F6

3.7K 126 23
                                    


Simula noong may nakasagutan si Athea na ale doon sa Siargao ay mabilis na kumalat ang isyu tungkol sa kanya pero hindi niya ito pinansin dahil sabi nga niya hindi siya narito sa mundong ito para sa kanila kundi para sa amin ng anak namin.

Dito kami ngayon sa family house namin kung saan may family gathering kami. Si Mommy Clara busy sa paglilibang kay JA samantalang si Althea naman ay kanina pa nakaharap sa laptop niya. Lumapit ako sa kanya.

"Lab, ang kunot naman ng noo mo. May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman lab, may tinitingnan lang akong place sa North eh, balak ko kasing bumili ng property doon." Sagot niya.

"Wow naman sobrang business minded naman ng lab ko ngayon." Sabi ko sa kanya habang hinahawakan ko ang kamay niya.

"Syempre, gusto ko kayong bigyan ng magandang kinabukasan ni JA lab, ayokong sa bandang huli pagsisisihan mong sa akin ka nagpakasal." Sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Althea, alam mo naman na hinding hindi mangyayari yon diba?" Sabi ko.

"Lab, mas mabuti ng handa ako para sa future natin kasi ayokong maranasan ni JA ang naranasan ko noon na hirap kami sa buhay." Sagot niya.

Niyakap ko nalang siya dahil wala na akong makuhang salita, ganito si Althea lagi siyang nag-iinvest kasi sabi nga niya habang maaga pa dapat daw may maipundar na kami para pagdating ng panahon hindi na kami maghihirap. Sobrang bilib ako sa asawa ko kasi kapakanan namin ang lagi niyang iniisip.

"Jade, anak halika nga dito." Tawag sa akin ni Mommy.

Lumapit ako palapit kay Mom.

"Bakit po Mom?" Tanong ko.

"Jade, alam mo na bang may biniling beach resort si Althea doon sa Davao?" Tanong ni Mommy.

Tumingin ako sa kinaroroonan ni Althea.

"Hindi po niya nasabi sa akin Mom." Sagot ko.

Medyo nalungkot ako ng isipin kong naglilihim si Althea sa akin.

"Jade, baka naman hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataong sabihin sayo yon. Si Nadine kasi ang pinakiusapan niyang magtransact doon." Paliwanag ni Mom.

"Baka nga po Mom, di bale po antayin ko nalang na sasabihin niya sa akin ang tungkol doon." Sagot ko.

Tumango lang si Mom.

Ilang oras pa ang lumipas ay madilim na sa paligid. Gabi na pala hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako. Lumabas ako ng kuarto at naglakad ako patungo sa kusina pero walang tao doon.

Lumabas ako ng bahay at doon nakita kong completo ang pamilya namin pati na rin ang mga kaibigan namin. At ilang sandali pa ay narinig kong may tumugtog ng gitara. Nilingon ko ito at nakita kong si Althea ang tumugtog.

Pinagmasdan ko siya at ang mga tao sa paligid ko. Teka anong meron? Tanong ko sa sarili ko. Pero hindi ko matandaan kong ano ang meron kaya naman nakatingin lang ako kay Althea.

At nagsimula ng umawit si Althea. You are the reason by Calum Scott ang kinanta niya.

You Are The Reason

Calum Scott

There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back now

There goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless now

I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason

There goes my hand shaking
And you are the reason
My heart keeps bleeding
I need you now

If I could turn back the clock
I'd make sure the light defeated the dark
I'd spend every hour, of every day
Keeping you safe

And I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason, oh

Nakatingin si Althea habang palapit siya ng palapit sa akin. Ako naman ay nanatiling nakatayo lang hindi ko maigalaw ang mga paa ko gustohin ko man pero masyado akong mahina ngayon. Gusto kong tumakbo para yakapin siya, pero wala akong sapat na lakas para gawin yun.

"Jade, madami na tayong pinagdaan at nagpapasalamat ako sa Dios dahil hindi niya hinayaang mawala ka sa akin." Maluhang sabi ni Althea.

"Gusto ko lang ipaalam sayo at sa lahat ng taong nandirito ngayon kung gaano kita kamahal at kung gaano ako nagsisisi dahil sa mga nagawa ko noon Jade." Dagdag niya.

"Masaya ako dahil hindi lang ikaw ang ibinigay ng Dios sa akin kundi binigyan pa niya tayo ng isang cute na anghel." Sabi niya.

"Jade, kayo ni JA ang inspirasyon ko at kayo ang lakas ko. Pangako ko sa inyo lagi akong nandito para protektahan kayo. Mahal na,mahal ko kayo Jade." Sabi niya.

Hindi ako makakuha ng tamang sasabihin ko sa kanya.

"Althea lab, alam ko naman na mahal mo kami ni JA at mahal na mahal ka din namin." Sa wakas nakapagsalita na ako.

"Lab, salamat sa pagmahal mo sa akin. Happy 8th anniversary." Bati niya.

Doon ko lang na alala na ngayong araw na ito pala ang unang araw ng tagong relasyon namin ni Althea, sa araw na ito pala nagsimula ang masasaya at masasakit na kwento ng buhay naming dalawa. Napaluha ako ng maalala ko ito.

Sa totoo lang nakalimutan ko na ang anniversary namin bilang magjowa kami dahil ang iniisip ko ay ang panahong ikinasal ako sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Happy anniversary too lab." Bulong ko sa kanya.

"Nakalimutan mo ba?" Tanong niya.

Tumango lang ako kaya naman hinalikan niya ako sa labi.

"Ako Jade, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na naging bahagi ka ng buhay ko." Sabi niya.

Nagtawanan naman ang mga bisita.

"Bakit may paganito kapa lab." Nahihiya kong sabi.

"Syempre,gusto ko lang maging saksi sila sa pagmamahalan natin ngayon, kasi sila din naman ang naging bahagi ng patagong relasyon natin noon diba?" Paliwanag niya.

Tumawa lang ako. At ang gabing iyon ay isa sa mga gabi na hinding hindi ko makakalimutan. Again, hindi parin nagbago si Althea sa pagsusorpresa sa akin.

Kaya naman habang tumatagal kami ay mas lalo ko siyang minahal dahil habang tumatagal ay nakikita at nakikilala ko ang totoong Althea. Ang Althea na ma alaga,mapagmahal,at higit sa lahat ang Althea na gagawin ang lahat makita lang niya na masaya ako.

Wala na akong mahihiling pa dahil sobra- sobra na ang biyayang natatanggap ko. Kaya naman naiisip ko yung sinasabi ng iba na ang mga kagaya namin ay hindi raw pinagpala ng Dios dahil kinasusuklaman niya ito. Kung kinasusuklaman kami ng Dios bakit ang dami naming biyayang natatanggap. Siguro hindi ang Dios ang nasusuklam sa amin kundi ang mga taong hindi masaya sa buhay nila. Ang mga taong hindi naranasan ang tunay na pagmamahal at ang mga taong mapang mata at mapanghusga sila ang tunay na nasusuklam sa amin dahil nakikita nila na masaya kami sa buhay namin kahit na ganito kami. Hindi kagaya nila straight nga sila pero hindi naman sila masaya kaya naman ganun nalang ang pagka inggit nila kapag nakakakita sila ng mga lesbian couples na masasaya.

Finn...

A/N..

Please guys basahin niyo din yong next book ko Taste of Love its a RaStro story. Maraming maraming salamat sa walang sawang pagboto at pagcomments. Mahal na mahal ko kayo. Sana pagtyatyagaan niyo pa din ako.haha

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon