P

1.7K 85 26
                                    

Party...

Nandito ako ngayon sa Ilo-ilo kung saan gaganapin ang welcome party ni Lovi. Natatawa nalang ako nang maalala ko ang sinasabi ni Sally kanina pagtawag niya. Loko din tong si Sally eh, pinagtripan ba naman si Althea. Hay naku Althea kahit na ganyan ka pero mahal na mahal pa din kita, gusto ko lang naman sa'yo na mag grow kana.

"Mukhang malalim yata iniisip natin Jade ah." Sabi sa akin ni Lovi habang tinabihan niya ako ng upo.

"Iniisip ko lang kung ano yung kahihinatnan namin ni Althea Love." Sagot ko sa kanya.

"Hay naku, si Althea na naman. Akala ko ba hiwalay na kayo? Bakit siya lagi bukambibig mo?" Sabi niya ng nakangiti.

"Para naman hindi mo ako kilala, oo nga hiniwalayan ko siya but it doesn't mean that I don't love her. Mahal na mahal ko yung tao eh." Sagot ko sa kanya.

"Kaya nga I gave up on you kasi alam kong wala na talaga akong pag asa sa'yo kung si Althea man lang ang makakalaban ko and isa pa ayokong masira yung friendship namin." Paliwanag niya.

"Diyan ako hanga sa'yo kasi marunong kang tumanggap nang pagkatalo." Sagot ko ng nakangiti.

"Jade, hindi naman kasi pwedi na sa lahat ng laban ay kailangan mong lumaban at kailangan mo itong ipanalo." Mahiwaga niyang sabi.

"Ang lalim nun ah. Diko kayang sisirin." Pagbibiro ko.

"Trust me, maiintindihan mo din yun. Anyway may bisita pala akong gustong makakita sa'yo." Sabi niya.

"Sino?" Tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa likuran namin at sumunod naman ako at doon ay nakita ko si Althea na nakatayo di kalayuan sa kinaroroonan namin.

"I guess kailangan niyong dalawa ng alone time. Iwanan ko muna kayo." Sabi ni Lovi at tumayo siya at naglakad palayo sa akin.

Pinagmasdan ko si Althea parang nagdadalawang isip pa siya kung hahakbang ba siya o hindi.

"So magtitigan nalang ba tayo hanggang magdamag?" Sabi ko sa kanya.

Naglakad siya nang mabilis papunta sa akin at sinalubong ko siya ng yakap. Kahit na naiinis ako sa taong ito pero aaminin ko namimiss ko siya.

"Jade, namiss kita." Sabi niya.

"Namiss din kita Althea." Sagot ko.

Una akong bumitiw sa pagkakayakap at naglakad ako paakyat sa rooftop. Nakita kong sumunod naman si Althea sa akin.

"Jade, mag usap naman tayo please?" Paki usap niya.

Tumango lang ako.

"Yung nangyari doon sa probinsya Jade, yung sinasabi mo sa akin napag isipan ko na yun." Sabi niya.

"Hmmm..tapos?" Yun lang ang sagot ko.

"Jade, kakausapin ko si DR pagbalik ko sa Manila makiki-usap ako sa kanya na siya nalang ang aatras sa kasal." Sagot niya.

"What if hindi siya papayag Althea? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Jade, papayag yun." Sagot niya.

"Paano nga kung hindi siya papayag ano ngang gagawin mo?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko alam Jade." Sagot niya.

"Mag-iisip ka nang plano wala ka palang back up plan? Paano pag hindi omumbra yung plan A mo? Ano suko ka nalang?" Sabi ko.

"Jade bakit mo ba ako pinapahirapan?" Tanong niya sa akin.

"Althea hindi kita pinapahirapan. Binigyan na nga kita nang kalayaan diba?" Sabi ko.

"Kalayaan na hindi ko hiniling at hindi ko ginusto Jade." Sagot niya.

Hindi ako nakapagsalita napapaisip tuloy ako, selfish ba akong tao kasi pinapahirapan ko si Althea ngayon?

"Jade, hindi ko naman hiniling sa'yo na palayain mo ako eh, ang hiling ko lang sana bigyan mo pa ako ng konting panahon." Sabi niya.

"Althea nasa sa'yo na nga lahat ng panahon noon eh, ang haba haba na ng panahon para magtapat ka sa kanila kung ano ka pero ginawa mo ba?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi Jade, mahal ko si Nanay ayokong masaktan ko siya." Sagot niya.

"Althea nasasaktan mo na siya manhid ka ba? Sa pagiging lesbiana mo nasasaktan mo na siya." Sabi ko.

"Kaya nga Jade, ayoko ng dagdagan pa eh kasi naaawa ako kay Nanay." Sabi niya.

"Kaya nga Althea pinalaya na kita kasi ayoko ding mahihirapan ka. Hindi naman ako selfish na tao para makipag kompetensya ako sa Nanay mo eh. Nanay mo yun kaya nga dapat siya ang priority mo." Sabi ko.

"Pero Jade, ayokong mawala ka sa buhay ko." Sagot niya na parang maiiyak na siya.

"Althea matagal na akong nawala sa buhay mo bilang Jade na girlfriend mo pero hindi ako mawawala sa'yo bilang Jade na kaibigan mo." Sabi ko sa kanya.

Nakita ko kung paano umagos ang mga luha sa mga mata ni Althea. Nadudurog ang puso ko habang minamasdan ko siya. Gusto ko siyang yakapin at sabihing tama na pero pinipigilan ko ang sarili ko na gawin yun.

"Althea mahal kita kaya ayokong nahihirapan ka. Siguro sadyang pinagtagpo lang tayo nang panahon pero hindi tayo ang itinadhana para sa isa't isa." Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko ang sarili ko na hindi maiyak.

"Pero Jade, mahal kita higit pa sa kaibigan ko. Alam mo yan. Please bigyan mo pa ako nang isa pang pagkakataon at patunayan ko sayong hindi na masasayang ang chance na ibibigay mo sa akin." Paki usap niya.

"Althea huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin. Alam mo naman na ikaw at ikaw lang ang minahal at mamahalin ko. Sana sa ngayon maging kontento ka nalang kung ano yung kaya kong maibigay sa'yo." Sagot ko sa kanya.

"Jade, mangako ka na kapag naging okay na lahat mangako ka na andiyan ka pa at mangako ka na may babalikan pa ako." Sabi niya sa akin pero this time lumapit na siya at hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim.

"Pangako Althea, maghihintay ako sa tamang panahon na pwedi na maging tayo." Sagot ko sa kanya.

Niyakap niya ako at umiyak siya ganun din ako. Napatanong tuloy ako. Ganito nalang ba kami lagi ni Althea? Sakit nalang ba ng dibdib ang lagi naming matatanggap dahil sa pagmamahal namin sa isa't isa? Wala na ba kaming chance na magiging masaya.

"Jade." Sabi ni Althea.

"Hmmmm." Sagot ko.

"Mahal na mahal kita." Sabi niya.

"Mahal din kita Althea alam mo yan pero sa ngayon kailangan ulit natin magsakripisyo para sa ating dalawa." Sagot ko.

Tumango lang siya at humarap siya sa akin. Pinahiran niya ang mga luha ko at tinitignan niya ako sa aking mga mata.

"Panghahawakan ko ang pagmamahal mo sa akin Jade para may lakas akong lumaban. Asahan mong mula ngayon hindi na ako ang Althea na nakilala mo noon." Sabi niya.

"Mahal na mahal kita Althea kaya sana naintindihan mo na ako. Tandaan mo laban natin to pareho pero ang kaibihan lang ay kailangan nating lumaban na magkahiwalay." Sagot ko sa kanya.

"Salamat Jade." Sabi niya at hinalikan niya ako sa labi. Isang maikling halik lang pero ramdam na ramdam ko na punong puno ito nang pagmamahal.

At sabay kaming bumaba para makiparty. Masaya ako ngayon atleast pareho naming alam na kahit ano paman ang mangyayari ay maasahan namin ang isa't isa hindi man bilang magkasintahan kundi bilang magkaibigan.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon