YyyyyyYyyy....
Dumating ang oras na naalala ko na ang lahat nang nangyari sa akin. Mga magulang ko. At higit sa lahat kung saan ako sa gabing nangyari ang aksidente.
Nasa hospital ako noon kasi binisita ko si Jade. At natatandaan ko na ang huling sinabi sa akin nang kanyang Mommy. Hiniling niya na ako na ang kusang lumayo kay Jade at gagawin ko na sana iyon kung hindi lang ako nabundol ng sasakyan noon.
At ngayong nagbalik na ang ala ala ko ay hindi ko pweding hindi tuparin ang kahilingan niya. Tama nga naman ang Mommy niya. Kung lalayo ako kay Jade ay wala nang mananakit sa kanya.
Naglaho nalang akong parang bula. Kahit pamilya ko ay hindi nila alam kong saan ako naroroon ayoko nang ipaalam sa kanila para naman hindi na sila masasaktan ng sobra.
"Amigah, ilang taon na ba tayong nagtatago dito?" Tanong sa akin ni Angge.
"Limang taon na amigah." Sagot ko sa kanya.
"Matagal tagal na din pala. Wala ka na bang balak magpakita sa kanila?" Tanong niya.
"Meron naman pero hindi pa ngayon." Sabi ko.
"Kailan pa amigah? Hindi na ako magkakaboyfriend niyan eh." Pagbibiro niya.
"Huwag ka nang magboyfriend amigah, lolokohin ka lang ng mga yan." Sabi ko.
"Ang bitter mo. Bakit mo nasabi yan?" Tanong niya.
"Kasi yun naman talaga ang totoo diba?" Sagot ko.
"So ako na yung laging napag iwanan ngayon?" Sagot niya.
"Hmmm..oo diba nga last boyfriend mo, iniwan at pinagpalit ka sa anak ng isang negosyante sa Cebu?" Sabi ko.
"Eh, di hamak na mas maganda naman ako dun." Sabi niya.
"Kung maganda ka di sana hindi ka niya inawanan." Sabi ko.
"Althea ano ba, nananadya ka na ah." Sabi naman ni Angge.
Tumawa lang ako sa kanya kasi napapansin ko na parang ang bitter ko na ngayon kapag pag ibig na ang pinag uusapan.
Tumunog ang cellphone ko at si DR ang tumawag. Sinagot ko ito.
"Yes, DR?" Sabi ko.
"Hey, Althea can I ask some favor?" Sabi niya.
"Sure, ano ba yun?" Sabi ko.
"Please sing for me during my birthday." Sabi niya.
"David, I can't do that." Sabi ko.
"Althea please for the sake of our friendship." Paki usap niya.
Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita.
"Okay, kailan ba birthday mo? Tanong ko.
"Bukas po." Sabi niya na medyo pa slang.
"Saan gaganapin?" Tanong ko ulit.
"In my place." Sagot niya.
"Okay, bukas punta ako diyan." Sabi ko.
Tiningnan ko si Angge nang makahulugan.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong niya.
"Feeling ko amigah magkasabwat kayo ni DR." Sabi ko.
"Althea, feeling mo lang yan." Sagot niya.
"Isa pa, hindi kami close nang ex-husband mo amigah." Dagdag niya.
"Huwag na nga nating pag usapan yan." Sabi ko.
"Bukas nga pala punta tayo sa Luzon kaya magbook kana ng ticket natin amigah." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomansaTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.