K

1.7K 94 5
                                    

Keen...

Ilang araw ng nawawala si Althea at isa ako sa pinagdududahan nang Nanay niya na itinago ko daw siya. Masaya ako kasi hindi natuloy ang kasal nila ni DR pero malungkot din ako dahil hindi man lang siya tumawag sa akin. Althea saan ka na ba. Pagtatanong ko sa isip ko.

"Jade, sino na naman iniisip mo?" Tanong ni Sally sa akin.

"Si Althea Sal, hindi ko kasj alam kong nasaan na siya ngayon eh. Dalawang linggo na siyang nawawala at sa akin siya hinahanap nang Nanay niya." Sagot ko.

Tumingin siya sa akin.

"Yung totoo Jade, wala ka ba talagang alam kung nasaan si Althea?" Tanong niya.

"Sal, mag alala ba ako sa kanya kung may alam ako?" Sagot ko sa kanya.

"Sabagay, pero yung Nanay niya grabeh Jade sayo talaga hinahanap ang anak niya?" Dagdag niya habang nakangiti.

"Hayaan mo na Sal, nag alala din yung Nanay niya eh. Tsaka nahihiya din yun sa ginawa ni Althea biruin mo naman galing pang London ang mga magulang ni David tapos umalis siya bago sila ikasal." Paliwanag ko kay Sally.

"Mabuti nga at hindi natuloy ang kasal nila." Sabi ni Sally sa akin.

"At bakit mo naman nasabi yan ha?" Tanong ko sa kanya.

"Hay naku Jade,kunwari ka pa eh, alam ko namang natutuwa ka din eh. Syempre masaya ka atleast may pag asa pa kayo ni Althea." Sabi niya.

"Ewan ko sa'yo. Hindi na nga nagpaparamdam yung tao eh, siguro naduduwag na naman yun." Sagot ko sa kanya.

Nang biglang tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko ito ay hindi nakarehistro ang numerong tumatawag sa akin. Hindi ko ito sinagot.

"Bakit di mo sagutin Jade?" Tanong ni Sally.

"Hindi kasi nakarehistro Sal eh, hindi ko naman ugaling sumagot nang hindi nakarehistro." Tugon ko sa kanya.

"Naku Jade,baka si Althea yan." Sabi ni Sally.

Baka nga si Althea ang tumatawag sabi ko sa isip ko. Sasagutin ko na sana ito pero hindi na ito tumawag pa. At nang subukan ko itong tawagan ay nakapatay na ang cellphone nito.

"Hindi ko na makontak Sal." Sabi ko sa kanya.

"Sino kaya yon Jade?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam baka naman nagkamali lang ng pindot ng numero Sal." Sabi ko.

"Baka nga, maiba pala tayo Jade, anong gagawin mo sa birthday mo?" Tanong niya sa akin.

Tama birthday ko na pala bukas, hindi ko man lang naalala.

"Wala Sal, magsisimba lang ako tapos family dinner nalang siguro. Tatawagan kita bukas kong saan kami magdidinner ha?" Sabi ko sa kanya.

"Huwag na family dinner nga diba? Nakakahiya naman." Sabi niya.

"Ano ka ba, kapamilya kana namin Sal, isa pa matutuwa si Mom kapag andun ka bukas." Sagot ko sa kanya.

"Hmmm,pag iisipan ko." Sabi niya.

"Ay ang oa naman, pag iisipan talaga?" Sabi ko habang nakangiti.

Sasagot na sana si Sally nang biglang tumunog ulit ang cellphone ko. This time sinagot ko na agad.

"Hello, sino to?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Ja..Jade, si Althea to." Sabi niya.

"Althea?!" Pasigaw kong sagot habang nakatingin ako kay Sally na ngayon ay abot tenga ang ngiti.

"Oo Jade, please pumunta ka sa lugar na itetext ko sa'yo." Sabi niya.

"So ganun ganun na lang Althea? Tatawag ka tapos sasabihin mo puntahan ko ang lugar na itetext mo? Ano wala bang kumusta kana diyan Jade o buhay ka pa ba diyan Jade?" Galit kong sabi.

"Jade, sorry na alam ko naman nag aalala ka eh. Patawarin mo na ako." Sagot niya sa kabilang linya.

"Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at bigla ka nalang umalis ng hindi man lang nagpapaalam? Alam mo ba na sa akin ka hinahanap ng Nanay mo? Ano ako Althea? Lost and found both?" Sabi ko habang pinipigilan ko ang galit ko.

"Kung aalis ka naman pala at hindi ka magpapakasal doon sa ungas mong boyfriend na gustong gusto ng Nanay mo sana man lang sinabi mo sa kanila ang plano mo." Dagdag ko.

"Jade, naglayas nga diba? So kailan ka pa nakakarinig ng naglayas na nagpapaalam?" Sagot niya na papilosopo.

"Diyan ka magaling Althea ikaw na nga itong may kasalanan sa akin ikaw pa may ganang mamilosopo sa akin?" Galit kong sabi.

Si Sally naman ay nakatingin lang sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang mukha niya kong nakangiti ba siya o hindi. Pero si Althea ang concern ko sa ngayon.

"Ano Althea, magsalita ka iiwanan mo ko at hinayaan mo Nanay mo na ako yong sisihin nila sa pag atras mo sa kasal niyo. Tapos ngayon tatawag ka parang wala lang nagyari?" Galit ko pa ding sabi.

"Tatanggapin ko lahat ng galit mo sa akin Jade, basta puntahan mo ako sa lugar na itetext ko sa'yo. Wala namang patutunguhan kong mag aaway tayo ngayon eh." Sabi niya.

"Ewan ko sa'yo, naiinis ako sa'yo Althea!" Sabi ko.

"Kaya nga nagsosorry diba? Puntahan mo ako at ipapaliwanag ko sa'yo lahat. Namimiss kita Jade." Sabi niya.

Pero hindi ako sumagot dahil sa totoo lang naghahalong inis,galit,lungkot at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Aaminin ko miss na miss ko na si Althea pero galit ako sa kanya kasi natiis niyang hindi magparamdam sa akin ng ilang linggo. At hinayaan niya lang na ako ang sisisihin ng Nanay niya sa pagkawala niya, pero kahit anong inis at galit pa ang nararamdaman ko sa kanya ay nangingibabaw pa din ang pagmamahal ko sa kanya at ang pagnanasang makita at mayakap siya.

"Sige pupuntahan kita itext mo sa akin kung saan ka naroon." Sagot ko sa kanya.

"Salamat Jade, hihintayin kita dito bukas." Sabi niya sa akin. "Mahal na mahal kita Jade." Dagdag niya.

"Mahal na mahal din kita Althea kahit na lagi mo nalang akong iniiwan pero lintik ka ang lakas mo talaga sa akin." Pagbibiro kong sagot sa kanya.

Naramdaman kong napangiti siya. Kaya naman napangiti na din ako.

"Alam ko naman malakas talaga ako sa'yo eh, pogi ko kaya." Pagbibiro niya.

"Huwag kang pakampante Althea dahil pag ako nagsasawa diyan sa ugali mong lagi nalang tumatakbo sa problema, kahit gaano pa kita kamahal,bibitawan kita." Sabi ko sa kanya sa seryosong tono.

"Jade." Yun lang ang nasagot niya.

"Kaya sa susunod kung may plano ka nanamang tumakbo kapag may problema ka. Wala ka nang babalikan Althea. Tandaan mo yan." Sabi ko.

Pero hindi na siya sumagot sa halip ay pinatay na niya ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman kasi pweding lagi nalang iiwasan ni Althea ang mga problema niya eh, sana man lang maisip niya na hindi solusyon ang pagtakbo ng problema kundi ang harapin ito. Dahil hindi naman maresolba ang problema mo kapag hindi mo ito hinaharap. Siguro sa ngayon natatakasan niya ang Nanay niya at ang kasal niya kay David pero alam ko darating din ang panahon na hahabulin ulit siya nang mga ito. Ayoko naman magtago habang buhay kasama siya gusto kong mamuhay nang malaya yung walang pinagtataguan. Pero magkaiba kami ni Althea, kung ano ang gusto ko siya namang pinaka ayaw niya.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon