D4

1.5K 65 3
                                    

Mabilis kumalat sa internet ang ginawang proposal ni Althea at madami ang natutuwa lalo na ang mga Jathea fans pero madami din ang nagagalit at nasusuka sa ginawa niya lalong lalo na ang mga relihiyosong tao kung anu ano nalang ang ibinabato sa amin na masasakit na salita, pero kahit na ganun ay pinipilit pa din namin ni Althea na magpakatatag dahil alam naming darating talaga ang oras na ito.

"Jade, ang lalim yata ng iniisip mo ah." Tanong sa akin ni Althea.

"Wala naman Althea lab, kinakabahan lang ako para bukas." Sagot ko.

"Lab,? Tama ba narinig ko Jade? Tinawag mo akong lab?" Paninigurado niya.

"Oo, bakit? Ayaw mo ba?" Tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin na nakangiti.

"Gustong gusto ko lab," sabi niya. Sabay halik sa pisngi ko.

"I love you Jade." Dagdag niya.

"Mahal na mahal din kita Althea." Sagot ko.

Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng pag iisang dibdib namin ni Althea. Isang pribadong seremonyas lang ang gusto namin kung saan tanging malalapit na kaibigan at kapamilya lang namin ang tanging saksi sa aming pag iisang dibdib.

"Jade anak, ready ka na ba?" Tanong ni Mommy sa akin.

"Yes Mom, ito po yung araw na pinakahihintay ko ang maging isang Mrs. Guevarra." Sagot ko.

Niyakap ako ni Mom habang maluha luha ang kanyang mga mata.

"I'm so happy for you baby." Sabi niya.

"Thanks Mom." Sagot ko.

Pagkalabas namin sa kuarto ay nakita kong nakatayo sa labas ng pintuan si Daddy. Ngumiti siya habang nakatingin siya sa akin. Katabi niya si Nadine at si Jaime.

Lumapit si Nadine sa akin.

"Jade, masaya ako para sayo." Sabi niya.

"Salamat Nadine." Sagot ko habang niyayakap ko siya.

Di nagtagal ay umalis na kami at nagtungo na sa isang pribadong beach dahil hinihintay na ako ni Althea.

Pagdating namin sa beach ay nakikita kong halos lahat ng mga bisita namin ay nandoon na. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko, ganito pala ang pakiramdam kapag ikakasal kana. Yung saya ay walang mapaglagyan.

"Jade anak, tayo na." Sabi sa akin ni Mom.

Tumango lang ako at bumaba ako sa sasakyan. Habang naglalakad kami patungo sa kinaroroonan ng Minister na siyang magkakasal sa amin ni Althea. Habang inihatid ako ni Mom at Dad ay nakikita ko namang nakatayo si Althea habang nakatingin siya sa akin. Maluha luha ang kanyang mga mata at hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

Habang palapit kami ng palapit ay mas lalong lumakas ang kaba ng aking dibdib at hindi ko na rin napigilang hindi tumulo ang aking mga luha. Ang maikasal  ka sa taong pinakamamahal mo ay isang napakalaking biyaya mula sa Panginoon, hindi ko akalain na kami ni Althea ang magsasama hanggang sa huli.

Huminto na kami sa kinatatayuan ni Althea at kitang kita ko kung paano niya ako tinitignan.

"Althea, alagaan mo ang anak namin." Sabi ni Mom sa kanya.

"Makakaasa po kayo Mom." Sagot ni Althea habang niyakap si Mommy.

"Althea, mahalin mo itong anak ko gaya ng pagmamahal ko sa kanya ha." Sabi naman ni Dad.

"Pangako ko po yan Dad at hihigitan ko pa ang pagmamahal na naibigay mo sa kanya." Sagot ni Althea.

At nagmano siya kina Mommy at Daddy bago siya humarap sa akin.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon