Quiters don't win...
Ilang buwan na ang nakalipas mula nang matapos ang proyekto namin ni Jade. Hinihiling ko sa mga panahong iyon na sana mabagal ang pagtakbo nang oras para mas makasama ko pa siya nang matagal. Hanggang sa dumating na ang araw na ayaw kong mangayari ang pagtatapos nang aming trabaho. Matagal din akong nakarecover sa separation anxiety ko. Pero gaya nga nang sabi ni Jade ay dapat magpakatatag daw ako.
Sinubukan ko ding kausapin si DR tungkol sa amin pero hindi siya pumayag at wala na akong magagawa. Ngayon ang itinakdang kasal namin ni David. Oo alam ko iisipin niyo na duwag ako pero madami na kasi ang nangyayari at madami na ang nadadamay kung ipipilit namin ni Jade ang pagmamahalan namin. Muntik nang mawala si Nanay sa amin nang sinubukan kong suwayin siya ulit at ganun din ang nangyari sa Mommy ni David which is hindi pa nakarecover ngayon. Inatake ito sa puso at nastroke ito. Kaya dala na rin ng guilt ko ay pumayag na akong magpakasal kay David pero hindi sa Pilipinas gaganapin ang kasal namin.
"Amigah, ikaw lang ang nakikita kong ikakasal na parang namatayan." Sabi ni Angge sa akin.
"Dapat ba akong matuwa amigah dahil ikakasal ako?" Sagot ko sa kanya.
Malungkot ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Amigah, alam kong mahirap to para sa'yo pero wala na tayong magagawa pa kundi tanggapin nalang natin ito." Sabi niya.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Niyakap ako ni Angge at pinahiran niya ang mga luhang pilit kumawala sa mga mata ko.
"Tahan na amigah, dapat hindi mo ipakita sa kanila na hindi bukal sa kalooban mo ang kasalang ito." Sabi niya.
Humugot ako nang isang malakas na buntong hininga. Bago kami lumabas ni Angge para simulan na ang seremonya.
Pribado ang kasal namin ni DR tanging malalapit lang na mga kaibigan nila at nang pamilya namin ang nandito.
Nakikita ko ang masayang mukha nila Nanay habang pinagmasdan nila akong naglalakad papunta sa altar kung saan nakita ko si DR na nakangiti habang hinihintay ako.
Lahat sila masaya at kitang kita ko sa mga mukha nila ang tagumpay sa kanilang mga ngiti. Habang natutuwa sila ay lalo naman akong nalulugmok. Ang gawin ang bagay na hindi ko gusto ay isang torture sa pagkatao ko. Para akong unti unting pinapatay pero wala na akong kawala dahil bihag na nila ako.
"Althea, I promise you my unconditional love, tenderness, and undying devotion, to not ask you to be more than you are, and to love you for being you." Hindi ko halos maintindihan ang mga binibigkas ni David dahil hindi siya ang nakikita ko na kaharap ko ngayon kundi si Jade.
"David, I take you as my husband and promise to be true to you." Yan lang ang tanging sagot ko sa wedding vow na binibigkas niya kanina.
"I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride." Sabi nang pastor na nagkasal sa amin.
Hinalikan ako ni David sa labi pero hindi ako tumugon. Alam kong napansin niya iyon kaya naman tinignan niya ako sa mga mata na parang humihingi siya nang sorry.
Tuloy tuloy ang celebration ng kasal namin hanggang sa venue nito. Lahat sila masaya, nagtatawanan at binabati kami as husband and wife. Pero tanging si David lang ang laging sumasagot sa kanila. Hanggang sa sinabi ko kay David na papasok na muna ako sa kuwartong inilaan para sa amin.
Pagpasok ko sa loob ay bumuhos lahat nang luha ko. Paano nila nakukuhang maging masaya knowing na ako ang nagdurusa. Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at nakita ko si David na pumasok.
"Althea, I'm really really sorry." Sabi niya.
"Happy now David?" Sagot ko sa kanya.
Hindi siya makatingin sa akin ng deretso.
"I know you didn't love me Althea I'm not a fool." Sabi niya.
"Yes! I won't deny that. But because of your selfishness you still pursue this marriage thing David." Sabi ko sa kanya.
"Now tell me, what happen to us now? We pretend that we love each other infront of then?" Dagdag ko.
"Althea, you don't understand why I did all of these." Sabi niya.
"Really? So you want me to understand it? Damn you David!" Tumaas na ang boses ko.
"Althea lower your voice please. For now lets make this marriage work." Sabi niya.
"Let this marriage work?" Naririnig mo ba sarili mo David? Alam nating pareho na walang patutunguhan ang kasalang ito. Mas lalo lang natin pinapalaki ang mga problema natin eh." Sagot ko sa kanya.
"Now please leave me alone." Dagdag ko.
Hindi na siya sumagot pa at tuluyan na siyang lumabas sa kuwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong kontakin si Jade pero hindi ko pa din siya makontak. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako nang mapansin kong may tumawag sa pangalan ko.
"Althea wake up." Sabi niya.
At pagdilat nang aking mga mata ay nakita ko si David na nakatayo sa harapan ko.
"What time is it?" Tanong ko sa kanya.
"It's almost 12 midnight." Tipid niyang sagot.
"You can use the bed." Sabi niya.
"How about you?" Tanong ko sa kanya.
"I'll go home alone, I'll just come back here tomorrow morning before they all awake." Sagot niya.
Tumango lang ako. Hinalikan niya ako sa noo bago siya tuluyang umalis. May kabaitan naman palang taglay ang lalaking ito sabi ko sa sarili ko. Kung sana lalaki lang ang hinahanap ko ay aaminin kong maswerte ako kay DR kasi bukod sa may mukha na,, nasa kanya na ang taglay nang mga lalaki na hinahanap ng mga kababaihan. Nagkataon lang talaga na hindi lalaki ang hilig ko kaya hindi ko maappreciate lahat nang ginagawa niya para sa akin.
Biglang tumunog ang cellphone ko. At pagtingin ko ay nakita kong numero ni Jade ang tumatawag. Sinagot ko ito agad.
"Hello Jade?" Sabi ko.
"Congrats Althea or let me say Mrs Althea Guevarra Rainey bagay na bagay." Sabi niya sa kabilang linya.
"Jade, nakainum kaba?" Pag alala kong tanong.
"Bakit Althea? Nag aalala ka pa ba sa akin?" Tanong niya.
"Jade syempre naman nag aalala ako sa'yo alam mo naman kung bakit diba?" Sagot ko sa kanya.
"Althea, mahal na mahal kita. Akala ko ba babalikan mo pa ako? Pero bakit nabalitaan ko nalang na ikinasal kana pala." Sumbat niya sa kabilang linya.
Umiyak ako dahil ramdam ko ang kabiguan ni Jade ngayon. Dahil kagaya niya ay nabigo din ako. At mas lalo akong nasasaktan dahil wala ako ngayon para damayan si Jade.
"Althea, napaka unfair mo talaga. Pinaniwala mo ako na babalik ka, at ako naman si tanga umaasa na magbabalik ka. Pero wala na palang babalik sa akin." Sumbat niya ulit habang umiiyak siya.
"Jade, Jade...please makinig ka sa akin." Paki usap ko sa kanya.
"Makinig ako sa'yo? Para ano pa Althea, pinatunayan mo na ngayon na hindi na kita dapat pakinggan pa." Sagot niya.
"Para akong tanga kada araw umaasa ako na babalik kana, na sana tapos na ang mga araw nang paghihirap natin. Hindi ako nawalan ng pag asa Althea hanggang sa nabalitaan ko nalang na ikinasal ka na." Sabi niya.
Umiiyak lang ako sa kabilang linya.
"Alam mo ba yung feeling na parang dinaganan ka ng buong mundo? Yan ang nararamdaman ko ngayon Althea. Ang sakit sakit ng dibdib ko, knowing na nagpapatali kana kay DR. Wala nang mas sasakit pa sa ginawa mong ito sa akin." Sabi niya.
"Jade I'm sorry." Yun lang ang nasambit ko.
"Sorry.? Yun lang ang masasabi mo? Bakit Althea mabubura ba ng sorry mo ang sugat na ginawa mo dito sa puso ko? Mabubura ba nang sorry mo ang lahat nang sakit na nararamdaman ko ngayon ha?. Sabihin mo kung kaya bang burahin ng sorry mo lahat nang paghihirap ko nang dahil sa letseng pagmamahal ko sa'yo." Sabi niya.
Hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi ni Jade, parang sasabog na ang dibdib ko kaya naman pinatay ko ang tawag at nilunod ko ang sarili ko sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.