M

1.7K 91 8
                                    

Meek...

Hinayaan ko nalang na umalis si Jade, wala naman kasi ako sa posisyon para pigilan siya, pumasok ako sa loob upang tingnan si Althea. Parang nadudurog ang puso ko sa nasaksihan ko. Si Althea nakaupo sa gilid ng kama habang humagulhol siya ng iyak. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Amigah, nandito lang ako." Sabi ko sa kanya.

Humarap siya sa akin habang patuloy pa din sa pagdaloy ang kanyang mga luha.

"Amigah, nakipaghiwalay na si Jade sa akin. Hindi ko to matatanggap Amigah." Sabi niya.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, si Jade ang nakipaghiwalay kay Althea na kung tutousin mahal na mahal ni Jade si Althea.

"Amigah, bakit ginawa ni Jade to? Akala ko ba kaya siya pumunta dito para magsama na kayo?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya at nagsalita.

"Hindi nagustuhan ni Jade ang ideya ko na magpakalayo layo na kami Amigah, hindi niya ako maintindihan." Sabi ni Althea.

"Amigah, huwag mo sanang masamain ang opinyon ko ha?" Sabi ko.

"Sa palagay ko kasi amigah may punto naman si Jade eh." Sabi ko.

Tinignan lang ako ni Althea.

"Ganito kasi yan amigah, kung aalis kayo at magpakalayo sa tingin mo ba matatapos na ang problema niyo? Hindi pa tapos yan amigah, sa halip ay dinagdagan niyo pa." Dagdag ko.

"Pero amigah hindi naman kami magpakalayo forever eh. Haharapin din namin ito pagdating nang panahon." Sagot niya.

"Kung haharapin niyo lang din naman pala eh bakit kailangan mo pang iwasan?" Tanong ko.

"Nag iipon lang ako ng lakas ng loob amigah yun ang hindi maintindihan ni Jade." Sabi niya.

"Amigah hindi mo masisisi si Jade, kasi pangalawang beses mo na itong ginawa. Alam mo kaibigan kita kaya sasabihin ko sa'yo kung ano yung opinyon ko." Sabi ko.

"Ganito kasi yan amigah eh, noon oo aaminin ko nagkamali ako kasi bigla ko nalang siyang hiniwalayan pero natakot ako that time eh baka kasi mawalan kami pareho ng career ni Jade." Paliwanag ni Althea.

"Natakot ka last time? Ano ang tawag mo sa ginawa mo ngayon? Naduwag ka? Kung talagang mahal mo ang isang tao amigah ipaglalaban mo yan dapat, wala kang mapapala kung paiiralin mo yang takot at kaduwagan mo." Sabi ko sa kanya.

"Anong gagawin ko amigah?" Tanong niya.

"Ano ba sa tingin mo ang dapat mong gawin? Tanungin mo nga sarili mo kung hanggang kailan ka magpapaalipin sa ugali mong ganyan. Alam mo amigah huwag mong hintayin na kung kailan kana nakapagdesisyon na lumaban eh baka wala kanang ipaglalaban." Sabi ko.

"Amigah itong sa akin advise lang ha? Wala naman kasi akong magagawa kong ayaw mo naman itong sundin. Hindi ko kasi masisi si Jade sa desisyon niya ngayon alam mo kung bakit? Kasi tama siya, hindi mo dapat tinatakbuhan ang problema kasi mas lalo lang itong lalaki. Kahit mahal ka ni Jade amigah handa siyang bitawan ka kasi nakikita niya sa'yo na hindi mo siya kayang panindigan." Paliwanag ko.

"Amigah naman pati ba naman ikaw hindi mo rin ako naiintindihan?" Tanong niya.

"Althea, huwag ka ngang childish matanda ka na kaya umakto ka ayon sa edad mo. Ang sa akin lang naman ay kahit ngayon lang ipakita mo sa Nanay mo na hindi na niya pweding controlin ang buhay mo. Kasi buhay mo yan Althea at walang ibang dapat hahawak niyan kundi ikaw." Sabi ko.

Tumingin siya sa malayo at parang ang lalim ng iniisip niya. Alam kong hindi ko dapat ngayon ito sinasabi sa kanya pero wala ng ibang magpapamulat sa kanya sa katotohanang hindi dapat takasan ang problema. Sinukuan na siya ni Jade at ayoko namang icomfort siya dahil lang sa baluktot niyang paniniwala. Masakit naman kasi talaga para kay Jade ang ginagawa ni Althea eh, si Jade kilala ko bilang palaban at matapang samantalang si Althea duwag at walang bayag sana pala hindi nalang pumasok si Althea sa ganitong klaseng relasyon kung hindi pala buo ang loob niya.

"Amigah, galit ka ba sa akin?" Tanong ni Althea.

"Hindi ako galit sa'yo amigah, sinasabi ko lang sa'yo yung opinyon ko. Pero nasa sa'yo naman yun eh kung hindi mo kaya. Ikaw na magdesisyon kasi buhay mo yan amigah." Sabi ko.

"Kung papasakalan ko nalang kaya si DR para matapos na ang lahat ng ito?" Tanong niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa naririnig ko.

"Naririnig mo ba ang sarili mo amigah? Papakasalan mo ang isang taong hindi mo naman mahal para lang masunod ang gusto ng Nanay mo?" Sabi ko.

"Wala na naman kami ni Jade eh, so wala na ring rason para maging masaya ako. Si Jade lang ang tanging kasiyahan ko amigah pero iniwan niya ako." Sabi niya habang may luha na namang namumuo sa kanyang mga mata.

"Amigah pwedi mo pang mabawi si Jade basta gawim mo lang ang gusto niya. Baka akala mo madali lang ang magpakasal sa taong hindi mo mahal, nakikita mo naman sa ibang celebrity diba? Nagpapakasal sa taong hindi mahal eh ang ending naghihiwalay din." Paliwanag ko.

"Kung nahihirapan kang kausapin ang Nanay mo, bakit dimo subukang kausapin si David? Aminin mo sa kanya. Total hindi na yan bago sa kultura nila at tanggap sa kanila ang same sex relationship." Dagdag ko

"Paano kapag nalaman ni Nanay?" Tanong niya.

"Nanay mo yan eh, natural magagalit yan sa umpisa pero habang tumatagal maiintindihan ka rin niyan. Isa pa malaki na ang naitulong mo sa pamilya mo Althea sarili mo namang kaligayahan ang priority mo ngayon." Sagot ko sa kanya.

"Amigah, hindi pa rin talaga buo ang loob ko eh. Kinakabahan ako. Parang ang daming humahadlang sa amin eh." Sabi niya.

"Amigah normal yan sa ganyang klaseng relasyon, unang hadlang sa inyo pamilya niyo, pangalawa sa trabaho at pangatlo mga taong nakapalibot sa inyo. Pero kung mahal niyo talaga ang isa't isa bakit kayo papaapekto sa sasabihin ng iba? Kahit naman sa mga straight na relasyon may masasabi pa din sila eh. So huwag mo silang intindihin amigah magfocus ka lang sa kung saan ka masaya." Paliwanag ko sa kanya.

Niyakap niya ako at niyakap ko din siya ng mahigpit. Kilalang kilala ko na talaga itong si Althea, noon paman masyado itong masunurin sa Nanay at Tatay niya, pero siguro naman this time kailangan na niyang mag grow. Hindi habang buhay magpapaalipin siya sa takot niya.

"Amigah, gusto mo ba sasamahan kita sa pagluwas mo?" Tanong ko sa kanya.

"Gagawin mo yun para sa akin amigah?" Tanong niya sa akin na parang bata.

"Opo, ano pang silbi ko sa buhay mo kung hindi kita kayang tulungan." Sagot ko na nakangiti.

"Salamat amigah, salamat at palagi kang nandiyan para sa akin." Sagot niya

"Oo naman asahan mong nandito lang ako para sa'yo, pero tandaan mo amigah kailangan mo ding tumayo at magdesisyon para sa sarili mo ha? Kasi hindi sa lahat ng panahon ay matutulungan kita." Sagot ko.

Tumango lang siya at pinahiran niya ang mga luhang pumapatak sa pisngi niya.

"Huwag ka nang umiyak amigah, babalik din si Jade sa'yo at maayos din natin ito. Basta pakatatag ka lang at dapat buong buo na talaga ang loob mo kasi hindi ito basta bastang laban lang, kundi laban ito para sa kaligayahan mo at kalayaan na rin. Kaya pahinga ka na ha?" Sabi ko sa kanya.

Inalalayan ko siya papunta sa kama para naman makapagpahinga na siya. Tapos at lumabas ako sa kuwarto, nang may napansin akong isang puting kotse na nakahinto di kalayuan sa gate namin. Walang tao sa labas ng kotse kaya naman plano kong bumaba at puntahan sana ito pero bigla nalang itong umalis.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon