Z

1.7K 78 12
                                    

ZzzzzzZZZ....

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan nagsimula ang lahat nang pagdurusa naming dalawa ni Jade. Sa lugar kung saan nagawa ko ang una kong pagkakamali na nasundan nang marami pang pagkakamali. Ang dati naming condo.

Habang nasa labas ako nang pinto ay unti unting bumabalik sa akin ang mga ala ala noon. Kung paano niya ako hinabol at kung paano siya nagmakaawa sa akin.

Kumatok ako at ilang ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto.

"Jade, pwedi ba tayong mag usap?" Tanong ko sa kanya.

Tinititigan lang niya ako.

"Jade, please kahit sandali lang kausapin mo ako. Gusto ko lang ayusin kong ano yung nasira ko sa matagal na panahon." Sabi ko.

"Pasok ka." Yun lang ang sagot niya.

Pumasok ako at pinagmasdan ko ang kabouan nang lugar. Walang nagbago sa loob nang limang taon.

"Anong pag uusapan natin Althea?" Tanong niya sa akin.

Kaya hinarap ko siya.

"Jade, alam kong paulit ulit ko itong sinasabi sa'yo pero sasabihin ko ulit. Sorry sa mga nagawa ko." Sabi ko.

"Sabi ko naman sa'yo huwag ka nang magsorry kasi sasaktan at sasaktan mo parin ako." Sagot niya.

"Jade, kaya nga ako nandito ngayon eh. Kasi gusto ko nang itama yung mga pagkakamali ko noon. Naalala mo pa ba? Dito, sa lugar na ito nagsimula ang lahat." Sabi ko.

Hindi siya sumagot.

"Jade, alam kong wasak na wasak ka na kaya naman  hayaan mo akong buohin ko muli ang ang sarili mo at hayaan mo akong gamutin ko ang sugat na matagal nang nakatago diyan sa puso mo." Sabi ko.

"Nauntog ka nanaman ba!?" Sabi niya.

"Hindi Jade, sa pagkakataong ito seryoso na ako. Ayoko ko nang ulit ulitin pa ang mga kasalanan na nagawa ko sa'yo. Pagod na akong magtago, pagod na akong mamuhay sa takot Jade." Sabi ko.

"Narinig ko na yan noon Althea." Tipid niyang sabi.

"Alam ko sasabihin mo yan. Pero sa pagkakataong ito sana paniwalaan mo pa ako Jade. Hindi na ako yung Althea noon. Yung duwag, at walang paninindigan." Sabi ko.

"Patunayan mo Althea. Huwag ka puro salita." Sabi niya.

"So ibig sabihin ba niyan, binibigyan mo pa ako nang huling pagkakataon?" Tanong ko sa kanya.

"Kung hindi ko lang alam ang dahilan mo kaya ka umalis siguro hindi kita pagbibigyan ngayon.  Pero sinabi ni Mommy sa akin na bago pa nangyari ang aksidente ay humiling siya sa'yo, sana man lang Althea kinausap mo ulit si Mommy maiintindihan naman niya eh." Sabi niya.

"Sana nga Jade, pero hindi naman ako nagsisisi na pinagbigyan ko ang Mommy mo dahil sa mga panahong iyon napapatunayan ko sa sarili ko na kailangan kita sa buhay ko." Sabi ko.

"Althea, limang taon? Umabot sa limang taon bago mo napatunayan yan?" Tanong niya.

"Hindi ko alam kong makatutuhanan ba yang sinasabi mo eh. Kasi kung talagang mahal mo ako hindi mo ako matitiis ng ganun katagal?" Dagdag niya.

"Jade, maiintindihan mo din pagdating nang panahon." Sagot ko.

Hindi na siya sumagot.

Pagkatapos nang pag uusap naming iyon ni Jade ay nabawas bawasan na ang bigat dito sa aking dibdib. Kaya naman sinimulan ko ulit siyang ligawan, ginawa ko lahat ng hindi ko nagawa sa kanya noon.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon