Attention...
"Jade bakit mo ba ako iniiwasan?"
Tanong ni Althea sa akin habang papasok na kami sa aming secret place. Kanina kasi habang ginaganap namin ang presscon tungkol sa movie na ginagawa namin ay bigla nalang akong nakaramdam nang inggit doon sa dalawang lesbian couple na open ang relationship nila sa public.
"Jade!" Tawag ni Althea pero patuloy pa din ako sa paglalakad. Hanggang sa maabutan niya ako. Hinarangan niya ang daan para mapilitan akong huminto. "Kausapin mo naman ako please?" Pagmamakaawa niya sa akin.
"Althea hanggang kailan tayo ganito? Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko sa kanya.
"Jade naman eh, ayan ka nanaman. Alam kong napapagod ka na sa sitwasyon natin ako din naman Jade eh. Pero kailangan muna nating magsakripisyo. Alam kong alam mo yan."
Sagot niya sa akin. Niyakap niya ako at iwan ko ba kapag ginagawa ito ni Althea sa akin agad nalang nawawala ang inis ko sa kanya.
"Konting tiis nalang Jade, konting tiis nalang."
Sabi niya habang hinahalikan ako sa ulo.
"Mahal na mahal kita Jade." Dagdag niya.
"Mahal na mahal din kita Althea." Sagot ko sa kanya. Pumasok kami sa loob ng condo. May ilang oras lang kami para makasama ang isa't isa. At sinusulit namin yon.
Pero this time yung utak ko hindi makafocus sa kanya, gusto ko nang maging malaya kaming dalawa. Yong tipong malaya naming ipadama ang pagmamahal namin sa isa't isa, yung hindi kami natatakot sa sasabihin nang ibang tao. Yung kagaya nang kalayaan nila Rhian at Glaiza. Mabuti pa sila masayang masaya na.
Samantalang kami. Patago kaming nagkikita dahil sa takot na maranasan din namin ang narasanan nila Rhian at Glaiza dati. Takot si Althea kasi hindi pa siya handa at higit sa lahat hindi pa alam nang pamilya niya na lesbian siya.
Hanggang kailan kaya kami ganito? Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga.
"May problema ba tayo Jade?" Tanong niya sa akin.
"Alam mo naman ang problema natin Althea eh." Sagot ko sa kanya.
Tinititigan niya lang ako. "Nagsasawa ka na ba sa ganitong klaseng relasyon?" Tanong niya sa akin.
"Kahit naman sagutin ko yang tanong mo Althea wala din namang mangyayari eh." Sagot ko sa kanya.
"Jade, akala ko ba naiintindihan mo ang kalagayan ko?" Dagdag niya.
"Bakit Althea ano pala tong ginagawa ko? Sa tingin mo ba hindi ko pa naiintindihan ang sitwasyon mo?" Sagot ko.
"Ilang taon na ba tong tagong relasyon natin? 3 years Althea, tatlong taon kong tiniis ang pagtatago natin. Tapos yan yung sasabihin mo sa akin?" Masama ang loob kong sabi sa kanya.
"Jade, I'm so sorry okay? Alam kong pagod kana pero konting panahon nalang ang hinihingi ko sayo." Sabi niya na medyo tumaas ang boses.
"Noon mo pa sinasabi yan Althea. Mag one year palang tayo linya mo na yan. Hanggang ngayon yan pa rin?" Sagot ko sa kanya. "Ang hirap kasi sayo Althea gusto mo ikaw lang ang iniintindi eh. Paano naman ako? Paano naman ang damdamin ko? Hanggang kailan kita intindihin?" Dagdag ko.
"Jade, kung pagod kana sa pag intindi sa akin sabihin mo lang. Huwag mo namang ipamukha sa akin na para bang sobrang sama ko naman sa'yo ah." Sagot niya.
Wala nang patutunguhan ang usapan naming ito pareho na kaming galit sa isa't isa kaya naman hindi na ako nagsalita. Pagod na rin kasi akong makipagtalo sa kanya. Kasi sa bandang huli ako pa din ang talo at siya pa din ang mananalo kaya mas mabuti pang itikom ko nalang ang bibig ko. Hanggang sa hindi ko akalain ang sasabihin niya sa akin.
"Alam mo Jade, kung nahihirapan kana sa sitwasyon natin, pwedi mo naman akong bitiwan eh. Malaya mo akong bitiwan, hindi kita pipilitin sa relasyong ito kung nasasaktan kana, hindi ko ipipilit sa'yo ang sarili ko kung hindi kana masaya." Sabi niya.
Tiningnan ko siya. "Are you breaking up with me?" Tanong ko.
Tumingin siya sa mga mata ko. "Siguro kailangan muna nating magkanya kanya, para naman magmatured tayo. Pagod na kasi ako Jade, pagod na ako na ako nalang lage ang dahilan kung bakit hindi ka masaya. Pagod na ako na ako nalang lagi ang dahilan kung bakit laging mainit ang ulo mo. Bigyan muna natin nang kalayaan ang mga sarili natin." Sabi niya.
Para akong sinampal sa mga naririnig ko. Si Althea ang nakikipag-hiwalay sa akin? Siya pa mismo ang malakas ang loob na hiwalayan ako. "Ang galing mo din ano? Ikaw pa mismo ang naglakas loob na sabihin sa akin yan? Samantalang ilang taon akong nagtiis at nagpakahirap para sayo?"
Hindi ko na napigilang umiyak. "Akala mo ba ikaw lang ang napapagod Althea? Akala mo ba hindi ko nararamdaman ang pagod? Pero sa kabila nang lahat hindi ko naisip na hiwalay ang solusyon sa problema natin. Tapos ikaw? Ang dali dali mo lang sabihin sa akin na kailangan muna nating magkanya kanya?" Ang selfish mo Althea."
Isang malakas na sampal ang natamo niya mula sa akin. Nakayuko lang siya.
"Masakit itong ginagawa ko Jade, akala mo ba hindi ako nasasaktan nang bigkasin ko ang mga katagang yon. Masakit para sa akin pero kailangan natin yon kasi hindi naman pweding ipagpatuloy natin ang relasyong ito kung pareho tayong nasasaktan." Sabi niya.
"Mahal kita Jade, alam mo yan pero hindi ko kayang makita kang nagtitiis dahil lang sa akin. Deserve mong maging masaya kaya pinapalaya na kita."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya sa condo namin. Ni hindi niya ako nagawang lingunin. Naiwan akong wasak at umiiyak.
"Althea!" Tawag ko sa kanya. Hinabol ko siya.
"Althea please huwag mong gawin sa akin to. Mahal na mahal kita Althea." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Pero hindi niya ako tiningnan sa mga mata ko. Sa halip ay kinuha niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya.
"Tama na Jade. Huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Tanggapin mo nalang na hanggang dito nalang tayo." Sabi niya at patuloy siya sa paglalakad.
"Althea!" Sigaw ko sa kanya. Humagulhol ako nang iyak. Sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Wala na si Althea, tuluyan na niya akong iniwan. Tuluyan na siyang nawala sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.