Now...
Dumating ako sa condo na mabigat ang loob. Ayoko naman talagang gawin yun kay Althea eh, pero wala ng ibang paraan para matuto siya. Kung ang pagkawala ko sa buhay niya ay hindi parin makapagbabago sa kanya, wala na akong magagawa dun.
Inilapag ko ang mga gamit ko at humiga ako sa kama. Nag iisip ako ng posibleng paraan para sa aming dalawa hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Si Sally ito.
"Hello Sal, napatawag ka?" Tanong ko sa kanya.
"Jade, may sasabihin ako sayong importante." Sabi niya sa akin.
"Ano yun Sal?" Tanong ko sa kanya.
"Nasaan ka ngayon at pupuntahan kita?" Tanong niya.
"Nasa condo lang ako Sal, sige aantayin kita." Sagot ko at pinatay na niya ang tawag.
Nagtataka ako kung bakit bigla bigla nalang ganun ang sinasabi ni Sally, ano ba yung kailangan kong malaman, bakit parang napaka importante naman yata para puntahan niya pa ako dito sa condo. Ilang sandali lang ay may narinig na akong katok mula sa pintuan ko.
Naglakad ako papunta sa pintuan at ng buksan ko ito ay nakita ko si Sally sa labas.
"Sal, pasok ka." Sabi ko sa kanya.
Pumasok siya at umupo sa may sofa.
"Ano nga pala ang importanteng sasabihin mo sa akin Sal?" Tanong ko sa kanya.
"Jade, about doon sa photo na ipinadala sa Nanay ni Althea at sa Mommy mo. Alam ko na kung sino ang may pakana nun." Sabi niya sa akin.
"Sino Sal?" Tanong ko sa kanya.
"Yung kapatid ni Althea Jade, si Maricris." Sagot niya.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya.
"Ganito kasi yan Jade, noong hinatid kita sa bus station ay naisipan ko munang sumaglit sa coffee shop. At una kong napansin ay si David tapos nakita ko na ate pala ni Althea ang kasama niya. Hindi nila ako kilala kasi hindi naman nila alam na magkaibigan tayo eh." Sabi niya.
"Tapos?" Sagot ko.
"Yun nga noong una, pinag uusapan lang nila yung pagtakas ni Althea and nabanggit nila yung bakasyon niyo doon sa Visayas. Kaya naman mas nanaig ang kutob ko na pakinggan sila lalo. Nagkunwari akong nakaheadset pero wala naman talaga akong pinakinggan that time." Paliwanag niya.
"Continue mo Sal." Sabi ko sa kanya.
"Yun nga, wala pala talaga silang ideya kung nasaan si Althea at nabanggit ni DR na mukhang wala ka din raw alam kung saan nagtungo si Althea dahil yun daw ang report ng tauhan niya. Hanggang sa sumunod ka kay Althea sa probinsya Jade. Dahil hindi nila mahanap kong nasaan si Althea ay ikaw ang binabantayan nila. Pinasundan ka nila noong sumakay ka ng bus." Sabi niya.
"Sal, bakit dimo ako tinawagan noon?" Tanong ko sa kanya.
"Tinawagan kita Jade, pero hindi ko makontak ang cellphone mo. Ilang beses kitang tinawagan kaso out of reach ka talaga." Sagot niya sa akin.
"So ang ate pala ni Althea ang may pakana ng lahat, yan ba ang tinatawag nilang MakaDiyos?. Makasarili ang tawag diyan." Sabi ko kay Sally.
"Ano nang plano mo ngayon Jade?" Tanong niya sa akin.
"Wala Sal, kasi hiniwalayan ko na si Althea at plano ko nalang na magbakasyon nalang ako sa Thailand para maiwasan ko sila." Sagot ko sa kanya.
"Pero Jade, may proyekto pa kayong dalawa diba?" Paano yan?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.