Jade....
Ang huling tawag ko kay Jade ay hinding hindi ko makakalimutan. Mahal na mahal ko si Jade ganun din ang pamilya ko. Ayokong mamili sa kanila dahil ayokong may masaktan sa kanila. Kung hindi ako kayang intindihin ni Nanay siguro tama na itong gagawin ko. Magpakalayo layo ako sa kanila gusto ko munang hanapin ang sarili ko.
Nasa bus na ako ngayon papuntang probinsya kung saan nakatira ang matagal ko nang kaibigan at kababata ko noon na si Angge. Kahit na minsan lang kami magkausap pero alam kong maaasahan ko siya. Umalis ako kaninang umaga habang tulog pa ang mga tao sa bahay salamat na rin sa kapatid kong si Alcris kasi siya ang naghatid sa akin patungong bus station. Siya lang din ang nakakaalam sa plano kong ito.
Flashback....
Katatapos ko lang tumawag kay Jade, or sabihin nating pinatayan ko ng telepono si Jade kasi hindi ko na kayang marinig ang pag iyak niya, nadudurog lalo ang puso ko. Habang umiiyak ako nang palihim sakto namang may kumakatok. Hindi ako nagsalita pero patuloy pa din ang pagkatok.
"Althea si Alcris to, alam kong gising ka pa. Papasukin mo naman ako please." Sabi niya.
Tumayo ako at binuksan ko ang pinto. Pagkakita ko kay Alcris ay niyakap ko siya at sa kanya ko binuhos ang sakit na nararamdaman ko.
"Althea, alam kong may problema ka?" Sabi niya sa akin.
"Hindi ko kaya ang pakasalan si David Cris." Sabi ko sa kanya.
"Althea, malaki ka na huwag ka nang sunod sunuran kay Nanay." Sabi niya.
"Pero Cris,anong magagawa ko? Ayoko namang may masamang mangyari kay Nanay." Sagot ko habang tinitingnan ko siya.
"Althea naman maniwala ka sa akin walang mangyayari kay Nanay, sinasabi niya lang yun dahil ayaw niya na mapunta ka kay Jade." Sabi niya.
"Pero Cris, mahal na mahal ko si Jade." Sabi ko.
"Alam ko yun Althea, at nakikita ko yun. Ramdam ko din na mahal na mahal ka din ni Jade kasi the way ka niyang tingnan, nakikita ko ang pagmamahal niya sa'yo." Sagot ni Cris.
"Anong gagawin ko ngayon Cris?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw Althea, ano bang gusto mo? Nandito lang naman ako para suportahan ka eh." Sagot niya sa akin.
"Ayokong mamili sa kanila Cris,sa ngayon gusto ko munang lumayo." Sagot ko.
"Ikaw bahala Althea,so ano na ang plano mo ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Cris punta na muna ako sa probinsya tumawag na ako kay Angge doon muna ako magpapalipas ng sama ng loob." Sagot ko sa kanya.
"Kung ano sa tingin mo ang tama para sa'yo ngayon Althea, susuportahan kita, basta mag iingat ka doon ha?" Sagot niya habang nakayakap siya sa akin.
End of flashback...
Huminto na ang bus at nakarating na pala kami sa terminal. Huli akong bumaba para naman iwas sa siksikan ng tao at para din walang makakilala sa akin. Natanaw ko na si Angge sa di kalayuan.
"Amigah!. Kumusta kana?" Masaya niyang bati sa akin habang niyakap ako.
"Namiss kita amigah." Sagot ko sa kanya habang niyayakap ko din siya.
"Ang ganda ganda mo na ngayon amigah ha, dati ang itim itim mo,pero infairness ngayon sobrang malaki na ang pinagbago mo." Papuri niya sa akin.
"Huwag ka ngang sobra diyan amigah, looks ko lang ang nagbago pero yung friendship natin hindi nagbabago yun." Sagot ko sa kanya.
"Kaya nga mahal kita amigah eh kasi, kahit na ang taas na nang narating mo eh down to earth ka pa din." Sabi niya.
"Sus, ano ka ba huwag ka ngang ganyan. Ako parin to okay?" Sagot ko.
Sumakay kami ng tricycle papunta sa bahay nila. Ilang sandali pa lang ay narating na namin ang bahay ni Angge.
"Amigah,pasensya kana sa bahay namin ha? Wala tong aircon eh." Sabi niya ng pabulong.
"Amigah huwag kang mag alala sanay naman ako na walang aircon eh." Sagot ko sa kanya.
Pumasok kami loob nang bahay at napansin kong wala man lang katao tao sa loob.
"Amigah, nasaan pala sila Tito at Tita?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa ibang bansa na sila amigah kinuha sila ni kuya ako nalang nagpaiwan dito." Sagot niya.
"Hindi ka ba nalulungkot?" Tanong ko ulit.
"Nasanay na ako amigah lahat naman talaga ng taong minamahal ko eh iniwan ako eh." Sabi niya.
"Amigah naman huwag ka ng magdrama diyan, alam mo namang yan ang kahinaan ko eh." Sagot ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at itinuro niya sa akin ang kuwarto namin. Iisang kuwarto lang kami ni Angge dahil ayoko naman talagang mag isa sa kuwarto nila. Ou aaminin ko matatakutin talaga akong tao. Kaya nga sabi ni Jade duwag ako eh. Naiisip ko nanaman si Jade. Kumusta na pala siya ngayon.
"Amigah, malalim yata ang iniisip mo." Sabi sa akin ni Angge habang tinutulungan niya akong ilagay sa lagayan ng mga damit ang mga damit ko.
"Naisip ko lang si Jade amigah." Sagot ko sa kanya.
"Bakit hindi mo papupuntahin si Jade dito amigah?" Suhestyon niya.
"Sa tingin mo amigah magandang ideya iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Para sa akin, oo kasi wala namang makakilala sa inyo dito eh. Para narin mabigyan niyo ng panahon ang isa't isa." Sagot niya.
"Amigah, natatakot ako eh, baka kasi kapag nalaman nila Nanay na nagtatago ako dito kasama si Jade, baka mas lalong magagalit si Nanay kay Jade." Malungkot kong tugon.
"Alam mo amigah, hindi naman sa bad influence ako para sa'yo ha, pero sa akin lang kasi kung saan ka masaya doon ka. Isa pa malaki kana eh at malaki na din ang naitulong mo para sa pamilya mo. Bigyan mo naman ng pagkakataong sumaya ang sarili mo." Sabi niya.
"Amigah, kung ganyan lang sana kadali ginawa ko na, pero ang hirap amigah eh, pareho ko silang mahal at pareho silang mahalaga sa buhay ko." Tugon ko sa kanya.
"Alam ko naman yun eh, ang sa akin lang kahit ano pa ang gawin mo ang pamilya mo pamilya mo talaga yun, ou magagalit yan sila sa'yo ngayon pero pagdating ng panahon pamilya mo parin sila." Paliwanag niya.
"Pag iisipan ko amigah, sa ngayon hindi ko na muna iisipin ang pamilya ko o kahit si Jade. Gusto ko munang huminga kasi sakal na sakal na ako." Sagot ko sa kanya.
Niyakap ako ni Angge at pinunasan niya ang luhang pilit kumawala sa mga mata ko.
"Althea, tama na yan, ayokong nakikita kang ganyan eh. Alam mo naman na mahal na mahal kita at nasasaktan ako kapag nasasaktan ka, para na kitang kapatid eh." Sabi niya sa akin.
"Salamat amigah mahal na mahal din kita." Sabi ko sa kanya.
Matapos ang madrama naming eksena ay ipinagluto niya ako nang masarap na sinigang. Alam na alam talaga ni Angge kung paano ako icocomfort at labis akong nagpasalamat sa kanya dahil kahit papano ay gumaan ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.