Ilang buwan na kaming nagsasama ni Jade dito sa bahay namin sa Siargao. Habang busy ako sa pagpapatakbo ng negosyo namin ay hindi ko naman napapabayaang alagaan si Jade lalo na ngayon at medyo malaki na si baby JA.
Bago palang kami ikasal ni Jade ay inasikaso na namin ang adoption ni baby JA ayaw kasi namin pareho ni Jade na mag IVF kasi mas gusto namin mag adopt nalang atleast nakakatulong kami sa mga batang nangangailangan ng mga magulang. Isa pa masyadong risky kapag magbubuntis si Jade kasi alam naman nating lahat na buwis buhay ang panganganak at ayokong isugal ang buhay ng taong napakahalaga sa akin.
"Lab, kain na tayo." Sabi sa akin ni Jade.
"Sige lab, sunod ako now tatapusin ko muna to." Sagot ko.
Simple lang ang buhay namin ni Jade. Lumayo kami sa spotlight para na rin maprotektahan namin si JA sa mga mapanghusgang tao. Madami pa naman ang nag ooffer sa amin ni Jade ng proyekto dahil hindi parin tumitigil ang mga tagasuporta namin na sana magkaroon kami ng movie man lang. Pero mas pinili ni Jade na tanggihan lahat ng offer dahil mas gusto niyang magfocus nalang sa akin at kay baby JA.
Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Maganda na maasikaso pa. Kaya naman lahat ng pagmamahal na pwedi kong ibigay sa kanya ay ibinigay ko na.
"Lab, halika na." Tawag ulit ni Jade.
"Yes lab, papunta na." Sagot ko naman habang naglakad ako patungo sa hapag kainan.
Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay umupo ako kaharap si Jade.
"Wow, sarap ng ulam natin lab." Sabi ko.
"Syempre naman, niluto ko yan with love eh." Sabi niya habang nakangiti sa akin.
"Kaya naman mahal kita eh. Kasi perfect wife ka na nga eh, super lambing pa." Sabi ko.
"Hay naku lab, baka naman sinasabi mo lang yan kasi may pabor kang hihilingin sa akin eh." Pagbibiro niya.
"Lab naman, kailan pa ba natin sundan si JA, kailangan na niya ng kalaro." Nakangiti kong sagot.
"Si JA ba talaga ang kailangan ng kalaro o ikaw?" Pilya niyang tanong.
"Lab, ano ka ba. Huwag mo nga akong ipahiya sa harapan mo." Sagot ko habang nakangiti din.
"Kumain na lang tayo lab, kung anu anon yang iniisip mo eh." Sabi niya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam si Jade sa akin na mag grocery daw siya kaya naman sinamahan ko na siya. Ayokong siya lang mag isa habang dala dala niya si JA.
Nasa daan kami habang nagchecheck si Jade ng grocery list.
"Lab, kailan pala tayo luluwas?" Tanong niya.
"Hmm,ikaw gusto mo bang bumisita kina Mommy bukas?" Sagot ko.
"Sana lab eh, kasi tumawag si Mom, namiss niya daw si baby eh." Sagot niya.
"Sige pabook ka nalang ng ticket mamaya ha, at luluwas tayo bukas, tamang tama din bibisitahin ko ang coffee shop." Sagot ko.
"Talaga lab?" Sagot din ni Jade.
"Oo, ikaw lang naman ang inaantay ko na magsasabi sa akin na luluwas tayo eh." Sagot ko.
"Medyo nabored lang siguro ako sa bahay lab." Sabi niya.
"Gusto mo ba sa Manila muna tayo titira?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya.
"Sige tatawagan ko nalang sila Nanay sila na muna ang bahala sa bahay." Sagot ko.
Niyakap ako ng mahigpit ni Jade.
"Salamat lab." Sabi niya.
"Gagawin ko lahat para sayo lab." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.