C3

1.7K 74 13
                                    


Ang sakit sakit ng ulo ko ng magising ako. Grabe ngayon lang ako nalasing ng sobra sa buong buhay ko. Bumangon ako ng napansin kong wala na pala si Althea sa tabi ko. Naglakad ako patungo sa banyo at naghilamos ako. Pagkatapos ay lumabas ako sa kuwarto.

Nadatnan ko sa may kitchen si Althea habang may kinakausap sa phone. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran.

"Good morning Althea." Bati ko sa kanya.

"Morning Jade." Bati rin niya sa akin sabay halik sa labi.

"Here, magkape ka muna para mawala yang hang over mo." Dagdag niya habang inabot niya sa akin ang tasa ng kape.

"Thanks." Sabi ko sabay kuha sa tasa.

"Jade magready kana after this ha? Dapat maaga tayo sa airport." Sabi niya.

"Ngayon ba tayo aalis Althea?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, bakit dimo ba nabasa yong nakalagay dun sa plane ticket?" Sagot niya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi eh, kasi sobrang excited ako kahapon." Sabi ko.

"Ah, okay lang." Sabi niya.

Tumalikod siya at may kinuha siya sa bulsa niya.

"This is for you Jade." Sabi niya sabay abot sa akin ng susi.

"Para saan ang susi na to Althea?" Tanong ko sa kanya.

"Susi yan ng bahay natin sa Siargao." Sagot niya.

Ngumiti ako dahil sa wakas matatawag ko na talaga ang sarili ko bilang Mrs. Guevarra kasal nalang ang kulang sa aming dalawa ni Althea. Pero naisip ko hindi pa pala nagpropose si Althea sa akin, baka naman hindi pa siya ready.

"Jade? Nakikinig ka ba?" Tanong niya.

"Pardon?" Sagot ko.

Ngumiti siya.

"Ayan, lagi mo kasi akong iniisip eh, kaya ka nawawala sa sarili mo. Ang sabi ko nakaready na ang mga gamit natin all you have to do is prepare yourself." Sabi niya.

"Nakaempake na tayo?" Paglilinaw ko.

"Opo, kasi habang lasing na lasing ka eh wala kasi akong magagawa kaya nag empake nalang ako." Sagot niya.

"Ang swerte ko talaga sa asawa ko." Paglalambing ko sa kanya.

"Mas maswerte ako sa'yo Jade." Sagot niya.

Pagkatapos kong magkape ay nagpalipas muna ako ng ilang sandali bago ako ngshower. Nauna ng magshower si Althea, natutukso akong sundan siya sa loob kaso naunahan niya ako. Tapos na siyang maligo.

"Tapos kana?" Tanong ko.

"Oo,kaya ikaw pumasok kana sa loob at baka matraffic tayo." Sabi niya.

"Ano pa nga bang magagawa ko. Eh nasa labas kana eh. Bobusuhan sana kita." Pagbibiro ko.

"Loko loko ka talaga Jade. Bilisan mo na nga." Nakangiti niyang sabi.

Nakalapag na ang eroplano dito sa Autralia. At palabas na kami ng airport patungo sa hotel na tutuyan namin. Napansin kong busy si Althea sa cellphone niya.

"Althea sino yang kachat mo?" Tanong ko.

"Wala si Bachi lang." Tipid niyang sagot.

"Nangangamusta lang." Sagot niya.

Tumango lang ako sa kanya. Iba ang kinikilos ni Althea ngayon. Sabi ko sa sarili ko.

Nakarating na kami sa hotel pero busy pa din si Althea sa cellphone niya.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon