E

2.5K 101 27
                                    

Ex...

Magkikita kami ngayon ni Rhian at Darlene dahil may project daw si Darlene para sa akin kaya naman maaga akong gumising at pina andar ko ang tv. Showbis news na pala at hindi ko maiwasang hindi manuod lalo na't nabanggit ang pangalan ni Althea.

"Kahapon ay nakita natin si Althea at ang sinasabing boyfriend nito na nagdidinner sa isang sikat na restuarant kasama ang pamilya ni Althea. At ito ang mga kaganapan."

"So Althea, siya na ba ang lalaking masasabi mong makakasama mo habang buhay?" Tanong nang reporter.

"Hindi ko po ikakaila na masaya po ako kapag kasama ko siya. At masaya ako dahil tanggap siya nang pamilya ko. Pero sa ngayon po ay hanggang doon lang po muna kami." Sagot ni Althea.

"Napapansin na kasi nang mga fans mo na madalas mo nang makakasama si guy kaya naman may mga bali balitang malapit na daw kayo hahantong sa simbahan." Sabi nang reporter.

"Naku, wala pa po sa plano ko ang ganyang bagay. For now priority ko po ang career ko at doon muna ako magfofocus." Sagot niya.

"So, dahil nabanggit mo yan. Balita namin ay may ginagawa kayong bagong movie ni Jade?" Tanong nang reporter.

"Opo meron po kaming ginagawa ngayon ni Jade at sana po suportahan niyo ito." Sagot niya habang kumikislap ang mga mata.

"Althea, bali balita kasi dati na may alitan daw kayo ni Jade kaya naman hindi namin kayo nakikitang nagsasama uli't sa iisang movie sa loob nang mahaba habang panahon. Totoo bang may alitan kayo ni Jade?"  Tanong ng reporter.

"Hindi po totoo yan. Sa katunayan nga po. We're good friends and we remained being good friends kahit na hindi kami masyadong nagsasama or nagkikita." Sagot niya.

"So hindi totoong may alitan na nangyayri sa inyong dalawa?" Paglilinaw ng reporter.

"Hindi po totoo yan." Sagot ni Althea.

Pinatay ko ang tv. Ang galing talaga ni Althea paniwalang paniwala niya ang reporter ah. Sabi ko sa isip ko. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. At si Darlene ang tumatawag.

"Jade, papunta na ako sa bahay ni Rhian. Ikaw ba nasaan kana?" Tanong niya sa akin.

"Darlene, puntahan mo nalang ako dito sa bahay para sa sasakyan mo nalang ako sasakay." Sagot ko sa kanya.

"Okay be ready..papunta na ako diyan." Sabi niya sabay patay nang tawag.

Nagbibihis ako. Simple lang ang sinuot ko. Isang maiksing white short at spag top. Medyo mainit kasi ngayon eh. Narinig kong may bumubusinang sasakyan sa labas at alam kong si Darlene na iyon kaya naman nagmamadali akong lumabas at inilock ko ang pintuan nang bahay.

"Sexy ah." Bungad sa akin ni Darlene habang nakaupo sa passenger seat.

"Sexy na ba yan para sayo Darl." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at nakakatutok ang mga mata niya sa daan.

"Nakita mo yung balita Jade?" Bigla niyang tanong sa akin.

"Ah, yung kay Althea at DR?" Paglilinaw ko.

Tumango siya habang tinitignan ako.

"Huwag ka sa akin tumingin Darl. Sa daan ka magfocus." Sagot ko sa kanya.

"Nasasaktan ka pa din ba?" Tanong niya ulit.

"Darlene naman, hindi naman bago yun eh. Alam kong alam mo na yan." Sagot ko sa kanya.

"Kumusta pala yung trabaho niyong dalawa?" Tanong niya.

"Maayos naman. Kilala mo naman ako eh. Artista to ang galing ko nga magtago nang feelings at sakit sa harapan nila eh." Sagot ko sa kanya.

"Jade, alam mo namang nandito lang ako ha? Tsaka kalimutan mo na si Althea. Bitawan mo na siya." Sabi niya sa akin.

"Ginagawa ko naman Darl. Pero lintik na Althea yun, hindi man lang nagawang lisanin ang puso ko. Sana dinala niya ang feelings ko for her noong panahong iniwan niya ako." Sagot ko.

"Jade, okay lang yan. Dahan dahan lang kasi dapat. Tsaka diba may kasabihan na kung gaano ka pinasaya nang taong minahal mo ay labis din ang sakit na mararamdaman mo kapag iniwan ka na niya. Yan ang nangyayari sa'yo ngayon Jade." Sabi niya.

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa marating na namin ang bahay ni Rhian at Glaiza. Pababa na kami nang sasakyan nang salubungin kami ni R.

"Jade mabuti naman at nakarating ka." Bati niya sa akin at ngumiti naman siya kay Darlene.

"Ang ganda nang bahay niyo R." Sambit ni Darlene.

"Pinamana to sa tatay ni G kaya naman importante sa amin ang bahay na ito." Sagot ni R.

"Saan nga pala mga anak mo?" Tanong ko.

"Nasa taas di bale mamaya maglalaro yun dito sa labas." Sagot niya.

Naexcite ako kasi kapag nagkataon makikita ko na sa wakas ang dalawang bata. Hindi nila ito pinapakita sa publiko para naman maiwasan ang mga bashers.

"So R may bago kang libro?" Panimula ni Darlene.

"Oo meron at sa tingin ko bagay kay Jade ang character ni Shana at maghanap ka nang actor na mababagay sa character ni Lio Darlene." Sabi ni R.

May inilatag siyang drafts sa mesa at binasa ko ito. Maganda nga ang character ni Shana at gusto ko ito.

"Ano bang pamagat sa story na to R?" Tanong ko sa kanya.

"Kung paano siya nawala." Sagot niya. "Last year ko pa yan natapos isulat eh, pero nagkataon kasi na medyo busy kami ni G parehas and may project ka din that time Jade kaya sabi ko ipagbaliban ko muna to." Nakangiti niyang sabi.

"Ang galing mo naman magsulat R." Sabi ko sa kanya.

"Naku Jade, hindi rin madali ang pagsusulat kong alam mo lang kasi dapat hindi ka bias sa mga characters mo." Paliwanag niya.

"Kumusta nga pala kayo ni Althea?" Pag iiba niya nang topic.

Tumingin ako kay Darlene.

"Sorry Jade, pero alam ko naman may something sa inyo ni Althea eh. Ramdam ko yun kasi naman diyan din ako galing." Paliwanag niya.

"Hiwalay na kami. Two years ago." Sagot ko.

Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya.

"Anong dahilan?" Tanong niya.

"Napagod na raw siya sa akin Rhi at hindi niya na daw kaya." Sagot ko naman.

"Pwedi palang mapagod sa pagmamahal? Ang alam ko kasi kapag mahal mo ipaglaban at paninindigan mo. Gaya nang ginagawa namin ni G." Sabi niya.

"Iba si G, iba si Althea R. Si G matapang samantalang si Althea duwag. Takot sa pamilya niya at walang paninidigan." Bitter kong sagot.

"Jade, hindi mo kawalan yan. Alam mo hayaan mo siya. Alam kong pagdating nang panahon babalik at babalik din siya sa'yo." Dagdag niya.

"Wala na siyang babalikan R. Kasi wala namang kami eh. Yung relasyon namin patago yun. Siya na mismo nagsabi sa akin noon na kalimutan ko na kung ano man ang meron sa amin noon. Kaya gagawin ko yun." Sagot ko sa kanya.

Tinititigan lang ako ni Darlene at Rhian.

"Huwag niyo nga akong tingnan nang ganyan." Sabi ko sa kanila.

"Ang tapang tapang mo Jade." Sabi ni Darlene sa akin.

"Oo matapang ka Jade, at ang laking tanga ni Althea dahil pinakawalan ka niya." Sabi naman ni R.

"Mabuti pa kayo nakikita niyo ang worth ko pero si Althea hindi niya nakikita yun. Kasi kinain na siya nang takot niya." Sagot ko sa kanila.

Ngumiti lang si R at pinisil pisil niya ang mga kamay ko.

"Makakatagpo ka din nang taong tunay na magpapasaya sayo Jade. At kapag nangyari yun lahat nang sakit at pagdurusang naramdaman mo ngayon ay mapapawi yan lahat." Sabi niya.

"Sana nga R. Kasi sa totoo lang pagod na akong umiyak at masaktan." Sagot ko sa kanya.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon