B2

1.7K 67 6
                                    


"Jade gising." Mahinang sabi sa akin ni Althea.

"Althea?" Anong oras na ba? Tanong ko sa kanya.

"3 am pa. Halika ka may pupuntahan tayo." Sabi niya.

"3am? Ang aga aga pa." Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Basta malalaman mo din." Sagot niya.

Tinulungan niya akong magbihis tapos pinasuot niya sa akin ang hoodie jacket ko.

Naglakad kami palabas ng pintuan tapos pumunta kami sa parking lot.

"Althea, saan mo ba ako dadalhin? Tanong ko.

"Basta Jade, sige idlip ka muna diyan gigisingin kita mamaya pag dumating na tayo." Sabi niya.

"Okay, drive safely ha?" Sabi ko sa kanya. At ipinikit ko ang aking mga mata.

Ilang minuto pa ay naramdaman kong hindi na pala ako naka upo sa sasakyan at wala na kami sa daan. Dinilat ko ang aking mga mata pero wala akong nakikita.

"Althea? Tanong ko sa kanya.

Pero hindi siya sumagot. Bigla akong nagpanic. Kinapa ko ang bawat gilid pero walang nakuopo doon.

Ang lakas ng kaba sa dibdib ko ngayon. Pero pinipilit ko lang kumalma.

"Althea," tawag ko ulit sa kanya pero wala pa ding sumagot.

"Althea, hindi na magandang biro to." Sabi ko sa kanya.

Ilang minuto pa ay may narinig akong parang nagsisindi ng posporo.

"Althea ikaw ba yan?" Tanong ko.

Pero wala pa ding sumasagot. Hanggang sa may apoy ng nabubuo di kalayuan sa kinaroroonan ko. At may narinig akong umaawit.

Happy Birthday to you..
Happy Birthday to you..
Happy Birthday,,..happy birthday...
Happy Birthday to you...

Natapos ang kanta at lumapit si Althea sa akin na may dalang cake.

"Happy Birthday Jade." Nakangiti niyang sabi.

"What a surpise. Salamat Althea hindi ko ine-expect to." Sabi ko.

"Masaya ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Sobrang saya ko Althea." Sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman, gusto ko kasing tuparin ang isa sa mga wish mo eh." Sabi niya.

"Alin sa mga wish ko ang gusto mong tuparin ngayon?" Tanong ko.

"Maya na, blow the candle first and make another wish again." Sabi niya.

Inihipan ko ang kandila pagkatapos kong humiling.

"Salamat Althea." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Happy birthday again Jade." Sabi niya at niyakap niya ako.

"Hmmm, gusto ko dito muna tayo Jade." Dagdag niya.

"Sige Althea, mas gusto ko rin muna dito kasi sariwa ang hangin." Sagot ko sa kanya.

Nakasandal ako sa balikat niya hindi ko akalaing nakaidlip pala ako. Ilang sandali pa ay tinapik ako ni Althea.

"Jade gising, diba gusto mo itong makita?" Sabi niya.

Pagdilat ko ay nasaksihan ko kung paano nagpakita si haring araw. Natandaan ko na, sabi ko sa kanya dati gusto kong masilayan ang pagsikat ng araw, hindi ko akalaing tutuparin yun ni Althea.

"Althea, sobrang ganda." Sabi ko.

"Yes Jade kasing ganda ng katabi ko ngayon." Sagot niya.

Kinikilig ako sa sinasabi niya. Kaya naman niyakap ko siya.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon