X

1.6K 71 19
                                    

XxxxxXxxx...

"Althea, kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.

"Jade, ganun pa din eh. Sumasakit pa din ulo ko." Sagot niya.

"Normal lang daw yan sabi nang doktor kasi habang bumabalik daw ala ala mo eh mararamdaman mo daw ang pananakit ng ulo." Paliwanag ko.

"Pahinga ka muna." Sabi ko sa kanya.

"Sige," sabi niya sa akin. At pumasok siya sa kuwarto namin.

Simula noong nakalabas nang hospital si Althea ay sa condo ko na siya umuuwi kasi hindi pa rin  niya matatandaan ang pamilya niya. Himala nga at natandaan niya si DR. Minsan napaisip tuloy ako, siguro minahal ni Althea si DR kasi hindi niya ito nakalimutan.

Kung sakaling minahal nga niya ito ay wala na akong magagawa doon. Tanggapin ko nalang na naging bahagi siya sa buhay ni Althea. Tumunog ang cellphone ko at Nanay ni Althea ang tumawag.

"Magandang araw po." Bati ko sa kanya.

"Hello Jade, magandang araw din sa'yo." Sabi niya sa kabilang linya.

"Napatawag po kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Mangangamusta lang sana ako kay Althea eh." Sabi niya.

"Natutulog po siya ngayon kasi masakit daw ang ulo niya." Sagot ko.

"Ganun ba. Wala pa din ba siyang naaalala?" Tanong niya.

"May mga tao na po siyang naalala gaya nila Bachi,Alcris, Glaiza, Rhian at si Ate Cris po." Sabi ko.

Bumuntong hininga ang Nanay niya.

"Hindi pa pala ako naalala ng anak ko akala ko hindi niya ako nakalimutan." Sabi niya.

Tapos nagsalita pa siya.

"Hindi niya ako naalala pero yung mga nagagawa ko sa kanya hindi niya nakalimutan." Dagdag niya.

"Huwag na po kayong malungkot, kasi alam ko kapag bumalik na ang ala ala ni Althea eh, maintindihan niya naman lahat ng yon." Sagot ko.

"Sana mga Jade, alam mo bang hindi ako makatulog ng maayos dahil inuusig ako ng konsensya ko." Sabi niya.

"Patawarin niyo na po ang sarili niyo, nangyari na po yun lahat naman po tayo may kanya kanyang rason kung bakit tayo nakapagdesisyon ng ganun eh." Sabi ko.

"Sana nga Jade, madali gawin yang sinasabi mo pero para sa akin, napakahirap bilang ina niya nahihirapan akong patawarin ang sarili ko. Kasi ako pa mismo ang nagpapahirap sa anak ko, na sana ako yung magtatanggol sa kanya. Napakasama kong ina." Sabi niya.

Ramdam kong umiiyak na siya.

"Tita, tama na po. May rason naman po kung bakit ito nangyari eh. At naniniwala po ako na darating din ang panahon na maging normal na ang lahat." Sagot ko sa kanya.

"Sa ngayon po, hintayin nalang po natin na gumaling na si Althea." Sabi ko.

"Salamat Jade, ikaw na munang bahala sa anak ko ha?" Sabi niya.

"Ako na po ang bahala sa kanya." Sagot ko.

"Salamat, alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa'yo noon pero maniwala ka man sa akin o hindi nagsisisi na ako ngayon, kasi ngayon ko lang nakita kung ano ka talaga." Sabi niya.

Hindi ako makasagot alam kong galing sa puso ang mga salitang binitawan ng Nanay ni Althea.

"Jade, ikumusta mo nalang ako sa anak ko ha?" Paki usap niya.

"Sige po. " sabi ko sa kanya at pinatay na niya ang tawag.

Umupo ako sa may sofa nang napansin kong may nakatingin sa akin. Nilingon ko ito at nakita kong pinagmasdan pala ako ni Althea. May lungkot na namumuo sa kanyang mga mata.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon