H

2.1K 91 14
                                    

Heaven and hell...

Tapos na ang bakasyon namin ni Althea at heto na naman kami sa realidad na kailangan na naman naming magpanggap as friends sa harap nang mga taong tumututol sa relasyon namin. Nasa set kami ngayon nang movie na ginagawa namin. At nandito nanaman si DR at panay pacute niya sa Althea ko.

"Kalma ka lang Jade." Sabi ko sa sarili ko.

"Sinong kinakausap mo?" Tanong ni Kevin sa akin. Siya ang stylist ko.

"Sarili ko Kevz, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman napapansin ko lang panay ang irap mo sa manliligaw ni Althea." Sabi niya.

"Hoy Kevin umayos ka,baka may makarinig sayo diyan." Sagot ko.

"Jade naman, napapansin ko nga tsaka kung nakakamatay lang yang titig mo wala na kanina pa namatay si DR." Dagdag niya.

"Ewan ko sayo, kung ano ano yang sinasabi mo eh." Sagot ko habang nakasimangot. Sakto namang nakatingin si Althea sa akin. Pero iniiwas ko ang tingin ko sa kanya baka kasi hindi ako makapagpigil eh.

"Defensive ka Jade." Dagdag ni Kevin habang inaayos ang buhok ko.

"Ayusin mo nalang ang buhok ko huwag ka nang madaming salita diyan baka may makarinig pa sa'yo eh." Sagot ko.

Mabuti naman ang sumunod si Kevin. Habang inaayusan ako at inaayusan din si Althea. Kada araw hindi talaga mawawala ang bantay niya. Kung hindi nanay niya ang sasama sa kanya ay ang Ate Cris niya naman at hindi rin mawawala ang David na to. Kainis lang kasi eh. Siya welcome na welcome sa pamilya ni Althea samantalang ako. Binabawalan si Althea na makipagkita sa akin. I wonder kung paano nakalusot si Althea noong nagbakasyon kami. Nasa kalagitnaam ako nang pag iisip ko nang biglang sumulpot si Althea sa harapan ko.

"Jade, hati tayo." Sabi niya habang inabot sa akin ang inorder niyang kape.

"Salamat." Sagot ko sa kanya habang nakangiti.

Akala ko ay aalis na siya pero umupo siya sa tabi ko.

"Ang swerte mo naman Kevin amo mo hindi kuripot." Panimula ni Althea.

"Ay sinabi mo pa Althea, kaya nga nagtagal ako dito eh kasi mabait na galante pa. Ewan ko nga ba kung bakit wala itong lovelife." Sagot ni Kevin.

Napaubo ako habang nakatingin kay Althea.

"Bakit nga pala wala kapang lovelife Jade?" Tanong ni Althea sa akin habang nakangiti.

"Kasi yung taong mahal ko eh hindi ako mahal." Sagot ko habang tinititigan ko siya.

"Bakit ba kasi doon ka nagmamahal sa taong alam mong wala kang pag asa." Sagot ni Kevin.

"Kevz, kung pwedi ko lang piliin ang taong mamahalin ko. Hinding hindi ko siya pipiliin." Sagot ko habang nakatingin sa malayo.

"Alam mo Jade, kung lalaki lang ako liligawan kita." Pagkunwaring sabi ni Althea.

"Eh, paano hindi ka lalaki Althea." Sagot ni Kevin.

"Bakit Kevz, ikaw lalaki ka naman diba? Bakit wala ka bang gusto kay Jade?" Pagbaling ni Althea kay Kevin.

"Jusme Althea, bading ako baka hindi ka nainform. Tsaka mas maganda pa ako kay Jade. Kita mo naman diba?" Sagot ni Kevin.

Pareho kaming tumatawa ni Althea at hindi namin napansin na nakatingin pala sa amin ang ate niya.

"Althea, hindi kapa tapos ayusan ah, balik kana dito." Sabi nang ate niya.

"Opo andiyan na. Sagot niya habang tiningnan ako."

"Thanks nga pala sa coffee." Sabi ko sa kanya.

"You're welcome." Sagot niya at tuluyan na siyang naglakad.

"Jade yung mga titig ni Althea sa'yo ang lagkit." Sabi ni Kevin.

"Shut up Kevz, ayan ka nanaman sa bunganga mo." Sagot ko sa kanya.

At natapos ang araw na yun na maayos at successful. Kahit naiinis ako kay David ay bumawi naman si Althea sa akin. Yung pag abot niya nang coffee ay alam kong paraan niya lang yun para makaiwas kay DR. Kaya naman mahal na mahal ko na talaga si Althea eh kasi ibang iba na siya sa dating Althea na nakilala ko. Yung break up namin dati ang nagpapamatured sa kanya at kahit na nasaktan ako noon ayos lang sa aki  kasi ako rin naman ang nakikibang ngayon.

Nasa loob lang ako nang condo ko ngayon, wala kasi akong planong lumabas. Si Althea naman ay hindi raw makakapunta sa akin dito kasi magpapasama daw ang nanay niya sa lakad nito. Kaya naman dito lang ako, nag iisa. Nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Naglakad ako patungo sa pintuan ko at binuksan ko ito.

"Mom?" Tanong ko sa taong kaharap ko.

"Bakit parang nakakita ka ng multo Jade?" Sagot ni Mommy sa akin.

"Hindi naman sa ganun Mom." Sagot ko sa kanya.

Pumasok si Mommy at umupo sa sofa. Pagkatapos may inilapag siyang sobre sa table. Kinuha ko ito at tiningnan,pero laking gulat ko nang makita ko ang laman nito. Pictures namin ni Althea noong nagbakasyon kami.

"Saan mo nakuha to Mom?" Tanong ko sa kanya.

"Ipinadala yan sa bahay Jade. Can you explain that photos." Sabi niya habang pinag aaralan ang reaksyon ko.

"Okay, hindi ko idedeny na kami nga yan ni Althea. Pero Mom wala naman pong masama sa photos na yan." Pagdedepensa ko.

"Jade,pati ba naman sa akin maglilihim ka? Matagal ko nang hinintay na sana may ipapakilala kang boyfriend sa akin pero hindi nangyari yun, kasi hindi pala boyfriend ang hilig mo kundi girlfriend pala." Sabi niya na hindi ko mabasa kung galit ba o hindi si Mommy sa akin.

"I'm so sorry Mom. Hindi ko naman sinadya eh." Sagot ko habang nakayuko.

"Jade, ano nalang ang mangyayari sa inyo kapag nalaman to nang management niyo." Pag aalalang tanong ni Mom.

"Nag iingat naman po kami Mom,sabi ko sa kanya."

"Kung nag iingat kayo? Bakit may nakakuha ng mga litrato niyo?" Tanong niya.

Hindi ako makasagot dahil alam kong may punto si Momny. Bakit nga ba may nagpadala sa kanya nang mga litrato. Ibig sabihin patuloy padin kaming pinapasundan ni Althea.

"Jade, kung ano man ang meron sa inyo nang Althea na yan. Please lang siguraduhin niyo lang na hinding hindi masisira ang career niyo pareho." Sabi ni Mom.

Tumango ako s kanya at niyakap ko siya.

"Salamat Mom at tanggap mo kami." Sabi ko.

"Kahit ano kapa Jade matatanggap talaga kita dahil anak kita." Sagot ni Mom. "Basta isa lang abg bilin ko sa inyo. Mag iingat kayo sa mga kilos niyo." Dagdag niya. "Kasi hindi ko kakayanin Jade kapag huhusgahan ka ng mga tao dahil lang sa preferene mo." Sabi niya. "Ina mo ako Jade at dobleng sakit sa akin yun kapag nasasaktan ka." At hinalikan niya ako sa noo.

"Don't worry Mom, mas lalo pa po kaming mag iingat ni Althea." Sagot ko kay Mommy.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon