Day 1...
Ngayon ang unang araw nang eksena namin ni Jade. Kinakabahan ako kasi kanina ko pa nahahalata na ayaw niya akong kausap, pinipilit kong makipag-usap sa kanya pero ang titipid nang mga sagot niya sa akin.
"Althea halika na dito." Tawag sa akin ni direk.
Naglakad ako papunta sa kanila at nakita ko si Jade na nagbabasa na ng mga linya niya. Hanggang sa nagsalita siya.
"Direk pwedi bang mag adlib sa eksenang ito?" Tanong niya.
"Pwedi Jade,kung saan ka komportable or kung ano sa tingin mo ang nararapat mong sabihin." Sabi ni derik. "Ganun ka din Althea ha. Galingan niyo." Sabi ni derik.
Ang eksena namin ay tungkol sa break up na nangyayari few years ago at pinagtagpo ang dalawang mag ex-lover sa isang event. At nagpapaliwanag ang isang ex kung bakit niya nagawa yun. So ganito ang eksena.
Sa kalagitnaan nang event ay nagkrus ang landas nang dalawang mag ex na sina Zoe at Bea. "Aksyon!" Dinig kong sabi ni derik.
Naglalakad si Bea nang mabangga niya si Zoe.
"Oppss! So..." pero hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita niya kung sino ang nakabangga niya.
"Zoe?" Laking gulat niya.
"Bea?" Sagot naman ni Zoe.
"Kamusta ka?" Tanong ni Bea.
"Heto, mabuti at maayos." Sagot ni Zoe habang nakatitig kay Bea.
"Ikaw kumusta ka? Balita ko masaya kana sa piling nang bago mo ngayon?" Sabi ni Zoe.
Nagtataka si Althea sa katagang binitawan ni Jade, ang alam niya hindi ganyan ang nasa script. Pero ayaw naman niyang isipin ni Jade na defensive siya kaya naman sinabayan niya eto.
"Saan mo naman nakuha nag balitang yan Zoe." Sagot no Bea na may lungkot ang ngiti.
"Kilala mo naman ang mga tsismosa Bea kahit ayaw mong makibalita eh, dinadalhan ka pa din nila. Masaya ako at masaya kana sa buhay mo ngayon." Sabi ni Zoe.
"Sa tingin mo ba masaya ako ngayon Zoe?" Tanong ni Bea.
Hindi agad nakasagot si Jade.
"Kung ako ang tatanungin mo. Masasabi kung masaya ka na." Sagot no Zoe.
"Huwag kang papabulag sa mga nakikita mo Zoe. Dahil hindi lahat nang ngumingiti ay masasaya. At hindi lahat nang masasaya ay ngumingiti." Banat ni Bea.
"Bea, huwag mong iparamdam sa akin na nagsisisi ka sa pag iwan mo sa akin noon kasi sa totoo lang kagustuhan mo yun." Sagot ni Zoe.
Tama nga ang hinala ni Althea true to life na ang ginagawa ni Jade. Kaya naman pinagapatuloy niya pa din itong sakyan.
"Paano kung sasabihin ko sayong isa yun sa pinaka maling nagawa ko at pinagsisihan ko yun hanggang ngayon. Maniwala ka kaya?" Sagot ni Bea.
"Paano ako maniniwala sa'yo kung ikaw mismo nililinlang mo ang madaming tao sa tunay mong pagkatao." Sagot ni Zoe.
"Pero Zoe, lahat nang ginagawa ko may dahilan sana maintindihan mo yun." Sabi ni Bea.
"Kung ano man ang dahilan mo noon Bea, sa tingin mo ba matatanggap ko yan ngayon? Iniwan mo ko noon dahil napagod kana. Tapos ngayong nagkita tayo sasabihin mong may dahilan?" Huwag mong pagtakpan ang iyong kaduwagan Bea." Sabi ni Zoe.
"Zoe, bakit ang laki nang galit mo sa akin? Hindi ba natin pweding ulitin ang dating pinagsamahan natin?" Tanong ni Bea.
"Uulitin? Para ano Bea? Para pagdating nang panahon ang puso ko ay iyo namang wawasakin? Hindi ka pa ba nakontento noong iniwanan mo ako?" Maluhaluhang sagot ni Zoe.
"Zoe, sabi ko sayo iniwanan kita noon dahil may dahilan. Sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Sa tingin mo ba puso mo lang ang nasusugatan?. Tignan mo ako Zoe, buksan mo ang puso mo at makikita mong hindi pa naghihilum ang sugat ko dito." At kinuha ni Bea ang kamay ni Zoe at inilagay iyon sa bandang dibdib niya.
"Cut!" Sigaw ni derik.
"Good job Jade and Althea. Ang gagaling nang mga linyang binitawan niyo pareho." Sabi ni derik.
Kinuha naman ni Jade ang kamay niya na kanina ko pa hinahawakan. At naglakad siya papunta sa upuan niya. Sinundan ko lang siya nang tingin.
"Althea!" Tawag sa akin ni Ate Cris. Nilingon ko siya at nakita kong nandito pala si DR (David Rainey). Lumapit ako sa kanila at hindi ko akalaing yayakapin ako ni David.
"I miss you Althea." Sabi niya. Tinapik ko lang siya sa balikat at bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Nilingon ko si Jade pero wala na siya sa inuupuan niya.
"So Althea after nang eksena niyo ngayon. Mag dinner daw tayo sa labas sabi Ate Cris." Tumango lang ako bilang sagot. Habang hinahanap na mga mata ko si Jade. At di nagtagal ay nakita ko siyang papunta na sa upuan niya na medyo namumula ang mga mata. Nasaktan ako sa nakita ko ngayon. Kaya naman pinilit kong dumistansya kay David na hindi mahahalata niya at ni Ate.
May eksena pa sana kami ngayon. Pero kinausap ni Jade si derik na baka pweding ibang cast na muna ang kukuhanan nang eksena kasi masama daw pakiramdam niya. At nakita ko nalang na umuwi na sila nang mga kasamahan niya.
"Anong nangyayari kay Jade derik?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong.
"Masama daw pakiramdam ni Jade and mukhang may problema siya now. Hindi daw niya kayang madeliver ang next eksena." Sagot ni derik. Tumango lang ako. Kasi alam kong apektado siya sa pagdating ni DR nagyon.
"Althea, ano daw bang nangyari kay Jade?" Tanong ni Ate Cris.
"Masama daw pakiramdam niya te." Sagot ko sa kanya.
"Bigla, biglang sumama amg pakiramdam? Eh, maayos naman siya kanina ah." Sagot ni te Cris.
"Baka naman po, pinipilit niya lang sarili niya kanina na magiging okay. Tsaka napansin ko din kanina habang kinukuha namin ang eksena namin eh iba na ang boses niya." Pagsisinungaling ko.
"Ganun ba, eh. Tawagan mo. Sabihin mo inum kamo siya nang gamot." Dagdag ni te Cris.
"Itetext ko nalang siya te." Sagot ko. At nagkunwari akong itext siya para hindi na madami tanong si Ate.
"Ano nga pala ginagawa ni DR dito te?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa ba obvious sa'yo? Sinusundo ka Althea. Normal lang yan sa mga lalaking nanliligaw." Sagot niya sa akin.
Napailing lang ako. Kasi sa totoo lang alam ko naman na si Ate ay nagpapunta kay DR dito eh. Sila lang naman kasi ang may gusto kay DR para sa akin. Bumuntong hininga ako. Paano ko pa ba mapapatunayan kay Jade ang sarili ko kung laging nakabuntot sa akin ang lalaking ito. Mas lalo akong mahihirapang makuha muli ang loob ni Jade. Knowing na mensahe yung mga adlib niya sa eksena kanina. Kung sa iba normal lang na mga linya iyon. Pero para sa akin mensahe iyon na nagsasabing hanggang ngayon ay galit na galit pa din siya sa akin at ramdam kong hanggang ngayon ay nagdurusa pa din siya sa pang iiwan ko sa kanya noon.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.