I hate that I love you....
Nakapagtataka kung bakit ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Althea sa akin. Simula noong nagpunta si Mom sa condo ko kinagabihan noon ay tinawagan ko siya pero naka off ang cellphone niya hanggang ngayon. Nagkataon pa na nasa bakasyon ang direktor namin kaya wala talaga kaming chance na magkikita sa trabaho. Kinakabahan ako pero ayokong magpadala sa iniisip ko. Alam ko hinding hindi na gagawin ni Althea ang ginagawa niya dati dahil nangako na siya sa akin na hinding hindi na niya ako sasaktan.
Dumating na ang gabi nang may biglang kumatok sa pintuan ko. Agad akong naglakad para buksan ko ito at laking gulat ko nang makita ko kung sino ang taong kaharap ko. Ang Nanay ni Althea.
"Magandang gabi po." Bati ko sa kanya.
"Huwag ka nang magkunwaring magalang Jade." Sagot niya sa akin.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Lito kong tanong. Pero sa totoo lang kinakabahan ako kasi alam kong napasok ako sa gulo ngayon.
May kinuha siyang sobre at ibinigay niya ito sa akin.
"A..ano po ito Tita?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit di mo buksan para malaman mo kung ano ang laman niyan?" Sagot niya habang nakatitig sa akin na parang diring diri siya.
Binuksan ko ito at laking gulat ko dahil kagaya nang mga litratong ipinadala kay Mommy ay ganoon din ang litratong hawak ng Nanay ni Althea.
"Gulat na gulat ka yata Jade?" Tanong niya sa akin.
"Magpapaliwanag po ako Tita, hindi po ito kagaya ng iniisip niyo." Pagdedespensa ko.
"Bakit? Ano ba sa akala ko ang iniisip ko?" Sagot niya.
Pero sa halip na sagutin ko siya ay hindi na lang ako sumagot alam ko naman kasi ma kahit ano pa ang gawin kong paliwanag ay hindi siya makikinig. Hanggang sa nagsalita siyang muli.
"Jade kung ayaw mong masira ang career niyo pareho ni Althea nakikiusap ako na ikaw na mismo ang lumayo sa anak ko." Sabi niya.
"Pero Tita mahal ko po ang anak niyo, sana po maintindihan niyo yan." Sagot ko.
"Mahal mo ang anak ko? Hanggang saan kayo kayang dalhin ng pagmamahal niyo na yan, ha, Jade?" Sabi niya na medyo mataas na ang boses.
"Tita please po huwag po kayong mag eskandalo dito." Pakiusap ko.
"Hindi ako nag eeskandalo Jade, ang gusto ko lang itigil niyo na ang kahibangan niyong yan. Dahil malalaman at malalaman ng management ang mga ginagawa niyo." Sabi niya.
Hindi ko na napigilang umiyak. Kahit anong pigil ko ay lalabas at lalabas pa din ang mga luha ko. Hanggang sa nagsalita siyang muli.
"Alam mo Jade kung talagang mahal mo si Althea ay lalayuan mo siya. Dahil sasabihin ko sayo ito hindi ikaw ang nababagay para sa anak ko. Tanggapin mo nalang ang katotohanan na ang relasyong pinapangarap mo ay malayo sa realidad." Sabi niya.
"Kahit ano pa po ang sasabihin niyo ay hinding hindi ko po isusuko ang pagmamahal ko sa anak niyo. Napaghiwalay niyo na kami noon hinding hindi ko na hahayaang mangyari yan ngayon." Sagot ko sa kanya.
"Anong mapapala niyo sa relasyon na yan kung ipipilit mo? Ang babae nakalaan para sa lalaki hindi para sa kapwa babae. Huwag mong suwayin ang utos ng Diyos." Sabi niya.
"Utos nang Diyos? O utos niyo po?" Sagot ko sa kanya.
Isang malakas na sampal ang natamo ko.
"Para magising ka sa katotohanan na nag iilusyon ka lang." Sabi niya pagkatapos niya akong sampalin.
