Visitors...
Nakalabas na ako nang hospital pero si Althea ay hindi pa din nagigising. Lahat kami nag aalala na sa kanya lalong lalo na ako, kung sana alam ko lang na mangyayari to sana hindi ko siya binitawan noon. Pero wala na din akong magagawa ngayon nangyari na ang lahat. Gaya nang nakagawian ko ay araw-araw akong dumadalaw sa kanya, at sa bawat araw na iyon ay dinadalangin ko sana ay magising na siya.
Nasa lobby ako nang hospital nang nakita ko sina Bachi at Kath kasama si R at G.
"Jade, kumusta ?"bati sa akin ni R.
"Okay lang namam ako Rhi, kayo kumusta na?" Tanong ko sa kanila.
"Ayos lang din kami." Sagot ni G.
"Papunta pala kami sa room ni Althea, ikaw? Saan ang punta mo?" Tanong ni Bachi sa akin.
"Sa room din niya." Sagot ko.
Nagtinginan silang apat.
"Bakit anong meron?" Tanong ko sa kanila.
"Eh, gising na kasi si Althea Jade." Sabi ni Bachi.
"Talaga?" Masaya kong sagot.
"Oo, pero nakakalungkot lang na wala siyang matandaan kanina pag gising niya." Sagot ni Kath.
"What do you mean na wala siyang matandaan Kath?" Tanong ko sa kanya.
"Sabi ng doktor normal daw talaga yan sa pasyente na dumaan sa coma ang makakalimot, pero ang case ni Althea is nakakalimot na nga siya, eh matagal pa niyang marecognize yung taong hindi niya nakalimutan." Paliwanag ni G.
"Gagaling pa ba siya?" Tanong ko.
Tumango naman si R. "Gagaling siya Jade pero it takes time." Sagot niya.
"Guys,puntahan na natin siya ," sabi ni Bachi.
Kaya naman naglakad kami patungo sa room niya. Pagpasok namin doon ay nakita kong kompleto ang pamilya niya at nakikita ko sa mukha nila ang disappoinment. Si Alcris ang bumati sa amin.
"Cris pwedi ba naming maka usap si Althea?" Tanong ko.
"Oo Jade,lapitan mo siya baka sakaling makilala ka niya." Sabi ni Alcris.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nagtapat ang mga mata namin at nakikita ko ang pagkalito sa mukha niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Althea, nakilala mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya ako.
"Ikaw si...yung pizza...yung binili kong pizza para kay Jade." Sabi niya.
"Althea, ako si Jade. Naalala mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ikaw si Jade." Sabi niya. "Iniwan ako ni Jade. Galit sa akin si Jade." Sabi niya habang nakayuko.
"Anong nangyayari sa kanya?" Tanong ko kay Alcris.
"Nagkaroon siya nang short memory loss Jade dahil sa matindi ang pagkatama ng ulo niya sa poste. Pero sabi ng doktor hindi naman daw magtatagal yan." Sagot ni Alcris.
"Ano? Ibig sabihin wala siyang maalala?" Tanong ko.
"May maalala siya sabi ng doktor posibleng maalala niya ay ang taong nanakit sa kanya ng sobra or ang taong minamahal niya ng sobra." Sagot niya.
"Ano? May alzheimer siya?" Tanong ko ulit.
"Hindi alzheimer ang tawag diyan Jade. Short memory loss lang daw sabi nag doktor. Sanhi nang pagkauntog niya." Paliwanag ni Ate Cris.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.