Unwell...
Nabigla kaming lahat sa nangyari kay Althea. Ang saya ko pa sa gabing iyon dahil nakikita ko na magkakabalikan na kami, pero ang kasiyahang iyon ay napapalitan nang pagdadalamhati. Si Althea ay nasa malubhang kalagayan ngayon. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. Kung sana hindi ko nalang siya pinaalis ng gabing iyon, siguro hindi nangyari sa kanya to.
"Jade, tama na yan." Sabi sa akin ni Mommy.
Nasa iisang hospital kami ngayon ni Althea. Kanina nakita ko ang Nanay niya at nagpasalamat nalang ako kasi kahit man lang sa ngayon ay isinantabi niya ang galit niya sa akin.
"Jade, magpahinga ka na. Alam mo namang makakasama sa'yo ang labis na pag aalala." Dagdag ni Nadine.
Tumango lang ako.
"Gusto kong makita si Althea Nadine please." Paki-usap ko.
"Jade, baka hindi tayo pagbibigyan ng Nanay niya." Sagot ni Nadine.
"Nadine, subukan lang natin. Gustong gusto ko talagang makita at malaman ang kalagayan niya." Sabi ko.
"Ano pa nga bang magagawa ko." Sagot ni Nadine.
Itinulak niya ang wheelchair at nagtungo kami sa kuwartong kinaroroonan ni Althea. Ilang sandali pa ay narating na namin ito. Kakatok na sana si Nadine nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang bunso nilang kapatid si Alcris.
"Jade, pasok ka sa loob." Sabi niya habang nilakihan ang bukas ng pinto.
"Salamat Cris." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Nakita kong naka-upo sa gilid ng kama si Nanay Cristy.
"Ma..magandang araw po." Bati ko sa kanya.
Tumango lang siya.
"Pwedi po ba naming malapitan si Althea?" Paki usap ni Nadine.
Tumango lang ang Nanay niya. Kaya naman inilapit ako ni Nadine sa kama ni Althea. Nakita kong labis ang pinsalang natamo ni Althea sanhi nang pagkakabundol sa kanya at tumama ang ulo niya sa poste nang ilaw kaya hindi pa siya nagkamalay simula noong dinala siya rito.
"Jade, maari ba tayong ma-usap?" Biglang sabi ni Nanay Cristy.
"Okay po. Sagot ko. "Nadine pwedi bang iwanan mo muna kami?" Baling ko kay Nadine.
Nakikita ko sa mga mata ni Nadine ang pag aalala sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya at.
"Huwag kang mag alala Nadine. Okay lang ako." Paninigurado ko sa kanya.
Lumabas nang kuwarto si Nadine.
"Ano po yung pag uusapan natin Ma'am?" Tanong ko.
"Jade, una sa lahat humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng nasabi at nagawa ko sa'yo noon." Sagot niya.
Hindi muna ako sumagot dahil pinakiramdaman ko muna kung bukal ba sa loob niya ang paghingi ng kapatawaran. Ramdam kong bukal naman kaya...
"Huwag na po nating isipin yon. Matagal na na panahon yon." Sagot ko.
"Siguro Jade, kung hindi lang ako naging hadlang sa inyo ni Althea ay sana hindi mangyayari ito sa kanya." Sabi niya.
"Wala naman pong dapat sisihin sa nangyari eh, aksidente po ito." Sagot ko.
"Alam mo ba noong ikinasal si Althea at David? Ang buong akala ko ay tuluyan kana niyang makalimutan pero nagkamali pala ako." Sabi niya.
Hindi ako sumagot. Sa halip ay kinuha ko ang kamay ni Althea at pinisil pisil ko ito.
"Sa mga araw na iyon Jade, nasaksihan ko kung paano gumuho ang mundo niya at bilang ina ay labis akong nasasaktan." Paliwanag niya.
"Bakit niyo po sinasabi sa akin to?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na kahit minsan hindi ka kinalimutan ni Althea at alam ko yun dahil si David na mismo ang sumuko sa kanya kaya na divorce ang kasal nila nang maaga." Sabi niya.
"At bakit naman siya sinukuan ni David. Kung talagang mahal niya si Althea ay handa siyang magsakrispisyo para sa kanya." Sagot ko.
"Jade, ang mga lalaki hindi yan kagaya nating mga babae na gagawin ang lahat para lang sa taong mahal natin. Ang sa kanila kapag ramdam nilang wala na talaga silang pag asa ay bibitawan kana nila." Paliwanag niya.
"Nasaan na po pala si David ngayon?" Bigla kong tanong.
"Nasa London siya at masaya na siya sa bagong buhay niya ngayon." Sabi niya.
Sa isip ko si David masaya na sa buhay niya samantalang kami ni Althea ay wasak padin hanggang ngayon.
"Mabuti naman po at nakakaya ni David na mamuhay nang masaya pagkatapos nang pagsirang ginawa niya sa amin ni Althea." Sumbat ko.
Nilapitan ako nang Nanay ni Althea at pinagmasdan niya akong maigi.
"Jade, biktima lang din si David sa maling paniniwala namin. Kaya huwag mo siyang sisihin sa nangyari sa inyo ni Althea, dahil kung meron mang dapat sisihin ngayon ay ako yon." Pag amin niya.
"Paano niyo po nagawang ipagkait ang kaligayahan nang sarili niyong anak?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko idedeny na naging selfish ako at diktador kasi yun ang kinalakihan kong tradisyon Jade na ang babae ay para lang sa lalaki at noon ayokong suwayin iyon kaya naman ginawa kong lahat para lang mapaghiwalay ko kayo." Sabi niya.
Sa mga narinig ko ngayon ay gusto kong magalit ako sa Nanay niya, gusto kong sumbatan at murahin siya pero wala na ring saysay kong gagawin ko yon. Nangyari na lahat kaya naman pinigilan ko nalang ang sarili ko.
"Alam kong masama ang loob mo sa akin Jade at hindi kita masisisi kasi sa sobrang laki ng kasalanan ko sa inyo sa tingin ko hindi mo ako kayang patawarin." Sabi niya.
"Hindi naman po ako Diyos para hindi ko kayo mapapatawad. Tao lang po ako, kaya wala po akong karapatan para hindi ko ibigay sa'yo yan." Sagot ko.
Niyakap ako ng Nanay ni Althea at sa unang pagkakataon ay naramdaman ko na isa siyang mabuting tao. Ina lang siya na nagmamahal ng sobra sa kanyang anak, at ang sobrang pagmamahal na yon ang nagtulak sa kanya para protektahan si Althea sa akin dahil sa tingin niya hindi ako magandang ihimplo sa anak niya.
"Jade, salamat sa pagmamahal mo sa anak ko. Asahan mo mula ngayon hindi na ako magiging hadlang sa inyong dalawa, yan ang kapalit sa hiling ko Jade na sana gumising na si Althea." Sabi niya.
"Salamat po. Matagal na po naming gustong makuha ang blessing niyo. Siguro may dahilan ang lahat kung bakit nangyari kay Althea ito." Sagot ko.
"Siguro nga Jade, siguro gusto lang ipamulat sa akin nang Panginoon na lumampas na ako sa mga ginagawa ko. Siguro gusto Niyang pagsisisihan ko ang mga nagawa kong pananakit sa anak ko. At ito ang paraan niya para ipaalala sa akin na kahit sino at ano pa si Althea ay hindi ko siya dapat ikahiya dahil kahit baliktarin ko man ang mundo ay anak ko pa din siya." Mahaba niyang sabi.
Umiyak lang ako. Dahil sa wakas ay natanggap na kami ng Nanay ni Althea. Pero sayang lang at hindi narinig ni Althea ang pagsisisj ng kanyang ina.
"Jade, sa oras na magising si Althea sana nandito ka sa tabi niya." Sabi niya.
"Susubukan ko po." Sagot ko sa kanya.
"Salamat Jade." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.