O

1.6K 77 11
                                    

Opportunity...

Tulad nang pangako ni Angge ay sinamahan niya akong lumuwas. Ilang araw na din simula nang makipaghiwalay si Jade sa akin, mula noong umalis siya ay hindi na siya tumawag o magtext man lang. Aaminin ko nasasaktan ako pero desisyon niya yun dapat ko itong respetohin siguro tama nga si Jade kung gusto ko na maging masaya kami ay ayusin ko muna ang sarili ko at sisimulan ko ito ngayon. Tinawagan ko si Ate Cris para kausapin ko siya tungkol sa amin ni David, baka sakaling pakinggan niya ako. Si Nanay kasi hindi ako binigyan ng pagkakataong ipahayag sa kanya ang tunay kong naramdaman. Sana this time makinig si ate.

"Althea, mabuti naman at nagpakita kana." Bungad ni Ate nang makita niya ako sa bahay. Nagkataon kasing wala dito sila Nanay kaya siya lang ang naiwan dito.

"Ate, patawarin niyo po sana ako kung umalis nalang ako bigla." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at kay Angge.

"Angge pati ba naman ikaw kinokonsente mo itong si Althea?" Baling niya kay Angge.

"Ate hindi naman sa kinonsente ko si Althea, gusto lang kasi niyang mag isip muna kaya sino ba naman ako para tanggihan siya." Wika ni Angge habang may mapanlokong ngiti sa labi.

"Konsente ang tawag dun Angge tsaka kung tunay ka ngang kaibigan ni Althea sana man lang pinagsabihan mo yang kaibigan mo na isang kasalanan ang pagsuway sa utos ng mga magulang." Sabi ni ate.

Hindi na sumagot pa si Angge. Kaya naman nagsalita na ako.

"Ate pwedi ba kitang makausap?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit Althea sa tingin mo ngayon? Hindi pa ba tayo nag uusap?" Pilosopo niyang sagot.

"Ate naman wala namang ganyanan. Gusto kitang makausap ng masinsinan." Sabi ko ng mahinahon.

"Alam mo Althea kung tungkol na naman ito kay Jade. Wala na tayong pag uusapan pa. Kasi nag usap na kami ni Jade." Sagot niya.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Jade nakikipag usap kay ate? Mukhang may naamoy akong hindi maganda.

"Bakit kayo nag uusap ni Jade?" Taka kong tanong.

"Nagtaka kapa, sino ba sa tingin mo ang pinag uusapan namin?" Sabi niya. "Nabanggit niya sa akin na hiwalay na daw kayo." Dagdag niya.

"Ano pang sabi ni Jade?" Tanong ko.

"Yun lang sabi niya kung gusto mo daw na mapatawad ka pa niya eh, huwag mo na daw bigyan nang kahihiyan ang pamilya mo at pamilya niya kasi hindi niya raw kayang tanggapin na pati Mommy niya nadadamay sa relasyon ninyo." Sagot ni ate na may ngiti sa labi.

Hindi ako makasagot. Ganun na ba kalaki ang galit ni Jade sa akin at kailangan niyang kausapin si ate tungkol sa aming dalawa? Hindi ako makapaniwalang kayang gawin ito ni Jade pero hindi rin naman kayang magsinungaling ni ate Cris.

"Amigah okay ka lang?" Tanong ni Angge.

Tumango lang ako.

"Ano Althea yan ba ang babaeng kinababaliwan mo? Yung tipong bibitawan ka agad kapag madungisan na ang pangalan niya?" Sabi ni ate.

"Hindi magagawa ni Jade yan." Sabi ko.

"At ano sa tingin mo? Gumagawa ako ng kwento? Sige nga paano ko nalaman na hiwalay na kayo kung hindi niya ako kinausap?" Sagot niya.

"Hindi...hindi niya kayang gawin yan, kilala ko si Jade." Pagmamatigas ko.

"Anong ibig mong sabihin? Na nagsisinungaling ako sa'yo?" Galit niyang sabi.

Pero hindi ko na siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang kamay ni amigah at umalis kami nang bahay.

"Amigah aray naman! Kung may galit ka sa ate mo huwag mo naman akong idamay ang sakit sakit na ng kamay ko." Reklamo ni Angge.

"Sorry amigah pero may kailangan lang akong puntahan." Sabi ko sa kanya.

"Saan at sino?" Tanong niya.

"Si David." Sagot ko.

Nagtungo kami sa inuupahang condo ni David. Habang nasa daan ay pareho kaming tahimik ni amigah kaya naman patuloy lang ako sa pagmamaneho.

"Amigah dahan dahan lang naman." Saway ni Angge.

"Mahina pa to amigah." Sagot ko sa kanya.

Habang nasa daan kami ay nakita ko si Sally sa may flower shop. Huminto ako at bumaba ng kotse.

"Sal, pwedi ba tayong mag usap?" Tanong ko sa kanya.

Nabigla siya nang humarap siya sa akin.

"Althea?" Tanong niya. "Anong ginagawa mo dito?" Dagdag niyang tanong.

"Sal, kailangan kitang makausap." Sabi ko.

"Tungkol saan ang pag uusapan natin Althea?" Tanong niya.

"Tungkol kay Jade." Sagot ko.

"Ano naman ang tungkol sa kanya?" Sabi niya.

"Sal, may alam ka ba kung nag uusap si Jade at si ate Cris?" Tanong ko.

"Althea ang alam ko lang,tumawag yung ate mo kay Jade at gustong makipagkita sa kanya." Sagot ni Sally.

"Si ate mismo ang tumawag kay Jade?" Paglilinaw ko.

"Oo Althea kasi nasa condo ako ni Jade that time eh, may pinag uusapan kami kaso tumawag yung ate mo at sabi magkikita daw sila ni Jade sa RK." Sagot niya.

"Nagkita ba sila Sal?" Tanong ko ulit.

"Oo pero saglit lang yun eh." Sagot niya.

"Ano daw pinag uusapan nila Sal?" Tanong ko.

"Althea mas mabuti sigurong si Jade ang kausapin mo tungkol diyan. Pero wala si Jade dito ngayon eh." Sabi niya.

"Wala si Jade? Bakit nasaan siya?" Tanong ko.

"Nag out of country inimbetahan kasi siya ng friend niya eh." Sagot niya.

"Sinong friend?" Tanong ko ulit.

"Si Lovi,yung modelo?" Sagot niya.

Nainis ako bigla. Alam namin pareho ni Jade na lesbian si Lovi at hindi naman talaga maikaila na may gusto si Lovi kay Jade kasi noon paman ay nagpaparamdam na ito sa kanya.

"Kailan daw balik ni Jade dito?" Tanong ko.

"Wala siyang nasabi Althea eh. Pero ang alam ko pagbalik niya sasama si Lovi sa kanya." Sagot ni Sally.

Mas lalo akong nainis, paano na to ngayon? Ilang araw pa lang kaming break may Lovi na agad siyang pinalit sa akin. Iba ka rin Jade. Sabi ko sa isip ko.

"Althea mauna na ako sa'yo ha?" Paalam ni Sally.

"Sige Sal, salamat at pasensya na sa disturbo." Sagot ko sa kanya.

"Ano ka ba, wala yun noh." Sabi niya.

Bumalik ako sa kotse na parang pasan ko ang buong mundo. Ang isipin ko si Lovi at Jade ay mas lalo akong naiinis. Pero wala na akong karapatan kay Jade ngayon dapat hindi ko na nararamdaman to. Wala na kami ni Jade at kahit sinong gusto niyang makasama ay hindi ko na dapat pinapakialam pa. Pero bakit ganito? Nasasaktan ako, nadudurog ang puso ko sa mga nalaman ko. Jade, mahal na mahal kita, sana man lang hindi ka maagaw ng iba sa akin kasi kapag nangyari yun hindi ko kakayanin.

"Hoy amigah bakit hindi maipinta yang mukha mo? Kahit si Da Vinci mahihirapang ipinta ang mukhang yan eh." Pagbibiro ni Angge.

Pero parang hindi ko ito narinig at patuloy lang ako sa pagmaneho. Ngayon sa condo ko nalang kami uuwi. Wala na rin akong ganang kausapin si David. Pakiramdam ko lahat ng organ ko sa katawan ay huminto na ng tuluyan. Masakit pala talaga kapag nalaman mong ang mahal mo ay masaya na kahit wala ka.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon