VENICE'S POV
Academia La Mhorfelle: GARDEN
V A C A N T . . .
Nakaupo lang kami sa isa sa mga stone table at apat na stone bench dito."Spaced out?" pagtatanong ko kay Arin na mukhang napakalalim ng iniisip ngayon.
Nakatingin lang siya sa akin at walang emosyon ang mga mata niya. Blangko.
"Babes, okay ka lang ba?" tanong naman ni Chloe.
Hindi siya sumagot at gaano pa din ang emosyon ng kanyang mga mata.
"Friend, magsalita ka naman at natatakot kami kapag sobrang tahimik mo at napakaseryoso. Ano bang bumabagabag sa'yo ngayon? You can share it to us if you want to." dagdag naman ni Akhane.
Napabuntong hininga naman siya at tipid na ngumiti sa amin.
"Don't worry, I am fine girlfriends. I am just thinking about my stories. Ang hirap kasing mag isip ng idadagdag doon sa binubuo ko ngayon, hahaha." natatawang sambit niya.
Pero biglang nagbago ang emosyon ng mukha niya ulit at nakatingin lang sa likuran ko. Napalingon naman ako sa taong nasa likuran ko. Halos mapataas ang kilay ko sa galit na galit na si Caroline at kasama ang kanyang mga alipores.
Halos mapatayo naman kaming tatlo maliban kay Arin.
"May masamang hangin yata ang nagtangay sa'yo dito, Caroline." nakangising sambit ni Chloe.
"Well, may isang malandi lang naman ang pumayag na makipagdate kay Luxurios kahapon at nakarating sa akin ang masamang balitang iyon." may diin niyang sambit at nakatingin ng masama kay Arin.
"Tsk." ani Arin habang nakikipaglaban sa pakikipagtitigan kay Caroline.
"Bakit hindi mo tanungin si Luxurios kung bakit niya niyaya si Arin?" mataray na tanong ko.
"I won't do that! Slut! Flirt! Bitch! Stealer!" akusa niya habang dinuduro si Arin.
"Pumayag lang naman siya kaya bakit ka bigla napasugod dito." dagdag ni Akhane.
Sinamaan lang niya kami ng tingin.
"Siguro kaya ka niya niyaya dahil gusto ka niyang pagtripan. Poor girl!" nakangising sambit niya.
"Bakit big deal sa iyo kung niyaya siyang makipagdate? Ih diba wala naman kayong relasyon ni Luxurios? So, bakit ka sumusugod dito?" mataray at nakangising tanong ni Chloe.
Mas lalo naman siyang nagalit kaya bigla nila kaming sinugod pero buti na lang ih biglang dumating ang Mhorfelle Gang at napigilan ang magaganap na catfight sa pagitan ng grupo namin nila Caroline.
Pero hindi namin napansin na binuhusan na pala ni Caroline si Arin ng hawak niyang tubig kanina.
Mabilis naman na lumapit si Luxurios kay Arin. At galit na tumingin kay Caroline na ngayon nag uumpisa ng umiyak sa aming harapan.
"Will you please stop acting like that, Caroline! You just making yourself a loser!" galit na sigaw ni Luxurios.
Nagulat naman kaming lahat dahil sa naging reaksyon ni Luxurios kay Caroline na ngayon ay umiiyak na sa harapan namin habang tinatahan ng mga alipores.
Buti na lang at kami kami lang ang mga taong narito.
"Are you alright?" Luxurios to Arin.
"I'm fine, Luxurios." tugon niya pero kay Caroline nakatingin.
"Ano bang meron kayo?! " inis na tanong ni Caroline habang umiiyak pa din.
"Is it none of your business, Caroline." seryosong sagot ni Luxurios.
"Is it my business, Luxurios. Why did you ask her on a date?!" tanong pa nito.
Seryoso siyang hinarap ni Luxurios at binigyan ng blangkong emosyon.
"You're not my girlfriend, Caroline. And don't expect me to explain my side to you." masungit niyang tugon dito.
Natahimik naman kaming lahat dahil sa kanyang sinabi. Gulat lang ang natatanging makikita sa mga mukha namin ngayon.
Wow! I did not expect him that he's kind of harsh and straight forward to girls like Caroline. Poor girl!
"Let's go." seryosong utos ni Luxurios sa amin.
Ipinasuot naman ni Luxurios ang suot nitong varsity jacket kay Arin dahil halos makita na ang suot niyang panloob. At inalalayan niya si Arin na makatayo.
Tahimik lang kaming kinuha ang mga gamit namin pero bago pa kami umalis ay biglang nagbanta si Caroline sa amin.
"Remember this day! You gonna regret all things that you've done to me! Because soon I will give you my sweetest revenge!" sumilay ulit ang malademonyong ngisi niya sa amin.
Mas nagulat naman kami sa sinabi ni Arin na nakangisi pa. "I cannot wait for that day, Caroline. Mali ka ng kinakalaban dahil baka magulat ka na lang isang araw, ikaw mismo ang magsisisi."
SOMEONE'S POV
"WHY DID YOU DO THAT TO HER?! YOU BITCH!" I exclaimed as she entered my office."What?" inosenteng tanong niya.
Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan ang kanyang leeg.
"I saw everything! So, don't acted like you are innocent kid!" galit kong sambit.
"I-I c-an't b-breath." utal utal niyang saad.
Pabagsak ko siyang binitawan sa sahig. Umuubo lang siya doon habang hawak ang leeg na halos namula.
"Gaano ba kaimportante ang babaeng iyon sa'yo?!" inis niyang tanong sa akin.
"Because I love her." simpleng sagot ko sa kanya.
"Paano naman ako? Akala ko ba ih ako ang mahal mo? Ha-ha! Impossible naman yatang mangyari iyon para sa akin. (ngumiti) Siya nga pala ang obsession mo at isa lang pala ako sa mga laruan mo." malumanay niyang saad.
Tumayo siya sa pagkakasalampak sa sahig at pinagpag ang suot niyang school uniform.
"Akyat na ko sa taas. Sorry sa ginawa ko sa kanya." paalam niya at dumiretso sa hagdanan.
"Tsk! Mabuti at alam mo kung saan ang lugar mo sa akin." walang gana kong bulong habang nakatingin sa hagdan.
THIRD PERSON'S POV
Sa kabilang dako, sa Mansion, patuloy ang pag eensayo nila maliban kila Arin at mga kuya niya dahil mayroon silang seryosong usapin na kailangan pagdikusyunan at mga panibagong impormasyon na kailangang talakayin na maaring maging daan at solusyon sa mga bagay na may kinalaman sa nagaganap sa kanila ngayon."May nalaman kami tungkol sa pagkatao ni Mikael Wellborn at sa ugnayan nila ni blah blah blah." at patuloy na paliwanag ni Eukezie sa kanila.
"Anong masasabi mo roon, Khezille?" pagtatanong naman ni Khent sa kanya.
"Kailangan na muna natin silang obserbahan sa mga kilos nila bago tayo bumuo ng magiging aksyon natin ngunit kailangan pa din nating maging handa." tugon naman niya at seryosong pinag aaralan ang mga impormasyong nakalatag sa mesa.
Sumang ayon naman sila dito.
"Mabuti pa ay bumalik na tayo sa training ground. Kapag sapat na ang impormasyon natin ay kinakailangan din malaman ito ng mga kasama natin para mapaghandaan nila ang mga taong nakapalibot sa kanila." seryosong sambit ni Blake.
At bumalik na nga sila doon.TO BE CONTINUE . . .
YOU ARE READING
THE LOVE CONTRACT
FantasyT H E L O V E C O N T R A C T MHORFELLE GANG:The New Generation Marjee16 is signing in! Welcome aboard! S t a r t : 09.07.18 E n d : 06.19.19 New Generation. New Characters. New Journey. Same place but a different plot twisted and stories. What do...