Tragedy...
Pagkatapos nang nangyari kay Jade ay nalaman kong nagsuffer pala siya sa "Mood Disorder" or tawagin nating depression. Kaya naapektuhan ang buong sistema niya. Walang sapat na tulog at kawalan nang gana sa pagkain ang dahilan nang kanyang pangangayayat. Idagdag mo pa ang mga bisyo niya ngayon. Sigarilyo, at inum. Nagulat nalang ako sa mga nalalaman ko. Ganun ba kaapektado si Jade sa pagpapakasal ko kay DR? Kung ganun ako pala ang puno't dulo kung bakit nandito siya ngayon.
Si Jade na dating palaban sa buhay hindi ko akalaing ako pala ang kahinaan niya. Sobrang galit ko sa sarili ko. Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko dahil sa nagawa ko kay Jade. Kung noon sana nakinig ako sa mga hiling niya hindi sana kami aabot sa ganito.
"Althea pwedi ba tayong mag usap?" Tanong ni Tita Clara sa akin.
"Ano po ang pag uusapan natin?" Sabi ko.
"Althea, bilang ina ni Jade may karapatan akong magdesisyon para sa anak ko." Sagot niya.
"Tita, humihingi po ako nang kapatawaran sa lahat ng nagawa ko kay Jade." Sagot ko habang nakayuko.
"Hindi na natin kayang ibalik ang mga nangyari na Althea pero kaya pa nating iwasan para hindi na maulit ang history nang nakaraan." Paliwanag niya.
"Alam mo Althea, hindi ako tutol sa pagmamahalan ninyo ni Jade noon. Kasi wala naman akong nakikitang masama sa ginagawa ninyo. Normal lang yan, nagmamahalan kayo at masaya ako doon." Sabi niya.
Nanatili lang akong tahimik.
"Ang hindi ko lang gusto Althea ay iyong nakikita kong unti unting nilulunod nang anak ko ang sarili niya dahil sa sobrang pagmamahal niya sa'yo ay nakalimutan niyang may nagmamahal din sa kanya at kami yun ang pamilya niya." Dagdag ni tita.
Tumango lang ako.
"Ngayon Althea, ako na ang makiki-usap sa'yo. Please layuan mo na ang anak ko. Tama na yung naging kayo noon kasi hindi talaga kita mapapatawad kapag may masamang mangyayari kay Jade." Sabi niya habang hinahawakam ang mga kamay ko.
"Nakiki-usap ako sa'yo Althea bilang ina na ayaw mawalan nang anak. Alam kong mabuti kang tao Althea nakikita ko yun at alam ko din kong gaano mo kamahal ang anak ko. Pero hindi mo ba napapansin, na ang labis na pagmamahal niyo sa isa't isa ay siyang unti unting sumisira sa inyong dalawa?" Dagdag niya.
"Tita, naiintindihan po kita. Pero may hiling lang po sana ako sa inyo ngayon." Sabi ko.
"Ano yun?" Tanong niya.
"Hayaan niyo pong makita ko si Jade sa huling pagkakataon tita." Paki-usap ko.
"Sino ba naman ako para ipagdamot yan sa'yo Althea. Go ahead. Puntahan mo na siya." Sabi niya.
Tamayo na ako at naglakad papunta sa kuwarto ni Jade nang...
"Althea.!" Tawag niya sa akin.
Lumingon ako sa kanya.
"Maraming salamat at sana maintindihan mo ako." Sabi niya.
Tumango lang ako sa kanya. Naiintindihan ko si tita at ayaw ko din na may masamang mangyayari kay Jade kaya para sa ikabubuti niya gagawin ko ang hinihiling ng kanyang ina.
Nasa loob na ako nang kuwarto nang makita kong naka-upo si Jade sa kama niya. Nilapitan ko siya.
"Hi, gising ka na pala." Sabi ko.
Ngumiti lang siya.
"Tinakot mo ako doon ha." Sabi ko habang tinititigan siya. "Bakit mo ba pinabayaan yang sarili mo?" Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.