"Nakakaawa po kayo sa totoo lang, kasi pinapakita niyo lang po sa akin ngayon na hindi kayo totoong alagad nang Diyos, dahil nanghuhusga po kayo. Hindi yan ugali ng taong MakaDiyos." Sagot ko sa kanya.
Nakita kung nabigla siya pero binawi niya agad ito.
"Kahit ano pa ang sasabihin mo hindi na magbabago ang paningin ko sayo na isa kang peste na humahawa sa anak ko. At ang katulad mo dapat iniiwasan o nilalayuan." Sabi niya.
"Tandaan niyo po, peste man ako sa paningin niyo. Ito lang ang pesteng nagmamahal nang totoo sa anak mo. At kahit ilayo mo man siya sa pesteng katulad ko darating at darating pa din ang panahon na hahanap hanapin niya ako. Ngayon kung wala na po kayong magandang sasabihin maari na po kayong umalis sa harapan ko." Pagkasabi ko nun ay isinara ko ang pinto.
Para akong lantang gulay na nawawalan ng lakas ngayon, pinipilit ko lang magpakalakas kanina habang kaharap ko ang ina ni Althea dahil ayokong makita niya na pinanghihinaan ako ng loob. Pero ngayon, ako nalang mag isa, lahat ng sakit at nararamdaman ko na. Kaya naman wala akong nagawa kundi iyak ako nang iyak bakasakaling mabawasan ng konti ang nararamdaman ng puso ko ngayon.
Patuloy ako sa pag iyak hanggang nasa kuwarto na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at si Althea ito.
"Hello Jade" sabi niya habang umiiyak.
"Althea umiiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Jade, I'm so sorry." Sabi niya.
"Althea, bakit?anong problema?" Tanong ko sa kanya.
"Nalaman na ni Nanay at pinilit niya akong magpakasal kay David." Sabi niya.
"Althea please huwag mong sundin ang Nanay mo." Sagot ko sa kanya.
"Jade, hindi mo ako naintindihan. Kahit na hindi ko sundin si Nanay patuloy padin nila tayong paghihiwalayin." Sabi niya.
"Althea, nangako ka na hinding hindi mo na ako sasaktan diba? Nangako ka tandaan mo yan." Iyak kong sabi sa kanya.
"Pero Jade, intindihin mo naman ang sitwasyon ko, ako ang naiipit dito." Sagot niya.
"Althea, lagi nalang bang ikaw ang iintindihin ko? Kailan mo naman ako maiintindihan? Ngayon lang Althea ipaglaban mo naman kung sino ang tinitibok ng puso mo. Kahit ngayon lang huwag kang magpakaduwag." Pakiusap ko sa kanya.
"Jade, ang dali dali lang para sayo sabihin yan kasi wala ka sa posisyon ko. Pero mahirap para sa akin Jade. Mahirap mahati sa pamilya mo at sa taong mahal mo Jade." Sagot niya.
"Ganun ba yon? Dahil ba madami sila at ako nag iisa lang, ako nanaman ang isasakripisyo mo Althea? Paano naman ako? Alam mong mahal kita at alam ko ding mahal mo ako. Sa tingin mo ba matatanggap ko yun nang ganun-ganun nalang? Althea magpakatotoo ka naman once in your life. Ipaglaban mo naman kung ano ang kasiyahan mo." Sabi ko habang humaguhol na ako.
"Jade, please tama na yan, huwag ka nang umiyak Jade. Nasasaktan ako lalo kapag naririnig kitang umiiyak. Tahan na mahal ko please." Pakiusap niya.
"Althea, mangako ka ipaglalaban natin ito please. Huwag mo naman akong hayaang lumaban mag isa. Laban natin to Althea, mangako ka sa akin please." Sabi ko sa kanya.
Pero sa halip na sumagot siya ay pinatayan niya ako ng telepono. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang.
"Althea!" Sigaw ko habang yakap yakap ko ang unan na tanging saksi sa kasawian ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.