L

1.7K 86 25
                                    

Love....

Pagkatapos nang birthday ko ay saka ko pa pinuntahan si Althea. Nasa probinsya pala siya kasama ang nakababata niyang kaibigan na si Angge. Sinundo nila ako sa terminal ng bus at dumeretso kami ss bahay ni Angge.

Mag isa lang si Angge sa bahay niya dahil wala daw umano dito sa bansa ang mga magulang niya.

"Jade, pagpasensayahan mo na ang bahay namin ha?baka kasi hindi ka komportable dito eh." Sabi ni Angge.

"Huwag mo akong alalahanin Angge sanay ako sa ganitong pamumuhay." Sagot ko sa kanya.

Tiningnan niya si Althea at nagsalita siya.

"Amigah, iwanan ko muna kayong dalawa ha? Mukhang kailangan niyo kasi talagang mag usap eh. Jade labas muna ako." Sabi niya habang nakangiti.

Tumango lang ako at si Althea din. Pagkalabas ni Angge ay lumapit si Althea sa akin.

"Jade, patawarin mo na ako." Sabi niya.

"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at hindi mo  sinipot yung boyfriend mo?" Nakasimangot kong tanong.

"Jade, hindi ko kayang magpakasal kay David. Ikaw ang mahal ko." Sabi niya.

"Sana man lang kinausap mo si David nang masinsinan diba? Siguro naman maiintindihan niya yon diba?" Sabi ko.

"Nawala na sa isip ko Jade, kasi sobrang praning na ako kakaisip kong paano ko sila matatakasan eh." Paliwanag niya.

"So ano Althea? Magtatago ka nalang dito? Hanggang kailan mo balak magtago dito ha?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, sa ngayon gusto ko lang muna makahinga sa kanila Jade. Ayoko muna silang makita." Sagot niya.

"Hindi mo ba alam? Nakabandera ang mukha mo sa mga pahayagan? Mabuti nalang at hindi ipinaalam sa publiko nang Nanay mo na ikakasal ka, kasi pag nagkataon pinagpipyestahan na ang pangalan mo ngayon." Sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at nakatitig lang siya sa akin. Pagkalito, lungkot at guilty ang makikita ko sa mukha ni Althea ngayon. Sa totoo lang naawa ako sa kanya pero mas nanaig ang pag alala ko sa posibleng mangyari. Malapit na kaming bumalik sa trabaho at hindi naman pweding hindi magpakita si Althea kasi hindi pa tapos ang proyekto namin.

"Jade, magpakalayo layo na tayo." Bigla niyang sabi.

"Ano? At saan mo naman balak pumunta?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit saan Jade, basta malayo sa kanila." Sagot niya.

"Althea,hanggang kailan ka ba magtatago? Sa tingin mo ba solusyon sa problema mo yang naiisip mo?" Sabi ko sa kanya.

"Jade, ito lang ang paraan para makasama kita. Ang lumayo at magtago sa kanila." Sagot niya habang may namumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"Althea naman lumaban ka naman paano nalang kapag kailangan mo akong ipaglaban? Ano ng gagawin mo?" Sabi ko.

Pero nabigla ako sa sinagot niya sa akin.

"Jade, hindi mo talaga ako maintidihan ano? Sana naman maintindihan mo na hindi lahat ng tao kagaya mo. Hindi lahat ng tao kayang gawin ang gusto mo." Sagot niya sa akin.

"Althea bakit ka ba nagagalit? Sinasabi ko lang sa'yo kung ano yung sa tingin ko ang tama. Huwag mo naman akong pagtaasan ng boses." Sabi ko habang tinitimpi ko ang galit ko.

"Tama? Ikaw naman talaga lage ang tama Jade eh. Lahat nalang ng ginagawa ko ay mali para sa'yo diba?" Sagot niya.

Tumalikod ako sa kanya at hinayaan kong umagos ang mga luha ko. Hindi ko na kaya ang ganito. Mahal ko si Althea oo pero hindi naman pweding lagi nalang kaming ganito eh. Gusto ko lang naman sanang itama niya ang mga pagkakamali niya pero ako pa tuloy ngayon ang napasama. Umiyak ako hanggang sa naibuhos ko lahat nang sakit na nasa dibdib ko.

Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran.

