S

1.6K 74 12
                                    

Sweet memorhi...

"Amigah gising." Yugyug ni Angge sa balikat ko.

"Anong oras na ba?"tanong ko sa kanya.

"Oras na para tumigil ka sa pagiging tanga." Sagot niya.

"Ano ba yan amigah, kakagising ko pa lang sermon na agad?" Pagrereklamo ko.

"Yan naman talaga dapat amigah para magising ka sa katotohanan na wala nang kayo." Sabi niya.

"Sige idiin mo pa." Sagot ko sa kanya.

"Ligo lang ako amigah ha." Paalam ko sa kanya.

Pumasok ako sa banyo at binuksan ko ang shower. Ilang buwan na bang walang kami ni Jade? Hindi ko na matandaan. Sabi ko sa sarili ko. Masaya na si Jade ngayon dapat maging masaya ako para sa kanya pero hindi yan ang naramdaman ko. Sobrang selfish ko ba para isipin ko lang ang sarili ko? Sila Nanay hindi ko na rin kinakausap mula noong nagdivorce kami ni DR walang mapaglagyan ang galit nila sa akin.

Jade, hindi na ba talaga magiging tayo. Ganito ba ang ending natin. Ang daming tanong na nabuo sa isip ko. Kailangan ko ng mga kasagutan. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at hinanap ko si Angge.

"Amigah!" Sigaw ko.

"Yes amigah wait lang dito lang ako." Sagot niya. At lumabas siya sa room niya.

"Tara na?" Tanong ko sa kanya.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Kahit saan." Sagot ko.

Naglakad kami patungong parking lot at nang marating namin iyon ay sumakay kami sa kotse.

"Ready kana amigah?" Tanong ko sa kanya.

"Ready na amigah." Sagot niya.

At pinaandar ko sa kotse. Binaybay namin ang matraffic na daan ng Maynila. Hanggang sa marating namin ang isang nakatagong paraiso. Unang bumaba si Angge at nagpaiwan ako sa sasakyan. Naalala ko dito kami dati ni Jade. Ang saya saya namin noon, sinong mag aakala na babalik akong hindi na siya kasama ngayon.

"Amigah halikana!" Sigaw sa akin ni Angge.

Kaya naman nagalakad ako at pagbaba ko ay saka ko lang napansin ang isang pamilyar na sasakyan na nakapark di kalayuan sa pinaparadahan ko.

Nilapitan ko ito at tama nga ang hinala ko. Kay Jade ang sasakyang ito. Pero bakit siya nandito? Tanong ko sa sarili ko. Nagmasid masid ako sa paligid hanggang sa may nakita akong isang babae na nakaupo sa may dalampasigan. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya. Si Jade nga ang nasa harapan ko ngayon. At parang umiiyak siya. Pinagmasadan ko muna siya at nag ipon muna ako nang lakas ng loob bago ako nagsalita.

"Anong ginagawa nang isang magandang binibini dito?" Tanong ko.

Lumingon siya at ngumiti nang malungkot sa akin.

"A..Althea?" Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Yun din ang tanong ko sa'yo kanina Jade." Sabi ko habang nakangiti. "Pwedi ba akong tumabi sa'yo?" Dagdag ko.

"Halika." Sagot niya habang itinuro niya na umupo ako sa tabi niya.

"Nasaan pala si Lovi." Tanong ko habang nakatanaw ako sa malayo. Ang umupo katabi si Jade ngayon ay nagbibigay ng sobrang saya sa puso ko.

"Bakit mo naman siya hinahanap sa akin." Sagot niya.

"Bakit naman hindi diba? Last time sabi mo pag aari kana niya." Malungkot kong sabi.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay bumuntong hininga lang siya.

"Kumusta kana?" Sabay naming tanong.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon