle water sa kanya.

Ngayon ko lang yata siyang nakita na ganito kasaya at laging nakangiti na parang hindi ko normal na nakikita sa kanya. Mukhang naeenjoy nga niya ang pagpunta sa ganitong lugar. Haha! Para siyang bata na nakawala sa hawla na nagkukulong sa kanya sa mga lugar kung saan siya mag eenjoy at magkakaroon ng happy memories.

"May dumi ba ang mukha ko?" pagtatanong niya.

"Huh? Wala naman. Bakit?" gulat kong tugon sa kanya.

"Haha! Nakatitig ka kasi sa mukha ko kaya akala ko may dumi ako sa mukha." natatawang sambit niya habang kumakain ng wheat biscuit.

Napailing ako at lumapit sa kanya.

"Why?" takang tugon niya sa paglapit ko.

"May dumi ka sa gilid ng labi mo." sambit ko.

Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.

Yumuko ako sa harap niya at pinunasan ko ang gilid ng labi niya dahil may maliit na piraso ng biscuit doon.

"Salamat." nahihiyang sambit niya.

Naupo naman ako sa tabi niya at kumuha din ng makakain.

"Mabuti naman at mukhang nag eenjoy ka dito, Khezille." nakangiting saad ko habang nakatingin ako sa kanya.

"Salamat sa pagdala sa akin dito. Pero huwag mo naman akong madalas tignan at naiilang ako sa'yo." seryosong tugon niya.

Natawa naman ako sa kanya. "Oo na po, Khezille. Natutuwa lang akong pagmasdan ang mukha mong parang bata na tuwang tuwa sa mga ganitong lugar."

"Tsk." pairap niyang tugon sa akin at uminom ng tubig.

Matapos namin kumain ay nagyaya siya sa mga rides.

"Tara doon tayo!" natutuwang sambit niya habang hila hila ang braso ko.

Carousel. Merry-go-round. Roller Coaster. Boomerang. Space Shuttle. Vikings. Bump Car. Cable Car.Wall Climbing. Octopus. Superloops. Lantern Ferris Wheel.

"Namumutla ka yata, Luxurios." nakangising sambit niya habang nagpapahinga kami sa isang stone bench.

"Hindi ah." pagtatanggi ko.

Tinawanan niya lang ako habang umiiling na nakatingin sa akin.

"Luxurios, I need to take a pee." paalam niya at nakatayo sa aking harapan.

"Okay. Samahan na kita at mag CCR din ako." suhestyon ko.

Tumango na lang siya kaya sabay kaming nagtungo sa Restroom at doon na kami naghiwalay.

Matapos kong umihi at maghugas ng kamay ay lumabas na ko. Nakita ko lang siyang kausap ng dalawang bodyguard niya at mukhang may importante silang pinag uusapan. Dahan dahan akong lumapit sa kanila.

"Anong pinag uusapan niyo?" seryosong pagtatanong ko sa kanila.

"Wala naman. May pinapasabi lang sila Venice hahaha pasalubong daw nila para mamaya. Hmm, bilhan na lang natin sila ng pizza bago tayo umuwi ng bahay." sagot niya at napatingin sa dalawang bodyguards.

"Sige Ma'am Arin. Maiwan na muna po kami at baka nakakaabala na po kami sa date niyo ni Sir Luxurios." paalam noong isang bodyguard.

Natatawa na lang siyang tumango sa kanila bago sila tuluyang umalis at iwanan kami.

"Tara, kain tayo at nagugutom na naman ako dahil sa mga rides na sinakyan natin kanina." nakangiting anyaya niya at kumapit sa braso ko.

Nagpatianod na lang ako sa kanya at kung saan siya pupunta para kumain.

"Ferris wheel ang last ride natin bago tayo umuwi ng bahay." sambit ko at nakatingala sa matayog na Ferris Wheel.

Tumango siya at tumingala sa kalangitan. "Hmm, hindi ko namalayan ang oras dahil kasama kita ngayon hahaha pagabi na pala." natatawang komento niya.

Nakatingin lang ako sa nakangiting mukha niya ngayon.

"Hmm, bakit mo nga pala ako niyayang makipagdate sa'yo ngayong araw bukod sa deal natin?" simpleng tanong habang natanaw sa paligid.

Huminga na muna ako ng malalim bago sumagot sa kanyang katanungan.

"To know the other side of yours? Laging seryoso, tahimik at misteryosa lang ang Khezille nakilala ko at nakakasama araw araw. Hmm paraan na din siguro 'to para makilala kita." seryosong sagot ko sa kanya.

"Infairness, ilang beses na kitang tinanong tungkol sa tanong ko hahaha pero halos magkakaiba ang mga sagot mo. Hmm pero bakit gusto mo akong makilala?" sunod niyang katanungan.

" haha! Dahil hindi pa kita lubos na kakilala kaya gusto kong kilalanin ka."

Tumango tango naman siya na parang kuntento na siya sa nakuhang sagot sa akin.

"Can I asks you about something?" alinlangang tanong ko.

"Go on." kaswal niyang tugon sa akin.

"Have you ever enter into a relationship with a guy?" diretsahang tanong ko.

Narinig ko naman ang mahinang tawa niya bago tuluyang sumagot. "Nope. I am a manhater. I hate guys..."

"Edi ayaw mo sa akin?" kaswal kong pagtatanong.

"...before I met you." nakangiting pagpapatuloy niya.

Confused akong tumingin sa kanya.

Ano daw? Hindi ko maintindihan o di lang magsink in sa isip ko ang sinabi niya? Ano ba talaga, Luxurios? Narinig mo o nagbingi bingihan ka lang? Arrrggh! Nababaliw na yata ako?!

"Tara! Sa ferris wheel na tayo!" sambit niya at nanguna patungo sa huling ride.

Nang makasakay at makarating sa tuktok ay biglang nagliwanag ang kalangitan dahil sa fireworks display. Nakita ko naman ang pagkamangha at tuwa sa kanyang mukha.

Bago kami umuwi ay dumaan na muna kami sa isang Pizza House para bumili ng pasalubong sa mga kasama namin.

TO BE CONTINUE . . .

THE LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now