"Jade, tama na huwag ka nang umiyak please. Ayokong nakikita kang nagkaganyan." Sabi niya habang nakayakap siya sa akin.

Pero hindi ko siya sinagot. Ayoko nang magsalita kasi wala na akong masasabi pa. Buo na ang pasya ko. Hindi siya matututo kong hindi ko siya tuturuan ng leksyon. Hinarap ko siya.

"Althea mahal mo ba talaga ako?" Unang tanong ko sa kanya.

"Jade anong klaseng tanong yan? Alam mo namang mahal na mahal kita eh." Sagot niya.

"Okay, so kung talagang mahal mo ako Althea maiintindihan mo kung sakaling may mabuo akong desisyon ngayon." Sabi ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo at tinignan niya ako nang seryoso.

"Jade ano ba yang pinagsasabi mo." Sabi niya na parang nakakahalata na siya sa nasa isip ko.

"Althea matagal ko nang gustong ipagawa sa'yo ito eh. Pero hinding hindi mo kasi magawa talaga." Sabi ko habang umiiyak.

"Jade magagawa ko naman yan eh. Bigyan mo lang ako nang saktong panahon." Sagot niya habang tumutulo nadin ang mga luha sa mata niya.

"Matagal nang panahon ang ibinigay ko sa'yo Althea. Kaya tama na siguro yun." Sabi ko.

"Jade, huwag ka namang ganyan Jade nakiki-usap ako sa'yo konting panahon pa please." Pagmamakaawa niya.

"Hindi naman kasi pwedi sa'yo lang ang lahat ng panahon Althea eh. Sapat na siguro ang mga panahong ibinigay ko sa'yo." Sabi ko.

"What do you mean Jade?" Tanong niya sa akin.

"I'm breaking up with you Althea." Plain kong sagot.

"Jade no, hindi ako papayag." Sabi niya habang nakaluhod siya sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan." Sabi ko sa kanya habang inalalayan ko siyang tumayo.

Niyakap niya ako ng mahigpit at iyak siya ng iyak.

"Jade maawa ka naman sa akin. Ikaw nalang ang natitira sa akin eh." Sabi niya.

"Althea mahal kita kaya para din sa iyo itong ginagawa ko." Sagot ko.

"Jade hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." Sagot niya.

"Kayanin mo Althea kasi hanggat hindi ka natututo sa buhay, ay hindi ako babalik sa'yo." Sabi ko sa kanya.

"Jade please konting panahon nalang." Pakiusap niya.

Pero hindi na ako sumagot at dahan dahan kong kinuha ang mga kamay niya na nakayakap sa akin. Tumalikod ako sa kanya.

"Tandaan mo Althea, kung gusto mong maging tayo muli. Ayusin mo muna ang sarili mo. Harapin mo ang mga problemang tinakasan mo. Yan lang ang paraan para bumalik ako sa'yo." Sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot sa halip ay iyak lang siya ng iyak. Naglakad ako palabas sa kuwarto at nakita ko si Angge na naghahanda ng meryenda namin sa may sala.

"Jade? Halika na kain tayo." Sabi niya habang nakangiti.

"Aalis na ako Angge, salamat nga pala sa pagpapatuloy mo sa akin dito." Sagot ko sa kanya.

"Aalis kana? Eh kakarating mo palang diba?" Sabi niya na mukhang nagtataka.

"Binisita ko lang si Althea dito at mukha naman nasa mabuti siyang kalagayan eh. Kaya wala ng rason para magtagal ako." Sagot ko.

"Pero Jade, ang akala ko dito ka din mag stay muna." Sabi niya.

"Hindi Angge, hindi ko kasi ugaling takbuhan kong ano mang problema ang dumating sa akin eh. Isa pa magsisimula na din kasi ang trabaho ko sa susunod na araw." Paliwanag ko sa kanya.

"Ikaw na munang bahala kay Althea Angge. Alagaan mo nalang siya. Ikaw nalang ang maaasahan niya sa ngayon." Sabi ko.

Lumapit ako kay Angge at niyakap ko siya. Pagkatapos ay bumaba ako sa hagdanan at umalis ako ng tuluyan sa bahay niya. Masakit para sa akin ang ginagawa kong ito. Pero ito lang ang paraan para harapin ni Althea ang realidad, kung gusto niyang magkabalikan kami ay gagawin niya ang tama para sa kanya.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon