We belong together...
Unti- unti nang bumabalik ang alala ni Althea. Pagkalabas niya sa hospital ay sabay kaming pumunta sa psychiatrist at sa awa ng Diyos ay nakatulong iyon nang malaki sa amin.
"Althea saan mo gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya.
"Jade, gusto kong puntahan si DR." Sabi niya.
"Okay, saan ba siya ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa bahay nang boyfriend niya." Sagot niya.
"Boyfriend?" Pag uulit ko.
"Oo taman ang dinig mo Jade. Boyfriend." Sagot niya.
"Si DR ay isang gay?" Tanong ko.
Tumanga lang si Althea.
Habang nasa daan kami ay iniisip ko kung bakit noon diko man lang napansin na bading pala siya sana pala hindi na ako nagseselos sa kanya.
"Jade." Tawag sa akin ni Althea.
"Bakit Althea?" Sagot ko sa kanya.
"Nalaman ko lang na bading si DR days after our wedding. Nakiki usap siya sa akin na huwag ko nalang daw siyang hiwalayan kasi payag naman daw siyang ipagpatuloy natin ang relasyon natin." Sabi niya.
Tumawa ako.
"What? At gagawin niya akong Mistress?" Tanong ko kay Althea.
Ngumiti siya.
"Kaya nga sabi ko sa kanya na hindi ka papayag sa ganoong sitwasyon, kilala kita Jade." Sabi niya.
"Hindi talaga, kasi Althea sa mata ng maraming tao at sa pamilya niyo legal kayo na mag asawa." Sabi ko.
"Yes, I know. Kaya nga lagi kami nag aaway noon kasi hindi niya ako maintindihan. Gusto niya kasi gawin akong front sa pamilya niya." Sabi niya.
"Eh, kasi ang akala niya pagbibigyan mo siya. Ang di lang niya alam na kahit ganyan ka may paninindigan ka padin." Sabi ko.
"Bakit Jade, ano pala ako?" Tanong niya.
Natahimik ako.
"Althea, ikaw yung tao na duwag pero may paninindigan. Duwag ka pagdating sa mga taong mahal mo pero kapag sa tingin mo mali ang ipagawa sa'yo kahit na sino pa yang nakiusap sa'yo ay hindi mo talaga ito pagbibigyan." Sabi ko.
"Wala akong paninindigan Jade." Sabi niya.
"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko.
"Kasi kung meron pa, hindi sana tayo aabot sa ganito, sana noon pa tayo naging malaya." Sagot niya.
"Iba ang sitwasyon natin Althea, saka huwag mo na ngang isipin ang nakaraan. Patawarin na natin ang mga sarili natin at mag move on na tayo." Sabi ko.
"Mahal na mahal kita Jade." Sabi niya.
"Mahal na mahal din kita Althea." Sagot ko sa kanya.
Narating na namin ang inuupahang condo ni DR. Naglakad kami patungo sa elevator nang makasulobong namin sa lobby si David Ang. Ang ex- ni Rhian.
"David? What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.
"Ja..Jade.. Althea?" Tanong din niya sa amin.
"Bakit kayo nandito?" Sabi niya.
"Yan din yung tanong ko sa'yo David." Sabi ko.
"Babe, glad you're still here." Sabi nang pamilyar na boses sa likuran ni David.
At nakita kong si DR iyon.
"DR?" Tanong ko. Habang palipat lipat ang tingin ko sa dalawang David na nasa harapan ko ngayon.
"Jade, please kung maari hanggang sa atin lang itong nalalaman niyo ngayon." Paki usap ni David sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Don't worry safe ang secreto niyo sa amin. Rigth Althea?" Sabi ko kay Althea habang nakangiti.
"Yes, walang problema sa amin yun." Sagot niya.
Habang nag uusap si Althea at DR tungkol sa isang property nila sa London ay hinarap ko naman si David.
"So, matagal na kayo?" Tanong ko habang tiningnan ko si David.
"Magtwo months." Sagot niya.
"Sa dinami dami na naging girlfriend mo kay DR ka lang napunta." Sabi ko.
"Yes, hindi ko rin alam kong bakit Jade." Sagot niya.
"Noong una aaminin ko nangdidiri ako sa mga katulad niyo. Yung tingin ko sa mga kagaya niyo noon ay isang nakakadiri at nakakahawang sakit." Dagdag niya.
"Then.." sabi ko.
"Then,.. one night. Galit na galit ako sa sarili ko that time kaya nagpunta ako sa bar. Doon nilunod ko ang sarili ko sa alak. Lahat nang frustation sa failed relationships ko ay hinahaunting ako. Kaya halos gabi gabi umiinum ako. Hanggang sa gabing iyon." Sabi niya.
"Kwento mo lang." Sabi ko.
"Yun nga, nakita ako ni DR. Di na ako halos makatayo that time. Kaya naman tinulungan niya ako at inuwi niya ako dito sa condo niya. Kinabukasan naalala ko pa kung paano ko siya pinangdidirihan sa kabila ng tulong niya sa akin." Sabi niya.
"Tapos." Sabi ko.
"Kaya simula noon ay pinilit kong kalimutan na nangyari iyon. Pero habang pinipilit ko ang sarili ko na kalimutan ko siya ay lalo naman siyang hinahanap ng puso ko." Sabi niya.
"Ngayon naintindihan ko na kung bakit pinili ni Rhian si Glaiza over me. Kasi ito pala ang klase nang pagmamahal na sobrang complicated pero special siya." Dagdag niya.
"Tama ka David. Sa kanila lang natin makita ang pagmamahal na hinahanap natin. Yung tipong pagmamahal na kahit madami ang tutol ay mas lalong lumalakas." Sabi ko.
"Yes Jade. Nakakatawa lang diba? Ako na dati nangdidiri sa ganitong klaseng relasyon noon. Sinong mag aakala na ganito din palang klaseng relasyon ang magpapasaya sa akin ngayon." Sagot niya.
"Kaya nga may kasabihan na huwag mong husgahan kung ano man ang piniling landas ng taong nakakasalamuha mo kasi sa bawat desisyon na ginawa nila ay mayroong nakatagong storya na tsaka mo lang maintindihan kung iyo naman itong napagdaanan." Sagot ko.
"Tama yan Jade. Nakarma nga yata ako eh." Sabi niya.
"Hindi yan karma David ang tawag diyan nagpakatotoo ka lang sa sarili mo." Sabi ko.
"Siguro nga noon ganito na talaga ako pero ayaw ko lang siyang tanggapin dahil na rin sa family tradition namin. Pero ang diko alam na habang iniiwasan ko ito ay mas lalo itong lumalapit sa akin." Paliwanag niya.
"Siguro nga, kasi hindi ka naman magkakagusto nang katulad mong lalaki kung hindi ka ganyan eh." Sagot ko.
"Jade, baguhan ako sa relasyong ito pero nakikita ko na talaga na siya na ang gusto kong makasama habang buhay." Sabi niya sa akin habang nakatingin siya kay DR.
"Wala namang pinagka iba yung relasyon natin sa mga normal na relasyon David. Kailangan lang malakas ang loob mo kasi madami ang manghuhusga sa'yo at kabilang na dun ang mga magulang mo, kapatid mo at ang mga kaibigan mo. Dito mo malalaman kong sino talaga ang totoo mong kakampi. Kasi kahit hindi mo man aminin isang gyera itong pinasok natin David. Gyera laban sa taong minamahal natin at sa mga taong minahal na natin." Paliwanag ko sa kanya.
"Jade, kinakabahan ako sa sinasabi mo." Sabi niya.
"David, huwag ka nang kabahan. Alam kong alam mo na sa oras na malaman ng lahat ang tungkol sa inyo. Diyan na magsisimula ang gulo. Pamilya mo laban kay DR. Pamilya ni DR laban sa'yo idagdag mo pa mga kapatid ang ang buong angkan mo David. Kaya payo ko sa'yo. Mag ipon kana nag lakas nag loob mula ngayon." Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.