(48) BLANK INVITATION

44 4 0
                                    

BENJAMIN'S POV
HEADQUARTER.
Pumasok kami sa isang conference hall at naupo roon habang hinihintay ang mga "guest" ni Arin para dito sa "Blank Invitation" niya.

"Sino ba kasi iyong mga guest ni Arin?" rinig kong bulong ni Raven kay Yuhan.

"Mukhang kilala nga din nila Chloe." tugon ni Yuhan habang nakatingin sa kanyang girlfriend na may malawak na ngiti na katabi ng mga kaibigan niya.

"Halata namang kilala nila kasi halos kiligin nga si Akhane kanina." masungit na singit ni Primson doon sa dalawa.

"Selos ka lang kamo kaya nagsusungit ka na naman." natatawang sambit ni Auxtine.

Napailing naman ako sa kung saan patungo ang usapan nila.

Napadako naman ang tingin ko kay Luxurios na tahimik na nakamasid kay Arin habang masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya sa kung anong bagay na hindi kami nakakarelate.

*tok-tok-tok*
Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matipunong matandang lalaki na nakauniporme na pang-butler.

"Young Lady," pagtatawag nito na siyang mabilis na nilapitan ni Arin.

"Nandyan na po sila?" nakangiting tanong niya sa matanda.

"Opo. Pero sumaglit sila sa laboratory para matignan iyong antidote." magalang na sagot ng matanda sa kanya.

"Sige po. Kumatok na lang po kayo ulit kapag nandyan na sila para aware po kami sa pagdating nila dito." malumanay na bilin niya.

Tumango ang matanda sa kanya.

"Salamat po, Butler Gray." nakangiting sambit ni Arin.

Tumangong muli ang matanda at nagpaalam na lalabas.

Nanatiling malapit sa pintuan si Arin pati ang mga kaibigan niya at kaming magkakaibigan ay kanya-kanyang kalikot ng phone habang naghihintay.

AFTER FEW MINUTES . . .
*tok-tok-tok*
"Nandito na sila." masayang tugon ni Arin at lumapit sa pintuan.

Umayos naman kami sa pagkakaupo habang nakatingin sa kung sinong papasok mula sa pintuan.

"Azi!" masayang bati nila kay Arin at isa-isang bumeso sa kanya.

Teka! Kilala ko silang lahat! Sila ang dating Mhorfelle Gang!!

Halos napanganga sila Raven, Auxtine at Primson sa nakitang mga pumasok habang nananatiling nakatitig si Luxurios sa Daddy ni Arin.

"Good day po." at nagbow naman kami sa kanila bilang paggalang at pagbati sa kanilang pagdating.

Tumango naman sila at nagpunta sa harapan kasama si Arin.

"Ladies and gentlemen, I would like you to meet the former Mhorfelle Gang and Ladies from Mhorfelle Academy before." masayang bati ni Arin sa amin.

"Starting with Mr. Jun Arin Miña, Mrs. Winter Aomi Coleen Miña-Velasquez & Mr. Evan Velasquez,  Mrs. Graziella Cristo-Santos & Mr. Blue Santos, Mrs. Aubrey Kim-Park & Mr. Arin John Park, Mrs. Scarlett Velasquez-Ramirez & Mr. Xian Ramirez, Mrs. Violet De Vera-Manoban & Mr. Joe Manoban, Mrs. Skylie Louise Manoban-Santiago & Mr. Genesis Santiago, Mrs. Shymara Mariz Damaso-Suarez & Mr. Spark Uno Suarez, Mrs. Ruth Santiago-Delavin & Mr. Kendrick Delavin, Mrs. Momo Cruz-Quiniones & Mr. Ritchie Quiniones, Mrs. Zyra Trinidad-Quiniones & Mr. Rage Quiniones,
Mrs. Jade Smith-Mina & Mr. Matthew Mina, and Miss Heart Quiniones." aniya habang isa-isang niyang itinuturo ang mga taong nasa harapan namin.

"Wow! Namemorize niya lahat ng pangalan!" manghang sambit ni Primson habang nakahawak sa bibig niya.

"Petmalu! Lodi ko na talaga si Arin!" nakangiting komento ni Auxtine at Raven.

THE LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now