R

1.6K 77 44
                                    

Restart...

"Jade, ano ba yang ginagawa mo sa sarili mo?" Galit na sabi sa akin ni Nadine.

"Nadine, bakit ka ba nandito?" Tanong ko sa kanya habang sinisindihan ko ang sigarilyo ko.

"Jade, nag aalala na kami sa'yo si Mommy at ako. Huwag mo namang abusuhin ang katawan mo dahil lang sa isang babae." Sabi sa akin ni Nadine.

"Nadine, hayaan niyo muna akong magluksa please." Sabi ko.

"Magluksa? Bakit Jade, namatayan ka ba?" Sabi niya. "Jade naghiwalay lang kayo ni Althea hindi pa siya patay para magluksa ka." Dagdag niya.

Kinuha niya ang sigarilyo sa mga kamay ko at binali niya ang mga ito." Pag ako napuno sa'yo Jade iwan ko nalang talaga." Sabi niya.

"Sige Nadine. Patayin mo nalang ako." Sagot ko sa kanya.

"Jade, dapat ipakita mo kay Althea na isang malaking pagkakamali ang ginawa niya nang ipinagpalit ka niya sa iba. Sa halip na lunurin mo yang sarili mo sa bisyo mo bakit dimo subukang magpaganda lalo at bumangon." Pagnenermon niya.

"Nadine, nasasaktan ako eh dimo naman ako maintindihan kasi hindi ka dumaan ng ganito." Sabi ko.

"Jade, yang pinagdadaanan mo ngayon napagdaanan ko rin yan noon. Pero hindi ko sinayang ang sarili ko. Sa halip ginawa ko itong inspirasyon para mas lalo akong tumibay." Sagot niya.

Biglang tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko ay si Althea ulit ang tumatawag. Lampas isang buwan na rin ang nakalipas mula nang ikasal siya kay DR at mula noong gabing tinawagan ko siya ay hindi na ulit ako nagpaparamdam sa kanya. Baliktad naman ang ginagawa ni Althea dahil simula noong gabing iyon ay halos araw araw niya akong tinatawagan. Pero ni isang beses hindi ko na siya sinagot.

"Jade, ano tititigan mo nalang mo nalang yang cellphone mo?" Pukaw sa akin ni Nadine.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ko ito. Sakto namang may kumakatok sa pintuan. Binuksan ito ni Nadine at nakita ko si Lovi na nakatayo sa may pinto.

"Hi." Bati niya kay Nadine.

"Mabuti naman at naisipan mong dumalaw dito Love." Sabi ni Nadine kay Lovi.

"Yeah, naririnig ko kasing may isang babaeng nagluluksa diyan eh kaya nandito ako para makiramay." Sagot niya na nakangiti.

"Oh, paano Love ikaw na munang bahala kay Jade ha?" Bilin ni Nadine kay Lovi.

Lumapit si Nadine sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Jade, bumangon ka yun lang ang paki usap namin ni Mommy sa'yo. Kung nawala man siya sa'yo Jade, kami hinding hindi kami mawawala. Tandaan mo yan." Sabi niya. At umalis na siya sa condo ko.

"Hmmm, ang pangit mo na Jade." Sabi ni Lovi sa akin.

"Kahit naman noong maganda pa ako wala namang nagmamahal sa akin eh." Sagot ko sa kanya.

"Ang aga aga pa para maglasing alam mo ba yun?" Sabi niya.

"Huwag ka nang kumontra Love ito lang ang paraan para makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko dahil sa lintik na Althea na yon." Sagot ko.

"Kaya nga dapat kung magmamahal ka huwag mong ibuhos lahat, magtira ka para sa sarili mo kasi kung darating man ang panahon na iiwanan ka niya eh, makakabangon ka agad." Mahinahon niyang sabi habang tinitingnan ako.

"Love, sana ikaw nalang yung minahal ko." Sabi ko sa kanya.

"Sana nga Jade ako nalang kasi hinding hindi kita sasaktan at hinding hindi kita iiwanan." Malungkot niyang sabi. "Pero nagkataon kasi Jade na sa iba tumibok ang puso mo eh kaya wala tayong magagawa dun." Dagdag niya.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon