Iba na ang Althea na nakilala ko ngayon. Yung dating Althea ay napakalayo na sa kasama ko araw-araw kaya naman mas higit ko pa siyang minahal. Bawat araw ay lagi niya akong pinapangiti kahit na sa simpleng bagay lang kagaya ngayon may surpresa daw siya sa akin.
"Jade ready kana?" Tanong niya.
"Sobrang ready." Sagot ko.
"Okay,lets go." Sabi niya sabay hawak ng aking kamay.
Nakakakilig padin ang ganitong eksena namin ni Althea, yung simpleng hawak lang ng kanyang kamay ay nagdudulot na ng sobrang kiliti sa akin.
Narating na namin ang pinaparadahan ng aming sasakyan at inalalayan niya ako para sumakay.
"Thank you, masyado naman yatang maginoo si Ms. Guevarra ngayon." Pagbibiro ko.
"Ngayon lang ba?" Tanong din niya sa akin.
Ngumiti lang ako at hinalikan ko siya sa labi.
Sumakay na siya at pinaandar niya ang sasakyan.
Habang nasa daan kami ay panay ang sulyap ni Althea sa akin. Kaya naman kilig na kilig din ako pero hindi ko iyon pinapahalata.
"Jade, mas lalo kang gumaganda." Sabi niya.
"Althea, napapansin ko lagi mo nalang akong binobola." Sagot ko.
Ngumiti siya.
"Hindi kita binobola Jade." Sabi niya.
"Ewan ko sa'yo." Sagot ko sa kanya.
Hindi na siya kumibo sa halip ay nakatutok lang siya sa daan.
Ilang oras pa ay dumating na kami sa destinasyon namin.
"We're here." Sabi niya.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
Bumaba siya at pumunta siya sa kabilang side ng kotse at binuksan niya ito.
"Halika na at hinihintay na nila tayo." Sabi niya.
"Tayo?" Tanong ko sa kanya.
Pero hindi na siya sumagot. Naglakad kami papasok sa isang bagong building.
"Althea, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Malalaman mo din yan mamaya." Sagot niya.
Pagbukas nang pinto ay nagulat ako dahil ang daming tao sa loob. May mga reporters pa.
"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko.
Pero pumunta si Althea sa gitna at nagsalita siya.
"Magandang araw sa inyong lahat." Sabi niya.
"Nandito po kayo ngayon dahil gusto ko pong ipaalam sa inyong lahat ang pagbubukas nang bago naming negosyo ni Jade." Dagdag niya.
Nagpalakpakan ang mga bisita.
"At kasabay po ng pagbubukas ng negosyong ito at ay paghingi ko ng pormal kay Jade sa pamilya niya." Sabi niya.
Lumapit siya sa Mommy ko.
"Tita, madami na po akong nagawang kalokohan before pero, nandito po ako sa harapan niyo ngayon para po hingin sana ng pormal sa inyo ang kamay ng inyong anak." Sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Althea hija, matagal ko ng binibigay sa inyo ang blessings ko, basta ipangako mo lang na aalagaan mong mabuti ang anak ko." Sagot ni Mom.
Lumapit si Mom kay Althea at inihatid niya ito patungo sa akin.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.